Prologue

1.4K 12 0
                                    

Avy's POV

Wow! Ang ganda naman dito. Andaming puno na makukulay ang dahon. Ang daming bulaklak at mga cute na animals. Iniikot ko ang ang aking paningin at saka naglakad ako. Ang saya siguro dito tumira. Maraming pagkain, tahimik at payapa. Sana dito nalang kami nakatira. 

Habang naglalakad ako sa lugar na ito, may nakita akong isang babaeng sobrang ganda. Nakasuot siya ng off shoulder na dress na sobrang haba. 

"Dito ka nararapat. Dito ka dapat nakatira. Ikaw ang nagmamay-ari ng lahat na ito. IKAW!" sabi niya. 

"Ate, hindi ko po kayo maintindihan. Hindi po ako mayaman kaya po hindi sakin ito." sabi ko sa kanya ng may bahid ng pagtataka. 

"Avy, hindi ka tao. Unawain mo naman sana ang aking pananawagan. Kailangan ka ng iyong nasasakupan. Avy, bumalik ka na sa iyong tunay na tirahan." sabi niya na wari ko ay nagmamakaawa na. 

"Ate, baka po hindi ako ang hinahanap niyo. Ni hindi ko nga po kayo kilala. Teka, bakit niyo po ako kilala? Di naman po ako lumalabas ng bahay bukod po sa papasok ako." Kinakabahan na talaga ako sa kanya. Hindi ko na kaya ito. Gusto ko na umalis dito. Ang creepy ni ate girl. 

"Avy, hindi na mahalaga kung bakit kita kilala. Kailangan ka na ng iyong kaharian. Tanging ikaw lang ang makakapagligtas sa kanila. Avy, hindi ka tao. Ikaw ay isang pr------ AVIANNA!".

"Gumising ka na! Malelate na tayo. Sayang yung pancakes na niluto ni tita Charlotte. Sige ka, uubusin ko yung sayo pag hindi ka gumising." sigaw ni Blake. 

Aahh! May pasok nga pala ako. Kailangan kong nang magmadali. Ayokong mapagalitan ng teacher namin. 

"Babangon na ako! Subukan mong kainin ang pancakes ko, sasakalin kita!" sigaw ko kay Blake.

Bumaba na ako at kumain. Ang sarap talaga gumawa ng pancakes ni Tita Charlotte. I can't imagine paano na lang kung wala si Tita dito, ano kaya ang mangyayari sa buhay namin. 

"Kayong tatlo diyan, bilisan niyo at konting oras na lang late na kayo." paalala samin ni Tita Charlotte. 

"Opo!" Sagot naming tatlo.

"Katagal naman kasing gumising ni Avy." inis na sabi ni Brice.

"Oo na. Ako na matagal gumising." Sabi ko sa kanya.

"I-set mo kasi alarm mo. Lagi ka nalang late gumising, maaga ka namang natutulog." sabi ni Blake sakin.

 "Opo. Naka set naman iyong alarm ko. Hindi ko lang marinig." sabi ko sa kanya.

"Kasi late gigising. Magagalit na naman satin tuloy si Ms. Salazar." paninisi ni Brice sa akin.

"Kasalanan ko ba! Huwag ka nga mangsermon! Ikaw rin naman ha. Minsan nga late ka nang gumising. Makapanisi ka!" galit na sabi ko kay  Brice. 

"Nagtatalo na naman kayong dalawa diyan. Bilisan niyo na late na kayo. Huwag na kayong magtalo." pagbawal samin ni Tita Charlotte.

Kumain na kami ng tahimik. Pagkatapos, naligo at nagbihis na kami. 

"Avy, bilisan mo diyan. Ang bagal-bagal mong magbihis. Five minutes na lang late na tayo!" sabi ni Brice sa akin habang kinakatok ang pinto ng kuwarto ko. 

"Oo, nandiyan na. Magsusuklay lang ako. Huwag mong dabugin yung pinto ng kuwarto ko." sigaw na sabi ko.

Kinuha ko na ang bag ko at saka lumabas ng kuwarto. Bumaba na kami at nagpaalam kay Tita Charlotte. Sumakay na kami ng sasakyan at guess what. Si Brice ang nagdrive. Kala mo lilipad ang kotse namin.

Mystic Academy: Academy Of Magic And MysteriesWhere stories live. Discover now