chapter 7

58 35 9
                                    

*Brylle's POV*

Nandito na ako ngayon sa parking lot ng campus namin at pinapark nalang ang kotse ko

Lumabas na ako sa kotse ko at meron na naman akong narinig na mga sigaw ng mga babae

Tsk expected ko na yan dahil sa isa ako sa mga heartthrob dito sa campus and I hate it

I hate it dahil sa sila ang dahilan kung bakit di ako makalapit lapit kay Demonize

Pag nandyan na si Demonize dinudumog naman ako ng mga babae at sa nakawala na ako sa kanila doon naman nawawala si Demonize

Mula kasi noong ipinagtanggol nya ako noon nagsimula narin ang pagbabago ko

Binago ko ang sarili ko mula sa payat kong katawan naging malaki ito dahil sa palagi na akong kumakain ng mga meat at nagjijim narin ako

At mula sa pagkalampa ko naging matapang narin ako kung may mangaway saakin di ko ito inuurungan pero di naman ako nambubugbog

"Ah Brylle ito oh"- sabi ng isang babae na lumapit sa akin at may ibinigay na envelope

"Basahin mo ah"- sabi nya at tumakbo na paalis

Naglakad nalang ako at inilagay sa bag yung envelope love letter na naman siguro yun

Tsk lagi nilang ginagawa yan binibigyan nila ako ng mga love letter tuwing papasok ako

Habang naglalakad ako nakita ko naman si Demonize na naglalakad papunta sa classroom namin oo magka room kami

Lumapit ako sa kanya pero di ako masyadong lumapit nahihiya ako

"A-ah D-Demonize?"- nauutal na tawag ko sa kanya

Tumigil naman sya sa paglalakad pero di sya humarap saakin

"What?"- tanong nya sa akin ng cold

Nangilabot ako sa tono ng boses nya napaka cold kasi nun

"A-ah a-ah-"- sabi ko na di masabi sabi

Di ko maituloy ang sasabihin ko sa kanya

Pumikit ako ng marahan dahil natotorpe na naman ako

"Ah Demonize ako na ang magbibitbit ng bag mo"- rinig kong sabi ng isang lalaki

Idinilat ko ang mga mata ko at humarap kay Demonize

At nakita ko dun si Dylan na nakangiti kay Demonize

"Bahala ka"- sabi ni Demonize at ibinato kay Dylan yung bag nya

Nakangiti naman si Dylan na sinundan si Demonize

What?!

Ako sana ang gagawa nun

Bwisit talaga!!!

Naiinis ako sa sarili ko dahil ang torpe ko napakatorpe ko asar naman oh

Tinignan ko lang si Demonize at si Dylan na paalis at nakatayo lang ako dito ng may bumangga saakin

Tinignan ko naman kung sino yun psh

"S-sorry Brylle hihihih"- sabi nung babaeng bumangga saakin mula sa likod

Honestly?nagsosorry ba talaga ito?

"Ok lang"- sabi ko nalang at tinignan ulit si Demonize na medyo nakalayo na

Facing DeathWhere stories live. Discover now