Chapter 9

35 11 0
                                    

*Demonize's POV*

Tsk.

Childish talaga yung babaeng yun.

Mamaya ko na lang yun kakausapin. Alam ko namang magiging ok rin yun.

At tsk talagang umiyak pa siya sa harapan ni Brylle.

Kahit kailan talaga.

Pumunta na ako sa sinasabi ni Dad na location nung---

Napakuyom naman yung kamao ko.

Papunta ako ngayon sa lugar kung saan pansamantalang nakatira yung demonyong pumatay sa mga magulang ko.

Mga walangh*ya.

Tinapakan ko yung gas at lahat ng mga sasakyang nasa unahan ko ay linalagpasan ko.

Kailangan kong magmadali dahil aalis na naman siya. Duwag.

Napapreno naman ako at napadukdok yung mukha ko sa manibela nang may biglang sasakyang lumagpas saakin at muntik pang magbanggaan ang sasakyan namin.

Tinignan ko naman iyon at tuloy-tuloy lang itong pinatakbo yung sasakyan niya.

Pinatakbo ko naman ulit yung sasakyan ko.

Bwisit nun ang yabang.

Nagmamadali ako gag*.

Pagkatapos ng 10 minutes nakarating na ako dun sa bahay.

Tinanggal ko yung seatbelt ko at lumabas na agad.

Balak ko na sanang sirain yung gate ng napansin kong nakabukas ito.

Pumasok naman ako at pagkarating ko sa pintuan nila ay tumaas naman yung kilay ko ng nakabukas na naman ito.

Umiling nalang ako at pumasok.

Kailangan kong makita yung demonyong lalaking pumatay sa mga magulang ko.

Pagpasok ko napakatahimik dito.

Huwag niyong sabihing naka-alis na ito.

Pinasok ko lahat ng kwarto at walang tao.

Napa-upo na lang ako. At bahagyang napaluha nalang ako.

11 years. 11 years akong nangulila. Nangulila sa mga magulang ko na sana ay babalik ang panahon na nandyan pa sila sa tabi ko. Na sana may ginawa ako noon. Na sana natulungan ko man lang sila.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo.

Kailangan kong magpakatatag. Matatagpuan ko rin yung demonyong yun at mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko.

Aalis na sana ako ng may narinig akong kalabog galing sa kung saan.

Napalingon naman ako dito.

May tao?

Nanggaling ang ingay sa ibaba ng hagdan.

Linapitan ko iyon at may nakatagong pinto.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at tinadyakan ko iyong pinto at pumasok.

Nagulat naman ako ng may lalaking nakatayo sa harap ng isang lamesa.

Nanginig naman ang buong katawan ko.

Siya na ba yan?

Pero---

Humarap ito saakin at itinutok saakin ang isang baril.

"Sino ka?!!!"- sigaw niya saakin na nagngangalati sa galit.

Pumupula pa yung mga mata niya na parang kaiiyak lang.

Facing DeathWhere stories live. Discover now