"Cess! Ba't di mo pa aminin kay mark na gusto mo siya?" sabi ni jan
"Sana ganon kadali un.. alam niyo naman kaibigan lang talaga tingin nun sakin at may girlfriend siya" sabi ko ng nakatingin lang sakanila ng mga kaibigan niya sa canteen
Lumipas ang 1 week na wala akong ginawa kundi pumunta sa building nila jan at michelle pag vacant hindi para bisitahin sila kundi para magstalk kay mark.
At kung bakit ako malungkot ngayon ay dahil, may girlfriend na si mark. Sinundan ko kasi siya nun palabas na siya ng Business building at papunta sa Tourism building. Mala Spy lang ako para marinig ung pinaguusapan at gingawa nila.. May binigay siyang bulaklak at tinanong niya si Tiffany kung pwede ba daw niyang maging girlfriend si tiffany.
Bumigat pakiramdam ko nun. Hindi ko alam gagawin ko. Halos tumulo na ang luha ko at hindi ko na talaga alam gagawin ko. Ansakit sakit maging fan o friend lang hindi niya man lang ako Makita. Sana naging sikat nalang din ako parang si Tiffany ng hindi na ako nasasaktan ng ganto. Sana naging maganda nalang ako.
"hayyy, tinatamad ako pumasok. Baka wala nanaman ung prof natin sa math." Sabi ko sakanila.
"time check 10: 30 am na!" sabi naman ni pat
"Tara na shane.. May class pa tayo nila pat.." sabi ko kay shane na nagaayos pa.
"Parang tanga lang tinatamad pumasok tapos magaaya! hahaha" Pat
"Basta tara naaaaaaaaa" sabi ko
"teka nagaayos pa ehh" ang kikay talaga ni shane palibhasa kaklase ata naming ung crush niya si Marvin.
---classroom--
"Cess!!!!! Si Patrick Ramos!! Ung sinasabi ko sainyo kahapon!! Kaklase pala natin siya!!"sabi ni patricia ng pabulong pero pasigaw basta un haha. Nakaupo kami sa 2nd row as usual dun naman kami lagi sa may gilid ako sa may malapit sa bintana gitna si patricia at katabi niya si Shane. May 2 pang upuan na bakante sa tabi ko at sa tabi ni Shane at dalawa ang late sa klase ni ma'am Paras mukha kaya siyang terror! T.T.
Si Patrick at Marvin ang late. Tahimik ang lahat ng pumasok sila. Pero teka san ko nga narinig ung pangalan Patrick Ramos na un? Narinig ba o Nabasa? hmmm
"Good morning and why are you late?" sabi ni ma'am Paras.
"uhmm.. sorry ma'am.. " sabi ni Patrick.
"dahil late kayo.. pababayaan ko muna kayo since first day! Pero class pag palagi kayong late sa class ko.. wala na akong pakielam kung babagsak kayo or what! Tandaan niyo yan ahh!. Maupo na kayo!" Sabi ni mam na naiinis
At dahil late sila.. Si Patrick tumabi sakin kasi un nalang ang bakante kasi si Marvin dun umupo sa tabi ni Shane.
"woooow! Ang swerte naman ni cess. Katabi niya si Patrick" bulong bulungan ng mga kaklase ko..
"Class. That will be your permanent seat for my class. Bawal na magpalipat lipat ng upuan.. may ibibigay akong paper isulat niyo ang pangalan niyo kung san kayo nakapwesto.." Sabi ni ma'am Paras
W-what! Katabi ko Patrick? Buong sem sa class ni ma'am haaaaaaaaaaay!. Sana si Mark nalang.. sana talaga dumikit nalang ako sa bintana kanina..
Tahimik si Patrick buong class mi-hindi ko nga siya maramdaman ehh.. si Shane naman pinipigil ang kilig kasi katabi niya ang crush niya nung highschool pa na si marvin.
BINABASA MO ANG
All because of Wattpad
Teen FictionSi Princess lahat ng ginagawa niya at lahat ng pinapaniwalaan niya lahat un binabase niya sa mga nababasa at napapanood niya. Minsan na siyang nagkagusto kaso unrequited nga lang. Minsan na siyang magustuhan pero ayaw naman niya. Minsan naiisip ni...