-2days after-
"Princess may nakapost na daw dun sa bulletin kung sino ung mga nakasali!" sabi ni pat.
Nakaupo kami sa field ngayon. Napatayo ako sa announcement ni pat at tinignan ang nakapost. Hinanap ko ung pangalan ko at pang 7th ako sa nakasali. 1st step palang pala to, pag nakapasa ka sa mga student council may next pa un ay botohan. Kasi ang mga freshmen society para ding student council un nga lang ang handle lang namin ay freshmen at ayun nga I have to face the crowd to vote for me. I CAN DO THIS! AJA!
"ano officer ka na ba?" sabi ni shane
"hindi pa po. VOTING PA!" sabi ko naman
"You need help?" nagulat ako ng may lalaking nagsalita sa likod ko sounds familiar ang voice niya kaya nilingon ko siya
k-kuya mark?!?
"p.po?" sabi ko ng nauutal
"sabi niya kailangan mo daw ba ng tulong. Pssssh binge ka ata Princess" sabi ni shane =.=
"s-saan po?" sabi ko naman. Hindi ko nalang pinansin si shane kakapanginit ng dugo. Kung di ko lang to bestfriend ehh
"dito. Para i-vote ka ng mga tao as president if you want. Wala naman kasi sa rules na bawal kami tumulong sainyo. Kaya inooffer ko na tulungan kita. Gusto mo ba ako na tumulong sayo since magkakilala naman tayo?" sabi ni kuya mark ng nakangiti. Umiinit mukha ko wag mong sabihin namumula nanaman ako =///=. Kung wala ka lang talaga girlfriend kuya mark.
"ah ehh.. sige po.. pero ayoko po maging president. Pero ok lang po na ikaw pa din mag train at tumulong sakin?"
"pwede naman. Alam ko din naman ginagawa nila pero ano ba ang gusto mo?"
"maging hmm.. PRO po" oo un nalang siguro mas madali un.
"ok sige, I'll help you with that. By the way, have to go. See around" nagpaalam siya ng nakangiti. Ako nakatunganga parin. Priceless tutulungan ka na ng crush mo, makakasama mo pa siya. Ay teka makakasama ko ba talaga siya? Pero kahit na may girlfriend siya. Sabi ng kakalimutan ko na siya eh. Aishh!
"oi Princess! Gising!" sabay batok sakin ni shane
"aish! Ano ba panira to! Nagiisip ung tao ehh"
"sorry naman! Tara na! puntahan na natin sila at ibalita" sabi ni shane. At naglakad na kami papunta sa field ulit. At binalita sakanila ang nanyare.
"Good luck princess! Aja!" sabi nila sakin
"thanks guys, pero tutulungan niyo din ako ahh.. kahit makapasok man lang ako sa freshmen society kahit PRO lang."
"pero ang galing no. tutulungan ka talaga niya?" sabi ni michelle.
"oo nga ehh. Gulat din ako eh." Sabi ko naman ng nagdadalawang isip. Pano ka magmomove-on eh kung hangang ngayon di mo siya kayang iwasan.
Naalala ko tuloy..
Magnenew year na. 3rd year high school ako. Nakaupo ako sa harap ng computer habang nagaantay magnewyear papatugtog ako ng KPOP J
GroupChat:
Princess : Guys! Advance happy new year!
Shane : Advance Happy new year din!
Jan: wait Princess are you sure dun sa gagawin mo? I mean kahit chat lang un aaminin mo na talaga sa kanya?
Shane : What? Anong aaminin?
BINABASA MO ANG
All because of Wattpad
Teen FictionSi Princess lahat ng ginagawa niya at lahat ng pinapaniwalaan niya lahat un binabase niya sa mga nababasa at napapanood niya. Minsan na siyang nagkagusto kaso unrequited nga lang. Minsan na siyang magustuhan pero ayaw naman niya. Minsan naiisip ni...