Monday came and I am very excited na pumasok. Ma'am Legaspi said that she'll announce today kung kaninong research work ang pipiliin na gagamitin for the Division Level Science Investigatory Project Fair. First time na makakasali ang school that's why whoever would qualify will be making a history.
Sadly, magkakaltasan nga lang per group. Sa STE Classes, we were grouped into five teams per section kaya every group ay merong six members except sa amin na seven. Thirty one kasi kami sa classroom unlike sa STE9-B na thirty lang sila. And ang group of presenters na tinatanggap per research entry sa Division ay three per team lamang. Late na daw kasi nila Ma'am nalaman at nagawa na ang groupings namin.
Hindi naman sinabi ni Ma'am Legaspi kung ilang teams ang dadalhin. But as a first timer, I know madami pang dapat gawing improvement sa mga SIP namin. Kaya siguro ay hindi siya muna magdadala ng marami.
"Gusto mong makuha tayo, Drey?" Andrew asked beside me.
"Oo sana eh," I hesitantly shared. Hindi alam ni Andrew ang greatest desire ko na maging world renowned researcher. Nakakahiya sabihin. Sino ba naman ako?
He smiled at me at inayos ang upuan niyang tabi ng upuan ko. Hinihintay na nang klase si Ma'am Legaspi bilang second period namin sa umaga. Parang sinasadya talaga ni Ma'am ang pumasok na late.
"Drey?" Andrew held my hand. I automatically looked at him.
"H-huh? Bakit?" I asked puzzled.
He chuckled and gripped my hand tighter. He then looked at my feet that are incessantly tapping the floor involuntarily.
Nakuha ko ang gusto niyang sabihin. Maging ako ay natawa. I was unaware na sa sobrang excited ko ay pati ang mga paa ko ay nagpapakita na ng mga senyales.
"Excited? O kinakabahan?" Panunuya ni Andrew.
Iwinaksi ko ang kamay ko at napanguso na lang at dinilaan siya. Mas lalo tuloy napatawa ang gwapo.
Tumingin ako sa paligid lalo na sa pintuan, humihiling na sana bilisan na ni Ma'am Legaspi ang pagdating. I feel like bursting with uncontained emotions. Sana talaga mapili ang research namin.
I accidentally glanced at Carla who is also staring at me.
After passing the manuscript last Friday, naghiwalay kami kasi sabi niya daw ay pupunta pa siya sa canteen. Starting then she avoided looking at me. I think nasaktan ko siya sa naging sagot ko kay Ma'am Legaspi. But it's the truth.
And if ever man mapili ang research work namin ay baka kaming tatlo din naman nina Andrew ang magiging presenter. We have to work harmoniously together. Siguro ay dapat gumawa na ako nang move na makipagbati sa kanya.
Kung na hurt man siya or ano, at least I acted on what I noticed needing work. I probably may have sounded snappy last Friday.
"Drew, puntahan ko lang muna si Carla ah," I told Andrew and he nodded. Hinatid niya ako ng tingin papunta kay Carla na ngayon ay kinakausap na ang mga katabi niya.
"U-uhmm," I cleared my throat to get their attention. Carla and her group of friends faced me. "Pwede ba kitang makausap, Carla?" I asked nicely.
Umirap pa si Carla bago tumayo. I saw the unconcealed panunuya ng mga friends niya. Hindi ko talaga gets kung bakit galit sila sa akin. Pero wala naman akong magagawa dun. I can't please everybody. Ang importante ay hindi ko naman sila inaaway at mabuti naman na hindi nila ako ladlaran at physically na binubully. Magaling kasi talaga sila Ma'am Mimie sa Guidance Department na magbigay ng counselling at babala sa amin.
Pumunta kami ni Carla sa bandang likod ng classroom habang ang iba naming mga classmates ay nag-uusap ng kung anu-ano.
"Carla, I'm sorry kung nahurt ka man sa sinabi ko kay Ma'am," I started. "But it's the truth, Carls. Tumutulong din naman sila Lemuel sa atin lalo na financially. Alam mo namang more than 80 pages ang research natin. Ang gastos nila ay enough na for them to deserve the additional points. Pati ang coconut shells at powder ay sa kanila din nanggaling." I patiently explained.
YOU ARE READING
Returning the Favor
Teen FictionMerriam-Webster Dictionary FAVOR \'fā-vēr\ : a kind or helpful act that you do for someone