"Dreams", sa tagalog pangarap.
Pangarap, isang salitang may walong letra. maraming ibig sabihin. Nais abutin.
minsan malapit madalas malayo.Minsan naabot madalas hindi.
pangarap na dati pa'y tinitingala ko.
Pangarap, isang salita na mag lalarawan sayo.
pangarap na laging nais ko. ako na isang simpleng tao na hanggang ngayong patuloy paring sumusubaybay sayo.
Sayo, na sa dinamidami na nangyari sa buhay ko ay patuloy paring naalala ko.
Ako.
ako, ang babaeng labis na nanakit sayo na hindi alam na kung anong salita ang gagamitin upang maihayag ang nararamdaman ko.
ako, isang babaeng minsang nangarap ng atensyon mo, minsang nag hangad na pahalagahan mo.
ako, isang babaeng patuloy paring naaalala ang muka mo kahit mayroon kanang iba at mayroon na din ako.
ako, na hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko sayo.
Sayo.
sayo na laging umaasa noon.
sayo na laging umaalalay at naging matalik kong kaibigan.
sayo, na kahit papaano ay naging katuwang ko.
sayo, kung saan ang puso ko'y naging masaya at nadurog sa parehong panahong magkasama tayo.
Tayo.
Tayo, salitang laging naririnig ko, kungbaga sa tulang ito, "sayo lang at ako walang TAYO."
tayo, salitang hindi ko na pwedeng banggit sa ikaw at ako. salitang naglalarawan sa isa o higit pang tao.
Tayo, na palitan mo lang ng 'o' ang 'a' ay magiging toyo, tawag mo saakin dati nung pwede pa nating sabihing 'tayo'.
Puso ko'y naguguluhan sa oras ng aking pagsulat, puso ko ba'y sayo pa o sa kanya na? ikaw pa ba ang lalaking mahal ko o iba na? dahil kung iba na'y bakit sa aking panaginip ikaw parin ang nakikita? bakit sa tuwina ikaw ay laging naalala?
ilan sa mga tanong na bumabagabag sa pusong naguguluhan kung ikaw paba ay mahal pa o limot na.
sadyang ala-ala mo'y hirap limutin dating sinta,
ngunit sa pagpapatuloy ng tula na aking isinusulat ay pag mulat ng mata.
Pagmulat ng mata sa katotohanang ang puso ko'y may iba,
Mahal kita dating sinta, ngunit mas mahal ko na siya.
Sabi ng labi ko.
Pero ang totoo, ikaw parin talaga.