NAKARAAN:
Dalawang lingo na sina Ally sa probinsya.
Tamang tama malapit na ang fiesta kaya busy ang mga tao sa palaro.
Dumaan ang parada ng mga players dumungaw si Ally sa terrace. May napapa tingala din sa kanya.
Hindi pwedeng hindi mapansin si Ally kasi nga sobrang puti nito. Yong iba nagtataka yong iba naman napapa ismid bihira kasi ang maputi sa lugar nila.
Baka daw anak araw siya sabi nong isang ale na nakapuna sa kanya nung minsang sumama siya mag simba sa mommy nya.
Anak mo ba yan Mrs. So? Akala ko anak araw eh... magtataka na sana ako. Anak mo pala.
Ramdam ni Ally na naiinis ang mommy nya sa patotchada nung tsismosang yun pero dahil may breeding at may pinag aralan ang mommy nya tipid lang itong ngumiti.
Mabuti pa sa manila mommy hindi big deal ang kulay ko... reklamo nya minsan sa ina
Don't mind them baby girl okey? Naninibago lang siguro sila kasi nga hindi sila sanay na may makikita silang diwata sa kaputian sa liblib na lugar na ito. Pagbibiro ni Mrs. So
Diwatang sakitin... malungkot na sagot ng batang si Ally.
Grade 7 na sya sa pasukan. Gusto nya nang gumaling para sa pasukan nasa normal school na siya papasok. Ayaw nya na nang nakakulong lang sa bahay at nakasakay sa wheelchair at laging may kasamang nurse. Gusto na nya ng normal na buhay.
Snowhite? Snowhite?! Yahoooo!
Nangmarinig ni Ally ang boses ng nag iisa niyang kaibigan nanlalaki ang mata niya sa tuwa. Kahit ang mommy niya nasisiyahan sa reaction ng anak. Kaya tuwang tuwa sila kay Sylvia anak ito ng mayordoma nila.
Tita pwede ko po bang isama si Snowhite sa plaza? Ngiting- ngiti naman si Ally makakalabas nanaman siya sa tulong ni Sylvia.
Pero Sylvia hindi sya pwede sa crowded baby gurl. Malungkot na sagot ng ginang
Isasakay ko po sya sa wheelchair para hindi sya mangalay tita please...
Kitang kita rin ang ningning ng mata ni Ally kaya napilitan narin ang ginang na pumayag.
Okey pero isama nyo si nurse Jovie ha? Ngumiti naman ang nurse at tumango kay Mrs. So
Yes tita! Yehheyyy Bessy bihis kana para makapunta tayong plaza!
Dali dali namang pumunta si Ally sa kwarto para makapag palit. Nakakalakad naman si Ally pero hindi pwede sa matagalan na lakad mahina kasi resistensya niya.
Excited na tinulak ni Sylvia ang wheelchair ni Ally. Nakasunod naman ang nurse nito sa likod.
------------------------------
Hey! Tabi nga! Pahara hara kasi eh! Sigaw ng isang babae halatang bata rin ito pero natabunan ng make up. Mukhang nagmamadali itong magdalaga pati ang mga kasama nito. Mga naka backless kahit hindi bagay sa edad nila. Ngumu-ngoya pa ito ng chewing gum. Saan ba nila nalaman na yon ang in na pananamit ngayon?Dali dali namang itinabi ni Sylvia ang wheelchair ni Ally. Saka nameywang ito. Morena si Sylvia pero may angkin din itong ganda. At simple lang itong manamit...
Hoy! Denise ang lapad kaya ng kalsada kasing lapad ng noo mo. Kung maka sabi ka dyang nakaharang kami kala mo pag mamay-ari mo ito.
Hoy ka ring uhogin ka na bansot na ngat negra pa! Pwe! pake mo ba! Sino ba yang kasama mo? Mukhang mamamatay na ata pagala gala pa! Sabay nakakaloko itong ngumiti sabay ngoya ng chewing gum. Ang iiksi ng mga suot nito kita na kuyokot.
BINABASA MO ANG
My Love, My Dream
Short StoryNagsimula sa simpleng paghanga nauwi sa pagmamahal. pero hindi ganun kadali ang lahat...