KINABUKASAN
Hindi na umaasa si Ally na sasabay pa sa kanila si Clen. May Mariz na ito...
Tama nga ang hinala nya hindi ito sumabay sa kanila.
Tinuloy din pala ni Clen panliligaw kay Mariz? Akala ko ba binasted na siya nun? Pambabasag ni Via ng katahimikan nila
Ewan ko nga dun sa isang yun alam niya naman na pinaglalaruan lang siya. Cge parin siya. Matapobre ang pamilya ni Mariz ayaw nila kay Clen. Naiinis na komento naman ni Enzo habang ang mata nasa kalsada parin
Masyadong maarte ang babaeng yun para kay Clen...
Wala naman tayong magagawa kung mahal parin sya ng kaibigan natin. Saka pala cuz? Baling nito sa kanya
Si kuya Dion na ulit ang tutor mo pumunta kasi kagabi si Kuya Dion para sana turuan ka pero tulog kana.Okey"- matipid na sagot nya dito
Bakit ang tamlay mo yata frenny ok ka lang ba? Puna ni Via
Nasobrahan ng tulog bessy.. pilit pinasisigla ang boses
Saan nag-aaral yong Mariz? Tanong nya
Sa kabilang School private, duon ang bagsak ng mga hindi nakakapasa dito. Hahaha!-" tawang sagot ni Via
Napailing na rin ang pinsan nya. Mukhang sangayon sa sinabi ng kaibigan.
Pagkarating nila sa school natanaw agad nila si Clen. Nakangiti ito sa kanya hindi Ally sainyong lahat.
Dinukot ni Ally ang cellphone para maiwasang mapatingin sa binata. Be strong Ally simulan mo na ngayon alisin sa sistema mo ang lalaking nagpa iyak sayo kagabi.
Musta date bru!? Dinig niyang tanong ng pinsan
Ayos lang bro! Kumain lang kami sa labas... paliwanag nito
Bilisan natin bessy baka ma late pa tayo. Hila sa kanya ni Via
The best ka talaga bestfriend alam mo ang pakiramdam ko.Bye Cuz bye everyone! Nagpapa alam siya sa mga ito pero hindi tumitingin.
Bigla siyang hinila ni Via sa Cr. Nagtaka naman sya ng i lock nito ang pinto.
Iiyak mo na yan... bestfriend mo ako hindi mo ako matataguan... nakikisimpatiyang sabi nito sa kanya
Biglang nangilid ang luha nya at yumakap dito. Akala nya Wala na siyang maiiyak meron pa pala.
Siguradohin mo pag labas natin dito okey kana ha? Bata pa tayo para sa mga ganitong problema. Ha! bessy? Tumango naman sya
Iiwasan ko na siya... bolong nya dito
Tama! Focus tayo sa pag-aaral okey? Ngumiti sya dito nagpapasalamat siya mayron siyang Via.
Lumabas sila ng cr na may ngiti na sa labi. Hindi ito ang magpapadapa sayo Ally... ngumiti siya ng matamis sa lahat ng madaanan.
Pagdating nila sa tapat na room nandun sina Enzo at Clen
Saan kayo galing? Salubong ang kilay ni Clen. Dati may dating pa ito sa kanya ngayon wala na.
Nag Cr lang kami bakit? Deretsong sagot nya dito ni hindi sya kumukurap. Ito nalang ang umiwas ng tingin.
Wala naman cous, sabay ulit tayong kumain ha?
Ganun ba? Sorry cousin sasabay na kasi kami sa mga classmates namin...
Ganun ba? Okey sige inaalala ko kasi baka wala kayong kasabay sabay ka nalang samin. Magdadala raw kasi si Mariz ng pagkain mamaya. Kwento ng pinsan nya
BINABASA MO ANG
My Love, My Dream
Short StoryNagsimula sa simpleng paghanga nauwi sa pagmamahal. pero hindi ganun kadali ang lahat...