Lincey's POV
Hey it's me Lincey. First of all, STRAIGHT AKONG LALAKI. Pang-babae lang talaga ang pangalan ko at hindi ko alam ang dahilan kung bakit ayan ang ipinangalan sakin ng magulang ko psh.
"Lincey- este Jun, samahan mo ko kain tayo~" Sabi ng kaibigan ko na si Tamon habang naka-pout.
"Bakla ka na ba TA E MON?" Sabi ko sa aking kaibigan. Makikita sa mukha niya ang pagka-galit sa sinabi ko. Taemon kasi ang pag-pronounce sa name niya."Anong sinabi mo Lincey?" Sabi niya sakin ngunit nanatiling blanko ang kayang mukha. Napalunok ako sa takot dahil alam ko ang kayang gawin ng bestfriend ko.
"W-wala! Sabi ko nga kain na tayo hehe.." Sabi ko habang kinakamot ang batok ko.
"Good." Sabi niya sakin habang naka-smirk. Hinawakan niya ang kanang kamay ko habang naglalakad kami.
"H-hoy hoy! Tamon bumitaw ka nga!" Sabi ko.
"Bakit naman?" Nagtatakang tanong niya habang inosenteng nakatingin sakin.
"Pareho tayong lalaki. Satin walang malisya to pero sa iba, meron" Pagpalaliwanag ko.
"Wala akong pake.. Hindi ka naman lalaki eh." Natatawang sabi niya. Imbis na magalit ay ngumisi ako. May naisip akong magandang plano. Tinanaw ko ang mini-store na bibilhan namin ng snacks at nakita kong malapit na kami dun.
"Tara na bestfriend!" Nakangiting sabi ko sa kanya pagkatapos ay hinawakan ko ng sobrang diin ang kamay niya at tumakbo papunta sa store.
"TANGINA LINCEY MASAKIT!!" Mangiyak-ngiyak na sabi ng bestfriend ko kawawa naman HAHAHA! Tumingin ako sa kanya at kumindat nang biglang.
NABUNDOL KO YUNG PADER!
Teka..
Hindi to pader ah? May matigas sa ilalim eh.
Dahan-dahan akong lumingon paharap at nakita ko ang matangkad na lalaki sa harap ko. Naka-ngisi siya sakin. My heart skipped a beat.
'Lincey Jun Straight ka tandaan mo!'
Sabi ko sa sarili ko. Napalunok ako ng ngumiti siya sakin.
"Babe, baka natutuwa kang hawakan yung junjun ko?" Natatawang sabi niya sakin.
Unti-unti kong ibinaba ang paningin ko sa kamay ko at naka-dikit nga ang likod ng kamay ko sa alaga niya.
WTF?!
..
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME!
YOU ARE READING
Straight ako no!
Teen FictionSi Lincey ay isang straight n lalaki. Pambabae man ang kanyang pangalan, sigurado daw siyang straight siya. Ngunit manliligaw ang kaibigan niyang lalaki na si Tamon at malalaman niya nag tunay na siya. Straight nga ba siya?!