One-shot No. 1

16 1 0
                                    

-Chance

I've been called 'the cupid' of the group. Dahil ako 'daw' ang naging tulay kung bakit nila nakilala ang kanilang katuwang sa buhay.

And here they are looking so happy with their own family. Reunion naming magkakaibigan ngayon araw na ito at nandito kami sa resort kung saan pagmamay-ari nila Ara at Sander. Napangiti ako kung paano sila nagkakilala nang dahil sa kagagawan ko. Charmaine and Darwin also, even Elaiza and Christian, ako ang dahilan kung bakit sila nagkakakilala. They even joked that they were lucky to have a cupid in the group. Napapailing nalang ako kapag naiisip ko iyon.

I am no cupid.

Pero sa aming lima, Jasmine and I were the only singles left. Unfortunately, may tinatago si Jasmine sa amin tungkol sa love life niya, so that's left me the only single of the group. Pero sa inaakto ni Jasmine ngayon parang may problema siya. I know that because i am a psychologist and reading people's behavior is one of my specialty. As their friend for how many years, I know something is off.

Lalapitan ko na sana siya pero natigil ako nang bigla akong tawagin ni Charmaine.

"Regine," lumingon ako sa kanya at napangiti nalang ng makita kong buhat niya ang anak nila ni Darwin na si Chiandra. Nakasunod sa kanya ang di pamilyar na lalaki, but I care less for him dahil mas pinagtuunan ko ng pansin ang anak nilang ang cute-cute.

"How are you?" Tanong ko kay Charmaine pagkalapit nila. I even pinched the chubby cheeks of her daughter. Grabe, nakakagigil.

"Fine and hey, huwag mo namang panggigilan baka umiyak," natatawang awat sa akin ni Charmaine. "By the way, someone wants to meet you."

Dun na ako napatingin sa lalaking nakatitig lang sa amin, particularly sa akin. Bigla akong nailang sa klase ng pagtitig niya, kaya umiwas ako nang tingin.

"Sabi niya kailangan niya daw ng love advice from the expert. And your the first one that pop out of my mind." biro niya.

Love advice from the expert?

"Hi, I'm Brandon Quizon, pleasure to meet you, Dra. Regine Trinidad," pakilala niya saka niya inilahad ang kanyang kamay.

Napatitig ako saglit sa kamay niya bago ito inabot.

"Me too," nasabi ko nalang saka agad binitawan ang kamay niya.

"Sige maiwan ko muna kayo," paalam ni Charmaine sa amin bago niya kami iniwan.

Kumaway lang ako sa kanila ni baby Chiandra bago binalik ang tingin kay Brandon.

"So Mr. Quizon, what kind of advice do you need?" Tanong ko sa kanya.

"Brandon nalang, Dra. Trinidad," sabi niya habang may konting ngiti sa kanyang labi.

"The same goes for you too, Brandon. Just call me Regine," nakangiti kong sabi sa kanya. "So? Shall we start?"

••••

"So as you can see, Regine. I'm having a difficulty on how to deal with this. Matagal ko na siyang mahal at nililigawan but due to some circumstances I abandoned her." Kwento niya, nakatingin lang ako sa phone ko kung saan nirerecord ko ang kwento niya. "I was a jerk for leaving her not knowing anything. And now, she loves someone else. I wanted to talk to her pero natotorpe ako. For four years na hindi ako nagpaparamdam sa kanya, di ko alam kung paano ko siya-," natigil siya sa pagkukwento kaya nagtataka akong napatingin sa kanya. Nakatingin or mas magandang sabihin nakatitig ito sa likuran ko.

Napalingon rin ako ng wala sa oras at nakita ko si Jasmine na masayang nakikipaglaro sa mga inaanak niya. Bumalik ang tingin ko kay Brandon na ngayon ay malalim ang iniisip. Now that I caught him staring at Jasmine. Naalala kong may kiniwento rin si Jasmine noon tungkol sa manliligaw niya na bigla-bigla nalang daw di nagparamdam.

Clams and ShellsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon