-Blind
Watching them from afar, so happy at each other, naiinggit ako-no nagseselos ako. Di ko maiwasang magsisi, pero ginusto ko ito kaya papanindigan ko. Wala akong pakialam kung sabihin nilang masokista ako dahil hindi naman totoo. I just want to forget him by doing this. Panoorin siya mula sa malayo kasama ang babaeng mahal niya.
"Odeth, kailan ka ba titigil dyan sa ginagawa mo?" Tanong ni Hailey.
Lumingon ako sa kanya saka lumabi. "Hanggang sa mawala 'tong nararamdaman ko para sa kanya." Sagot ko saka ngumiti.
She sighed, "Tanga ka na nga, masokista pa."
"Wow huh, thanks for the compliment." Sarkastikong sabi ko sa kanya. "And so, what's wrong with being a masochist?" Tanong ko sa kanya.
Napailing nalang siya saka bumuntong hininga. Yung tingin niya sa akin para akong baliw na wala ng pag-asang maging normal ulit.
Umirap ako sa kanya. "Hindi pa ako baliw, Hailey. Hindi porket masokista na ako or martir whatever you called it, ay gustong gusto ko nang masaktan. My mom always tell me na kapag nagmahal ka kahit gaano ka pa kaconsiderate sa lahat ng bagay-bagay, na kahit gaano mo iniintindi ang mga possible reasons. Masasaktan at masasaktan ka pa rin. Sa tingin ko nga naman ay kailangan talaga nating maranasang masaktan-"
"Nahihibang ka na ba, sinong matinong tao ang gustong masaktan?"pamumutol niya sa akin.
Sinamaan ko siya nang tingin.
"Patapusin mo muna kasi ako." Sabi ko. "Ganyan tayo eh, wala pa kasi nagco-conlude na agad. Kaya tayo di umuunlad dahil yan sa tamang akala at hindi binibisita ng mga alien. Lagi tayong tama kahit mali naman pala." With matching hand moves pa para damang dama.
"At anong pinaglalaban mo ngayon aber?"
"Yang baby bra mo," sinamaan niya ako nang tingin kaya ginantihan ko rin siya. Napangisi nalang ako nang umirap siya.
"Gaga, anong baby bra ka dyan 32-B ang cup size nito. Atsaka isa pa, may laman 'to no." Aniya na may pahawak pa sa hinaharap niya na siyang nagpahagalpak sa akin ng tawa. Nagpapasalamat ako sa kaibigan kong ito dahil kahit papano ay naibsan ng konti ang nararamdaman ko
"Sige, tawa ka pa dyan," naaasar niyang sabi kaya pinilit kong huwag nang matawa.
"Ikaw naman kasi eh." Paninisi ko sa kanya. "Kung sana pinatapos mo muna ako di sana di ko nalait lait yang burol mo."
"Tae mo, langya tuloy mo na nga yung sinasabi mo kanina."
"Ang alin?" Tanong ko, "Yung tungkol sa baby bra mo o yung kanina?"
"Tangek, yung sa kailangan natin maranasan na masaktan achuchu vanes mo." Aniya. "Isa pa, Odeth... Tatamaan ka na sa akin."
Tumawa ako saka umiling. Unti-unting humina ang aking tawa saka binalik ang tingin sa gawi nila. Bumalik na naman yung sakit. Hanggang kailan kaya titigil tumibok itong puso para sa kanya.
"Kailangan natin maranasang masaktan para matuto tayo. Kailangan natin lumuha, makaramdam nang sakit upang sa ganun malaman natin kung gaano tayo katatag. Tama ka rin naman na walang matinong tao ang gustong masaktan, pero di tayo perpekto. Tao lang rin naman tayo. Minsan kahit ang pangit sa pakiramdam yung nasasaktan ka, we just have to be thankful dahil nandun yung 'Yes I'm alived' feeling," Bumuntong hininga ako bago tumungo. Yung mga luha ko nagbabadya na namang tumulo. God, I'm such a cry baby.
Pagod na akong masaktan. Akala ko madali ko lang siyang makakalimutan, akala ko madali lang pag nilayuan ko siya at panoorin sa malayo pero akala ko lang ang lahat. Hulog na hulog na yata ako sa kanya.