Send Notes

2 0 0
                                    

Namimiss na kita. Kelan mo ba ulit ako kakausapin. Ano bang kasalanan ang nagawa ko sayo. Okay naman tayo nung umpisa pero paano, wait no, bakit tayo nagkaganito? Anong pagkukulang ko sayo Pablo? Hindi ba sapat na tinutulungan kita sa mga school works mo? Hindi ba sapat ang pagsesend ko ng notes sayo? Bakit Paolo? Hanggang hingian na lang ba ng notes ang turing mo sa akin? Kapag exam week, close tayo. Pero kapag wala ka nang kailangan, balewala na lang ulit ako. Sana nga exam na lang lagi eh. Kahit mahirapan pa ako, di bale na, makausap lang kita. Ganon ako katanga.

Tatlong taon. Tatlong taon na kitang mahal. Tatlong taon na akong umaasa. Tatlong taon na akong naghihintay sa wala. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit hindi ka maalis sa puso ko. Pero wala eh, ikaw pa rin ang itinitibok nito. Silent Sanctuary lagi ang pinapakinggan ng tenga ko. Silent Sanctuary ang dahilan kung bakit gusto pa rin kitang mahalin, at gusto na ring limutin. Silent Sanctuary ang nagpapaalala sa akin na rebound mo lang ako. Isang laruan na kapag naisipang laruin, bigla biglang dadating. Hindi kaibigan na laging may kamustahan. Kahit kaibigan lang sana ayos na ako, kaso laruan mo lang ako.

Minsan naiisip ko kung bakla ka ba kasi wala ka namang girlfriend. Wala ring nililigawan. Kung may matitipuhan ka man, walang sawa akong magdadasal para maging ako yon. Sana ako yon. Please ako na lang. Gabi gabi ang pangungulit ko sa Diyos na sana ako na lang ang mahalin mo. Na sana hindi lang notes ang kailangan mo. Na sana pati ako ituring mong mahalaga sa buhay mo.

Malapit na akong mapagod. Mapagod kakahintay. Kakafirst move. Kakaasa. Malapit na akong sumuko. Malapit na akong tumigil. Isa ka sa dahilan kung bakit nagaaral ako ng mabuti. Gusto kong mapansin mo ako. Gusto kong mabasa mo ang pangalan ko sa Honor Rolls. Gusto kong maging proud ka sa akin. Gusto ko, pero hindi mo ako gusto. Bakit mo nga naman papansinin ang taong ayaw mo? Ginagamit mo lang ako, alam ko. Para makapasa ka. Para mas makapag aral ka. Pablo, kelan mo maaappreciate lahat ng effort ko? Kelan mo mapapansin na ikaw ay mahal ko. Alam kong alam mo na. Pero bakit mo pa ako pinapaasa?

Pablo, para sayo ito. Sinulat ko para makamove on na ako. Ginawa ko para makalimot na ako. Bago ako umalis, sana kahit papaano nagiwan ako ng marka sa buhay mo. Bahala ka na kung mamahalin mo pa ako. Kasi aalis na ako. Lilipat na ako ng school, hindi para kalimutan ka. Kundi para magkaroon ulit ako ng ibang dahilan upang maging masaya. Send notes. Yan ang "Hello" mo sa akin, pero ngayon, alam kong wala na akong matatanggap na ganyan. Paalam Pablo. Mahal kita ngayon. Naging malaking parte ka ng buhay ko. Pero aalis na ako para hindi na mas lalong gumulo itong nararamdaman ko.

Hindi man ako kawalan sa buhay mo, ikaw pa rin naman ang nagsilbing inspirasyon ko.

SEND NOTESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon