Chapter 26

15K 284 4
                                    

Chapter 26
    
    
Christina
    
    
Mula sa kinauupuan namin ay kitang kita ko kung paano kasaya si Edward na nakikipag usap kay Pinky. Sakin todo simangot siya tapos sa babaeng yun todo ngisngis siya. Hindi ko talaga maintindihan ang lalakeng yun!
    
   
"Anong gusto mong kainin Christina?" tanong ni Paul sa akin.
     
   
"Wala akong gana." saad ko habang hindi pa rin inaalis ang mga tingin ko kina Edward. Nakakainis!
    
    
Ni hindi man nag-atubiling tumingin ang kumag. Tss. Sabagay may bago nang pinagkakaabalahan. Sige, ganyan pala ang gusto mo ha Edward.
    
   
"May gana na pala akong kumain, treat ko kayong lahat!" saad ko na ikinatuwa naman nila.
      
      
"OMG! That's why i love you Christina!" masayang saad ni Mickie na nagpaagaw ng atensyon nina Edward.
   
  
"Tara Paul!" pag-aaya ko sakanya sabay hila sa kamay niya para bumili.
   
     
"Saya mo ata bigla?" nagtatakang tanong ni Paul habang nakapila kami sa may counter.
     
      
"Ako? Lagi naman akong ganito e." saad ko sakanya sabay ngiti. Kitang kita ko sa peripheral view kong nakatingin si Edward sa direksiyon naming dalawa.
    
   
"Yan lang talaga ang kakainin mo?" paulit ulit na tanong ni Paul sakin habang sina Isabel at Mickie ay sarap na sarap sa mga kinakain nila.
     
     
"Oo." matipid kong sagot habang pinaglalaruan lang yung hotdog sa harapan ko.
    
  
"Kanina mo pa tinutusuk tusok yang hotdog mo, akin na lang para di sayang." saad ni Mickie sabay kuha doon.
      
      
"Ibalik mo nga yan." pagpo-protesta naman ni Isabel.
    
   
"Ay nasubo ko na oh... shorop hmmm." sabi naman ni Mickie habang pinapakita ang pagsubo niya sa hotdog.
     
   
"Kadiri ka."
   
   
Kahit sakanila ako nakatingin, hindi ko pa rin maalis ang atensyon ko kina Edward. Nakakainis lang kase kung bakit ganyan ang inaasal niya ngayon. Pagkatapos kong malaman na naging matalik ko siyang kaibigan noong mga bata kami, akala ko'y magbabago na ang tratuhan naming dalawa. Akala ko magiging close pa kami lalo.
     
      
"Patikim nga niyang milk shake na binili mo Christi--aray pota naman Isabel."
   
   
"Sige babatukan ulit kita, kaya ka tumataba kakalamon e."
   
   
"Okay ka lang ba Christina?"
   
   
"Ha? Ahh oo naman. Sige, una na ko sa classroom namin ah? Ipapasa ko pa kasi yung research paper namin." saad ko tsaka nagmadaling tumayo ng table at umalis ng cafeteria.
     
   
Ang totoo niyan, nagprisinta si Teodora na siya ang magpasa ng research paper namin kaya naman pumayag na rin ako. Nakakakonsensya tuloy dahil nagawa kong magsinungaling sa mga kaibigan ko.
    
    
        
"Nakakainis, akala mo kung sino. So ano yung mga sinasabi niyang gusto niya ko? Kunwa-kunwarian lang? Argh!" napasinghap na lang ako ng malalim at pumunta muna ng CR para makapag ayos bago umuwi.
   
  
   
    
Sighed.
    
    
     
"Hey. Shhh."
    
   
"Ano ba--" men's room?!
    
    
"Edward?!" kita ko kung paano siya kahingal habang nakahawak sa mga tuhod niya. Tumingin siya ng diretso sa akin kaya kitang kita ko ang pagka-brown ng mga mata niya. Hindi ko rin maiwasang pansinin yung matangos niyang ilong, lalong lalo na yung mga mapupula niyang labi. Kahit na tagaktak siya sa pawis ay amoy na amoy ko pa rin ang pabango niya.
    
    
"What?" hindi ko napansing napatagal na pala ang titig ko sakanya. Bwiset!
   
   
"A-anong what?! Siraulo ka ba? Bakit mo ko hinila dito! Men's room?! Hindi ako pwede dito!" sigaw ko sakanya.
    
    
"I know."
    
  
"Pervert." saad ko at ambang lalabas na sana ng CR ng bigla niya ulit akong hilahin palapit sakanya sabay lock sa pinto.
  
   
"Ano bang problem--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng mapansin kong halos magkalapit na ang mukha naming dalawa. Kung kanina ay alam kong naiinis ako sakanya, ngayon ay hindi ko na alam. Parang may kung ano sa puso ko't ang bilis ng pagkabog nito sa loob.
    
    
Walang umiimik saaming dalawa. Para kaming nagpapaligsahan sa patagalan ng tinginan sa isa't isa.             
   
  
Nakita ko ang paglunok niya. Hindi ko maiwasang hindi alisin ang titig ko sa mga mata niya....at labi niya.
     
     
*tok!tok!tok!*
      
    
Bigla akong napatingin sa malayo. Lalabas na sana ako pero hindi pa rin nagpatinag si Edward at tinakpan pa ang bibig ko.
     
       
"D-doon muna kayo sa ibang CR. Inaayos ko pa yung sira dito." hindi ko alam kung matatawa ba ko sa inasal niyang yun pero pinipilit niya atang gayahin yung boses nung janitor dito.
    
   
"Sige po manong." sagot ng mga kalalakihan sa labas.
     
     
"Pft. Ayusin mo na yung sira MANONG." natatawang sabi ko ng bitawan niya ko.
      
    
"How will I suppose to do that kung lagi mo namang sinisira." seryosong saad nito na nagpakunot ng noo ko.
    
  
Hindi ako slow kaya alam kong iba na yung tinutukoy niya sa puntong yun.    
     
    
Nagseryoso na rin ako't nagsalita, "Inaayos? E nasa iba ang atensyon mo, paano mo maaayos."
    
   
"Screw it!" saad niya sabay tumalikod sakin. Kahit na nakatalikod ay kitang kita ko yung malalim niyang paghinga.
    
  
"Bakit ba kasi kasama mo na naman yung Paul na yan.."
      
         
"So?"
      
     
"He likes you.." nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko yun galing sakanya.
   
   
Paano niya nalaman?
   
  
"Alam ko yun dahil lalake ako at napapansin ko yun sa mga kilos niya, Gabriela. The way he looks at you, the way he holds your hand and the way he's with you like... he owns you. Damn!" hindi ko nagawang magsalita sa sinabi niya. Naiisip ko pa lang na kapag magkasama pala kami ni Paul ay nagmamasid pala tong si Edward.
     
    
"I don't know but I hate it.. Gusto ko, ako lang." naramdaman kong uminit ang pisngi ko sa sinabi niyang yun. Ayokong bigyan ng malisya pero iba ang sinisigaw ng puso ko.
   
   
Alam kong nakaharap na siya sakin sa mga oras na to pero hindi ko kayang tumingin sakanya ng ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko kaya. Hindi ko alam.
     
    
"Gabriela.." saad niya sabay hawak sa magkabilang pisngi ko na nagbigay goosebumps sa buong katawan ko.
   
    
Ini-angat niya ang ulo ko paharap sakanya kaya tumama na naman ang mga mata namin sa isa't isa. Tanging naririnig ko lang sa mga oras na yun ay ang lakas ng pagtibok ng puso ko.
   
   
Hindi ko alam kung naririnig mo ba to Edward pero... bakit ganito kung magwala ang puso ko sayo? Tinamaan na nga yata ako.
     
     
      
"E-Edward..." mahinahon kong saad sakanya pero parang hindi niya iyon narinig. Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin.
   
    
Sa pagpikit ko ng mga mata ay doon ko naramdaman ang pagdampi ng mga labi niya sa labi ko. Hindi ito ang unang pagkakataon na halikan niya ako. Nakakabaliw. Parang ayoko ng tigilan.
    
   
Naramdam kong pumunta sa batok ko ang isa mga kamay niya habang patuloy lang kami sa paghahalikan. Nakalimutan ko ring wala pa lang kami. Pero nakakabaliw kung iisipin na gusto ko sya. Pero totoo kayang gusto niya rin ako?
    
   
"P-pwede bang ako na lang?" saad niya ng sandaling tumigil sa paghalik.
     
     
"Ako na lang ang gustuhin mo Gabriela." dagdag niya pa.
     
     
----

The Revenge of a Broken Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon