Chapter 60

11.8K 171 2
                                    

Chapter 60
      
     
Christina
      
Isang buwan na rin ang lumipas matapos kong manggaling sa Island of Dreams kasama ng mga kaibigan ko. Nagawa rin naming magbakasyon nina mama at papa sa ibang bansa. Nakakainis nga kung bakit ganito na lang kabilis lumipas ang panahon.
      
   
Ganon pa man, hindi pa rin binigo ni Edward ang last chance na binigay ko sakanya. Araw araw siyang nagte-text at tumatawag. Madalas kapag nasa bahay ako, dinadalaw niya ako na may dala dalang chocolates at iba pang mga pagkain. Minsan nga naiisip ko, suhol na lang yung mga binibigay niya para bumalik ako sakanya. Wala naman ring kaso sa magulang ko ang pagbisita niya samin. Welcome pa nga daw siya anytime e. Ang galing diba.
        
      
"Nandito kana naman." saad ko ng makita ko siya sa sala.
    
   
"Anak naman, hanggang kailan mo ba susungitan yang si Edward? Kawawa naman." pwes ako hindi naaawa. Kung nahihirapan siya, anytime pwede na siyang sumuko.
    
   
"Hanggang sa magsawa po siya."
     
    
"Hindi naman ako magsasawa Gabriela."
     
   
"See? Ang bait na bata. Pakitunguhan mo nga ng maayos ija." napahiya pa tuloy ako.
    
   
"Opo." napilitan akong tabihan siya sa sofa. Nakita ko naman ang pag-alis ni mama kaya muli kong sinungutan si Edward. Eto lang ang naisip kong paraan para maghiganti. Ang maging malamig sakanya. Kung mahal talaga niya ako tulad ng sinabi niya, handa siyang magtiis.
    
     
"Ano? Tinginan na lang?" madalas kaming ganito. Tahimik lang pag nandito samin. Para siyang maamong tuta na nakabantay sa bawat kilos ko. Minsan nga natatawa ako pag naiisip kong natatakot siya sakin kaya siya ganito.
     
   
"Pwede."
     
   
"Tss. Whatever." naisipan ko na lang kunin yung nail polish ko't maglagay ng kolorete sa kuko. Ganito naman palagi ang senaryo, naghahanap ako ng ibang pagkakaabalahan pag nandito si Edward. Gustuhin ko mang umalis, ayaw naman nina mama. Resposibilidad ko daw i-entertain ang bisita ko. Gosh!
     
    
Naalala ko, hindi pala ako marunong maglagay ng nail polish sa kanang kamay. Err! Paano ba to? Wala kasi si Mickie at Isabel. Nakakainis! Ano ba tong naisipan ko!
      
      
"Let me help you."
    
   
"No I can. I'm a strong independent woman."
     
   
"Tss. I know. Ilang beses mo ng sinabi yan." sabay agaw niya sa nail polish.
     
    
"Give it back, Edward!"
    
   
"Let me." napatikom ang bibig ko sa dating ng boses niya. Para siyang boss na dapat kong sundin. Err!
      
    
Kinuha niya ang kanang kamay ko. Sobrang seryoso niya habang nilalagyan ng kulay ang bawat kuko ko. Imagine, ang isang gwapo at hot na lalakeng tulad niya, marunong pa lang maglagay ng nail polish sa kuko. Nakakatuwa.
     
     
"There." nakangiti niyang saad ng matapos niya.
     
     
"Thanks."
     
     
"Tara movie marathon tayo."
     
   
"Walang tayo."
    
   
"Uh, edi movie marathon ikaw at ako?" bigla akong natawa.
     
    
"May dala ka bang movie?"
     
     
"Of course." sabay pakita niya ng tatlong DVD.
     
    
"Okay, tara sa kwarto ko." nanlaki naman ang mga mata niya. Gulat na gulat na niyaya ko.
     
   
"O-Okay.."
       
       
    
"Anong gusto mong panoorin sa mga to?" tanong niya ng makarating kami ng kwarto. May dala na naman pala siyang pagkain. 3 boxes of pizza.
     
    
"Kahit ano, basta hindi nakakatakot." sagot ko habang ino-open yung DVD player. Inabot naman niya yung isang movie, The Fault in Our Stars. Hindi ko pa to napapanood, mukha namang maganda.
      
     
Nang magsimula na ang movie, parehas lang kaming tahimik na nanonood. Nakaupo ako sa likod niya kaya hindi niya ako gaanong nakikita. Nagkaron tuloy ako ng pagkakataong pagmasdan ulit ang mukha niya kahit side view lang. He still has this well defined masculine facial features, such as jaw line, intense eyes, nice build of his shoulders, and his irresistible red lips..
      
 
Nitong mga nakaraang linggo ng panunuyo niya sakin, naramdaman niya talaga kung paano kalamig ang pakikitungo ko sakanya. Yet he's still there pursuing to have me kahit na ang sama sama ko na minsan...or madalas sakanya. Naisip ko, paano kaya kung hindi niya ako niloko? There is a possibility na masaya kami ngayong dalawa. Na sana hindi ko siya nagagawang paghigantihan sa pananakit niya.
        
      
"Is there something wrong, Gabriela?" tanong niyang bigla. Napansin na niya palang napatulala ako sakanya. Ni hindi ko na nagawang panoorin man lang yung movie ng maayos dahil sa mga naiisip ko.
      
    
"No, nothing.." tsaka ako tumayo at pumunta ng pinto.
    
     
"Saan ka pupunta?"
      
    
"Kukuha lang ng inumin. I'll be back." tsaka ko narealize ng mga sandaling yun. Gusto ko na nga siyang balikan. Hindi dahil sa bababa ako para kumuha ng tubig o juice. Kundi gusto kong bumalik mismo sa buhay niya.
       
      
      
---

The Revenge of a Broken Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon