The Promise that will road to their Happy Ending

1 0 0
                                    


Makalipas ng sampung taon ay bumalik na sila Cathleen sa Maynila at doon na rin sila nanirahan ng permanente.

Papunta na ngayon si Cathleen sa bago niyang iskuwelahan na papasokan.Nasa pintuan na siya ng kanilang klassroom at sobrang kinakabahan Siya sa unang pasok niya.

"Hay Cathleen kaya mo yan ano ba wag kang kabahan Hindi naman ito ang first time mo diba whooo relax Lang whooo~"

"Ah pwede ka ng pumasok iha",sabi ng kanyang magiging adviser ngayong college.

At tuluyan na ngang pumasok si Cathleen at nagpakilala.Natapos na ang klase at naka survive naman si Cathleen sa buong araw.

"Hay salamat Lord at na kaya ko naman ang unang pasok ko success!",masayang bangit ng dalaga ng may na bunggo siyang lalake na 5'7 ang tangkad samantalang siya ay 5'5 lang.

"Aray ko po~",ng matumba si Cathleen.

"Ay miss sorry Hindi kasi ako nakatingin sa dinaraanan ko",paumanhin ng lalaki sa kanya.

"Sorry rin hindi ko rin kasi alam na may daraan pala",paghingi ng tawad ni Cathleen.

Nang magkatinginan ang dalawa ay pareho silang nagulat

Cathleen/Calix?!-sabay nilang sabi habang gulat na gulat sa nakikita nila ngayon.

Hindi napigilan ni Calix ang kanyang emosyon at agad na niyakap si Cathleen.

"Ikaw nga!Ikaw nga yan Cathleen,alam mo bang hanggang ngayon ay hinihintay ko pa rin na bumalik ka saakin.Ito na ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko".

"Ah Calix I can't breath"

Binitawan agad ng binata ang dalaga at doon niya Lang na napagtanto na ang higpit pala ng yakap niya.

"Sorry Cath um are you okay did I hurt you come on Cath say something",Hindi mapakaling tanong ni Calix kay Cathleen.

"Okay lang ako Calix wag ka ngang OA dyan Hindi naman agad ako mamamatay ano ka ba malayo sa bituka to noh"natawa na Lang ang dalaga sa ginawa ni Calix dahil sa sobrang pag alala niya dito.

"So Calix saan ka pala nag aaral?"pag iiba ng topic ni Cathleen

"Ah sa **** ako nag aaral"-Calix

"Edi parehas pala tayo pero bakit hindi kita nakita ngayong araw?"

"Ang totoo niyan ayaw ko kasing pumasok hehe"

"Hay ano ba yan Calix dapat Hindi ka lumiliban sa klase mo"

"Alam ko naman yon.Pero ngayon nandito ka na araw araw na akong papasok siyempre andiyan na kasi si Inspiration ko".

"Hoy anong Inspiration ka diyan ikaw ha".

Nagkuwentuhan at nagkulitan ang dalawa kung saan saan na silang lugar na pumunta at naisipan na nilang umuwi na dahil gumagabi na.Hinatid na ni Calix si Cathleen sa kanilang bahay.

"Ah Calix dito na lang ako salamat sa paghatid ha"

"Ano ka ba naman Cathleen wala yun kita na Lang ulit tayo bukas"

"Sige paalam Calix"

"Goodnight sayo Cath."

Hindi lubos maisip ni Cathleen ang mga nangyari ngayong araw dahil sa sobrang saya niya.Pati na rin si Calix na nasa bahay na niya ay tuwang tuwa na makita ang first love niya na si Cathleen.Ngayong nagkita na ang dalawang magkaibigan ay tutuparin na nila ang kanilang pangako sa isa't isa.

The Promise That We Made (ONESHOT)Where stories live. Discover now