KYLA
Matapos ng ilang linggo ng pagpe-prepare para sa Project namin ni Steven ay papalapit na din ang Valentine's Day. Excited na'ko kung sino makaka-partner ko para sa Ball.
Nagpaalam na ko kay Steven ng maipasa namin ang Project.
Naglakad na kami ni Jewel papuntang study shed dahil busog pa naman kami para mag-recess. Umupo kami at mag-uusap lang naman kami dahil walang klase sa susunod na subject, busy kase sa preparasyon sa Valentine's Day, bukas ng hapon.
"Hay, salamat at natapos na din natin ang project," sabi ko na parang kinuha na ang mabigat na bagay sa likudan ko. Hahaha parang ang bigat ng project namin ah. Actually, gumaan ang Project namin dahil kasama ko siya.
"Oo nga eh, at free na kita sa 3rd Quarter exam natin kay Sir Dimaunahan." Masiglang sabi ni Jewel.
"Excited na ko sa Valentine's Day bes!"
"Ikaw lang. May exam pa tayo pagkatapos nito kaya kailangan mong mag-review." seryosong sabi ni Jewel. Ang killjoy naman ng babaeng to. Sumimangot ako.
"Ang killjoy mo kahit kailan noh! At tsaka nakalimutan mo na ata na Math 'nalang' ang exam natin. Kailangan mo din ng enjoyment jan sa kili-kili mong maasim!" singhal ko sa kanya. At totoo din na maasim yang kili-kili niya. Shut up lang kayo readers ha, satin-satin lang to. Pagalitan ako nito.
"K*ng*na mo po with a heart. At nakalimutan mo din ata na ang hina mo sa Math." Uyy! Di nagpapatalo tong.. Haist kainis ka. Wala akong pake kung mababa Math ko atleast hanggang line of 8 lang ang kababaan nya hindi 7.
"So, atleast nag-eenjoy ako sa highschool life ko. Bes, ga-graduate na tayo, enjoy ka naman kahit minsan lang."
Natahimik siya. It means papayag na yan.
STEVEN
Bukas na ang Valentine's Day at wala pa akong Partner. Ang dami na ng babaeng umalok sa akin pero I declined. Syempre lalake ako dapat ako mag-aask sa kanila na maging partner sila pero sila pa nauna sakin. And to be honest di ko sila type, natu-turn off ako sa err—flirty girls.
FYI, di ako bakla. Di ko lang gusto na nilalandi ako. I don't feel scratching their itchiness. Hahaha!
Magpakilala muna ako sa inyo. Ako nga pala si Steven Jung, 16 years old. Volleyball player ng Frederick Osmeña Lopez University (FOL U).
YOU ARE READING
Fool For You [Continued ]
Teen FictionA typical love story. Ang buhay pag-ibig ng isang dakilang tanga. Si Kayla Chen, ang babaeng maganda pero tanga sa love. Isang babaeng umaasa na balang araw may lalakeng magmamahal sa kanya ng tapat at totoo. Hindi nagmamadaling magka lovelife dahil...