Chapter 1: Let go

29 5 3
                                    

KYLA

"Kayla, please bumangon kana.." minulat ko dahan dahan ang mata ko. Antok na antok pa nga ako, nanggigising na siya.

"Hmmm?" I just hummed. Ano ba problema ng babaeng to. Wala namang pasok.

"Andito yung manliligaw mo." What? Ang aga naman niya. Talagang desperado siyang sagutin ko siya. I'm not aware having a boyfriend since focus lang ako for my studies.

"Okay." Dali dali nalang akong nagbihis para kausapin siya sa baba.

Nakita ko naman siyang naka upo sa couch at may dalang flowers and hmm.. chocolates. Really? Gawain talaga ng isang manliligaw. Nang makita niya ako napakalapad ng ngiti niya.

"Hi." I greeted and gave him a morning smile. Lumapit siya sakin para mag beso pero lumayo ako. Yah! Sabihin na nating sensitive ako o chossy but it's awkward for me.

"Oh sorry." halatang parang kinakabahan siya. "Hi." He extended his hand to shakehands. I hold his hand. Naiilang siya.

"What brought you here?" Parang obvious naman na nanliligaw. I chuckled. "Wag mo nang sagutin tanong ko, obvious naman na nan--" hindi ko na natuloy ang sinabi ko kasi he interrupted and looking at me serious.

"Kayla, gusto ko nang malaman ang sagot mo." Hinawakan niya ang kamay ko. "Matagal na akong nanliligaw sayo pero parang wala lang sayo yun. Ayaw ko nang maging tanga na palaging pinapaasa lang. Kung ayaw mo talaga akong sagutin, okay lang. Kaysa naman umaasa lang ako sa wala." " Kayla can you be my girl?"

Parang huminto ang paligid ko sa mga sinabi niya sakin. Tinamaan ako. Parang pakiramdam ko ang selfish ko, ang sama sama ko. Hinayaan ko lang siya kasi gusto kong maramdaman na may halaga pa pala ako. Naging tanga na pala siya sakin di ko man lang naramdaman yun, ganun na ba talaga ako ka manhid para di mapansin ang mga effort niya para sakin. Gusto ko na talagang sabihin na ayaw ko pa talaga mag boyfriend, mas importante sakin ngayon ang studies ko. Ayaw kong maging manhid para saktan ang taong nagkakagusto sakin, ayaw ko na siyang maging tanga.

At sa tanong niya...

Yumuko lang ako kasi pakiramdam ko naluluha ako. "Sorry." Yan lang lumabas sa bibig ko. Hinawakan niya ang ulo tsaka inangat para makita siya. "Ang manhid ko sa lahat ng nararamdaman mo para sakin. Sorry kasi pakiramdam mo parang walang halaga sakin ang mga effort mo. Sorry kung pinaasa kita." Pinahid niya ang luha ko na tumulo na gamit ang thumb niya.

"Pero hindi pa ako pwedeng magka boyfriend. Studies muna ako. Ayaw kong madissappoint ang parents ko sakin. Pasensya ka na." Ngumiti ako sa kanya. "Ang daming babae sa mundo, hindi lang ako. Mapagmahal ka, ramdam ko yun, di naman ako masyadong manhid. Pag gusto mo pinaghihirapan mo. Kaya wag mong sayangin ang panahon mo para sakin, baka may nagkakagusto din sayo di mo lang napapansin." Tinitingnan niya lang ako. "Francis, you deserved to be loved. Swerte ang babae sasagot sayo, pero hindi ako yun. Wag kang panghinaan ng loob. Lahat tayo ay may destiny. Ang Diyos ay may plano para sa atin kaya hintay lang. Let your heart open for someone who makes your world wonderful."

Ngumiti siya sakin. Kinuha niya ang flowers and the chocolate at inilahad sakin. Napataas ako ng kilay. "Okay lang. Naiintindihan kita and salamat kasi nakilala kita at naging parti ka nang buhay ko. Tsaka siguro hindi talaga tayo para sa isa't isa. Maswerte din ang lalakeng mamahalin mo." Umupo siya sa couch, kaya umupo din ako. "Hay, hindi talaga ako makapaniwala na na-busted na ako ng babaeng sineryoso ko sa panliligaw." Natawa ako at nadissappoint sa 'nabusted na ako ng babaeng sineryoso ko'. Seriously? Sineryoso talaga. So, laro lang ang ibang nililigawan niya. Hmmm? Ano bang iniisip ko.

Fool For You [Continued ]Where stories live. Discover now