Chapter 26

915 17 7
                                    

Not edited.






***


Nagsi-iwas sila ng tingin! Kamote!

"Nakuha nila?!" Histerikal 'kong tanong.

Nagkibit-balikat si Amir. "Hindi rin naman naming pwedeng isaalang-alang ang kaligtasan mo.. Because if ever we'll contact him using your phone, for sure he'll track you down. And we're still not sure if he have any idea that we're after him." Aniya.

Anak ng pating! Na-retrieved nga! Bakit parang kung magsalita siya eh parang hindi nanganganib ang buhay nila?! Hindi ba't emergency ito?

"Nakakagulat nga na sa loob ng isang linggo hindi parin niya alam ang pagkatao mo.. Baka talagang tinamaan sayo kaya ultimong pag-background check sayo ay hindi niya ginawa." Natatawang sabi ni Polly.

Nanlaki ang mata ko at namula sa sinabi niya. "H-Hindi ah!" Nakakainis! Talagang kapag siya ang pinag-uusapan ay apektadong apektado ako!

"Iba ang kutob ko dito. We need to find out if what's the agreement of Ms. Cora and Cloud.. Siya ang nagdala kay Ara sa Williams, not to mention na she tricked us.." Komentong muli ni Amir.

Kumuno't ang noo ko. "May iba pa bang dahilan kung bakit ako ang dinala niyo kay Cloud bukod sa..... may kinalaman siya sa pagkamatay ng magulang natin?"

Nagkibit-balikat ang tatlo. "Ang alam ko ay nag-volunteer ka." Si Polly.

Tumango rin si Amir. "Yun din ang alam ko."

N-Nag-volunteer ako?! Bakit pakiramdam ko ay may mas malalim pang dahilan... Napabalik ako ng tingin sa kanila ng may maalala ako. "Teka nga bakit chill na chill kayo?! hindi ba't emergency 'to?!"

Natawa si Polly. "Noong una akala ko talaga emergency. OA lang talaga si Esa."

"King*na di pa kayo nasanay sa isang 'yon." Malamig na sabi ni Ice.

"Pero hindi ba't manganganib ang buhay niyo?!"

"Matagal ng nanganganib ang buhay natin.." Si Amir.

"So anong plano?" Tanong ni Polly.

Tumikhim si Sander na siyang umagaw sa atensyon namin. "Q-Queens, Do you mind changing clothes first before having a meeting in the middle of the hallway?"

Nagkatinginan kami nila Amir, Polly, at Ice.
Ano naman kung nakarobe pa kami?

***

Naiwan akong mag-isa sa kwarto ng mauna ng bumaba sila Amir. Nakapagbihis na ako at pinapatuyo nalang ang buhok. Matapos 'kong mag-blower ay ibinalik ko rin sa table ang mga hiniram 'kong gamit. Halos kumpleto sila sa gamit dito. May mga make ups at dresses din sa malawak na walk-in closet nila. Mukhang pinagsama-sama nila ang mga gamit nila dito. Si Ice lang kasi ang nakahiwalay ang kwarto. Hindi ko nga alam kung kaninong damit itong denim shorts at polo na suot ko dahil sabi nila kumuha lang ako.

Nadaanan ko ang nakapatay 'kong cellphone sa bed table ng kama ko. Wala naman akong tatawagan kung sakali. Dahil hindi naman pala totoo ang Momsy at Papsy ko. Mapait nalang akong napangiti. Hay, buhay.

My Secretary's Secret Identity (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon