♛♛♛♛♛
Ikaw, Ako at Siya
Dalawang nag-iibigan
Na biglang naharangan
Sa sandaling walang ako
Panay ang lapit niya sa'yo.
Akala ko ba
Ang nag-iibigan ay ang tayo
Na ang ibig sabihin ay
Ikaw at ako, ako at ikaw
Pero bakit naging kayo
Na ibig sabihin ay
Ikaw at siya, siya at ikaw.
Sa lingid ng kaalaman ko
Namumutawi na pala ang isang walang hiyang relasiyon
Nanakit ang pusong may sakit
Pinagbigyan parin ang relasiyon na puno ng pait.
Masaya na sana ng may humarang pa
Siya na matalik na kaibigan ko pa.
Sana'y maging masaya
Dahil ako'y nagpaparaya
Ginagawa ang lahat ng ito
Hindi dahil tanggap ko na ang katarantaduhan mo
Kundi dahil wala ng kwenta ang relasiyon na ito
Na nilalaman ng
Ikaw Ako at Siya
♛♛♛♛♛
YOU ARE READING
Hopelessly Poetically Minded
PoesíaMga tulang walang katugma-tugma, Mailabas lamang ang damdaming nagwawala. ♕KweenLiezii♕