Diary ng Flat Chested

413 11 0
                                    

FAQ: Bakit yung mga kaibigan mo ang laki ng hinaharap ikaw hindi?

Ang alam ko kasi sa nanay ko ako nanggaling at hindi sa mga kaibigan ko. Kairita ha.

Chapter 1

Isang oras na kong nakatayo dito sa waiting shed wala pa ring dumadating na jeep. Nilamon na ba sila lahat ng lupa? Anong oras na tapos ako lang mag-isa. Jusko Ang inner goddess ko nagwawala. Pano na lang kung marape ako? Pano kung reypin ako tapos itapon na lang ang katawan ko sa Pasig River? 

"Uy nene. Gabi na. May hinihintay ka ba? Mag-ingat ka at maraming gumagala gala dito."

Oh my Virginia P. Sabi ko kung mabubuntis lang din ako, gusto ko either si James Reid, Daniel Padilla o Enrique Gil ang ama!

Sa tingin mo pagiinteresan ka nila, wala ka ngang hinaharap?

Aba't. Kanino ba kampi tong inner goddess ko?! Minamaliit niya ba ko! Wala ngang hinaharap, maganda naman!

Teka? Tao ba yun? Bakit pasuray suray maglakad? Nahihilo ba siya?

Medyo lumapit pa ko para makita ng maayos yung tao. Malabo din kasi mata ko.

Holy molly!

May lasing! Anong gagawin ko. Baka reypin ako neto tapos kapag nanlaban ako, gigilitan niya ko ng leeg! At kahit patay na ko pagiinteresan niya pa rin ang katawan ko! Ahhhhhhhh!

"Wa - wag kang lalapit. Nagtataekwando ako at black belter ako!"

Ayaw patinag ni Kuya. Tuloy tuloy lang sa paglapit. Anak ng putete. Anong gagawin ko?!

"Ple - please kuya. I -Ibigay ko lahat ng pera ko wag mo lang akong reypin!" Triny ko magmakaawa baka sakaling umepekto.

"Ha?! Sa tingin mo *hik* rereypin kita? *hik* Eh wala ka ngang *hik* hinaharap! *hik* Di naman ako *hik* mageenjoy sayo. *hik. Dyan ka na nga!"

Aba't! Loko to ah. Insultuhin daw ba ko?

"Aba manong. May dede ako maliit nga lang."

Nakakairita. Makapaglakad na nga lang. Ganun ba ka-big deal ang pagiging flat chested?

**

"Sino ka?" Kelan pa nagka-amnesia nanay ko?

"Panganay na anak mo nay. Kin Andrade. 17 years old, nagaaral sa Ovi University. Scholar. Laki sa hirap at anak ni Elsa at Chris Andrade."

"Walang hiya kang bata ka! Uuwi ka ba o uuwi? Akala ko nakipagtanan ka na! Di mo na kami inisip. Paano na ang pangkain namin? Pang aral ng mga kapatid mo?"

Luh. Sharon Cuneta lang? Galing umarte ng nanay ko ha. Dito siguro ako nagmana. Syempre di ako papakabog!

"Ma alam ko naman ang mga responsibilidad ko. Handa nga akong wag mag asawa para lang matustusan ko ang mga pangangailangan niyo." Suminghot ako at pinunasan ang luha ko. Para medyo kapani-paniwala naman.

"Tumigil ka na nga dyan. Kinabog mo yung arte ko. Kumain ka na. May tuyo dyan."

"Nay, alam mo ba habang nagsusuklay ako kanina napansin ko unti unti na kong tinutubuan ng hasang!"

"Tumigil ka. Pagtiisan mo yang tuyo." Inirapan ko siya.

Masarap naman ang tuyo. Pero kapag gabi gabi nakakaumay na! Kelangan ko talaga maiahon ang pamilya ko sa hirap. Gusto ko rin maranasan kumain ng fried chicken no.

"Hoy Kin. Gusto mo bang makatipid tayo? Benta mo na lahat ng bra mo at band-aidan mo na lang yan. Maliit naman eh."

"GRABE KA NAY HA. KANINO BA KO NAGMANA?" napasigaw tuloy ako.

"SA GANDA KA LANG NAGMANA SAKIN PERO SA DIBDIB HINDI! ANG LIIT NG SAYO! AT MAS MAGANDA KO SAYO!"

May sapak ata nanay ko. Jeproks eh. Bata pa kung magsasalita at kung makipagasaran sakin. Di ko na sinagot at baka makalimutan ko pang nanay ko siya at makutusan ko siya. Hahahaha.

"Gamitin mo na lang yung lumang BABY BRA ng ate mo." Inemphasize niya pa yung baby bra. Namumuro na tong nanay ko. Konti na lang bingo na to.

"Hahahaha. Joke lang."

Sabi na sa inyo. May sapak talaga sa utak yung nanay ko. Buti na lang di ako nagmana sakanya. Matino ako, hahahaha!

Di ko na siya pinansin at nagisip na lang ng ikakikita ko. Mangatulong kaya ako? Napapanuod ko kasi sa tv na lahat ng nangangatulong nagiging jowa yung boss nilang gwapo. Malay niyo. There's no harm in trying, hahahaha!

O kaya mag-PA ako sa mga artista! Pwedeng pwede na yun. Wahihihi. Tapos mafafall siya sakin, magiging masaya kami, papakasalan niya --

"HOY KIN! ANO NAMANG YAN INIISIP MO?"

Napaigtad ako sa sigaw ng nanay ko. Kahit kelan kontrabida talaga to!

"Nagiisip ako ng ikabubuhay natin kaya pwede ba nay! Tone down your voice!"

Plakadong english yan! Oh wag na tumalak minsan lang yan. Parang nabasa naman niya ang iniisip ko at nanahimik.

Balik tayo sa pagiimagine. Este pagiisip. Parang gusto ko na lang magbenta ng katawan. Hahahaha! Charot lang syempre. Atay kaya?

Mga naiisip mo talaga Kineng. Papak pa mg tuyo ha? Itulog mo na yan.

Kung di nanay ko nambubulabog, konsensya ko naman. Manahimik nga kayo!

Bigla namang may lumabas na bumbilya sa may tuktok ng ulo ko. Aha! Alam ko na ang gagawin ko!

Diary ng Flat ChestedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon