Chapter 3

181 10 1
                                    

Di namin katulad ni Gab, mayaman yan si Hansel at Gretel. Pag wala kami makain ni Gab, yang dalawa ang nagpapakain samin.

"Tara na. 10:30 na. Malapit na mag-lunch break yung accounting."

Napakasungit talaga neto ni Gretel. Araw araw ata to kung magregla. Siya rin ang pinakamatured saming lahat kaya para na namin yang ate. Sabagay ate na nga namin siya kasi 18 na siya at 17 lang kami.

"Wag mong galitin yan si Gretel. Busangot na naman yan mamaya loko!" Bulong ni Gab. Si Gab talaga ang pinakakasundo ko. Bukod sa parehas kami magisip, magkasundong magkasundo kami sa mga kalokohan.

"ANO NA NAMAN ITINATAWA NIYO DIYANG DALAWA?!"

Nanahimik na kami bago pa siya mag-ala Hulk. Daganan pa kami neto ng wala sa oras. Lalong mapipipi yung hinaharap ko.

Medyo malayo yung school kaya nakatulog pa ko sa byahe. Tulo na naman laway naming dalawa ni Gab.

"Uy takbo na!" Sigaw ni Gretel. Tumakbo na silang dalawa ni Hansel at naiwan kami ni Gab. Chill chill lang. Sayang beauty pagpapawisan pa kilikili ko. Nevermind, thank you.

Pumili na agad yung tatlo. Sandali lang naman kasi yung sakin. Di ba nga scholar ako? Hinintay ko na lang sila dito sa upuan.

Ano na naman kayang raket ang papasukan ko? Bilang na bilang na lang ang barya sa wallet ko. Grabe na itu.

Ayoko naman magbenta ng atay. Ngipin kaya? Tutal, madami naman to. Malaki --

"ARAY KO! LOKO KA AH!" Tumakbo agad yung nambatok sakin kaya hinabol ko. Hinihimas himas ko pa yung ulo ko. Kamuntik ng matanggal sa lakas ng batok nung ugok na yun.

"Wala ng tatakbuhan! Ha-ha-ha-ha!"

"Di ako yun, Miss! Napagutusan lang po!"

"Anong hindi ikaw? Napagutusan ka lang pero ikaw pa rin ang gumawa!"

"Sorry na, Miss. Sabi kasi nila ikaw daw yung sumira ng project ko?"

"Ano?! Para kang grade school na tulo ang uhog! Wala akong kinalaman sa project mo ni hindi nga kita kilala!" Inambaan ko siyang susuntukin ko pero may humawak sa kamay ko.

"Hoy, nerdy. Makakaalis na."

"Sa--salamat po." Sabi nung lalaki habang tumatakbo.

"Di ba tinuro sayo na masama mang-bully ng kapwa?"

*bugsh*

Di ko napigilan kamay ko at nabatukan ko siya.

"Ako?! Ako pa ang nambubully?! Di niyo ba nakitang binatukan ako ng loko-lokong yun ng walang dahilan? Ha?!"

Parang nagulat naman yung apat na lalaki sa likod niya. Mukhang mga alagad niya. Nakakadiri tong lalaking nasa harap ko. Mukhang basagulero at may hikaw pa sa labi.

"Kung ikaw kaya saktan ko?! Di tayo close para batukan mo ako!"

"Di rin tayo close para pigilan mo ako sa kung anong gusto kong gawin kaya bitawan mo ko!"

Nagpupumiglas ako para makabitaw sakanya. Paalis na kong ng magsalita ulit siya.

"Ako nga pala yung nagutos dun sa nerd na batukan ka. Mukha ka kasing engot."

*TUGSH*

Tumakbo na ko ng mabilis at nagpunta sa cr. Di naman siguro sila makakapasok dito.

"HOY MANANG NA PANGET! HUMANDA KA SAKIN PAG NAKITA KITA. PUPULBUSIN KITANG PARANG TAWAS!"

Sa-- sa tingin niya nata--takot ako? No way! Si Kin ata to! Ma--maganda, flat chested lang!

Tinawagan ko si Gab para sabihing nasa cr ako. Baka nandyan pa yung hoodlum. Ayokong mapulbos na parang tawas! T__________T

"San ka ba nagsususuot? Kanina ka pa namin hinahanap! Tara na sa admission para maayos mo na yang sayo."

Parang-- parang ayoko lumabas sa cr at dito na lang tumira.

"Si-sige. Bilisan na natin. Natatae na ko eh."

Inayos na agad namin yung form ko. Buti na lang ganto lang kadali.

"Tara kain kwek kwek!"

Balak ko pa naman sanang umuwi na. Delikado na baka makita ko nung hoodlum. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa. Clear.

"HOY BABAE KA!"

Ang lakas naman nun sumigaw. Mukhang may mag-jowang nagaaway.

"Bes, tawag ka." Kinalabit ako ni Gab.

"Ha?"

"Tawag ka niya." Dahan dahan akong lumingon at nakita yung hoodlum na nanlilisik ang mga mata.

OH MY FLYING GAS STOVE!

"Sino ka?"

"ANONG SINO KA? AKO LANG NAMAN YUNG BINATUKAN MO NA SINAPAK MO PA!"

Patay kang Kin ka. Galit na galit ang lolo mo!

"Ha? Wala talaga ako maalala."

"EH KUNG SAPUKIN KAYA KITA HANGGANG LUMABAS YANG UTAK MO?!"

"PWEDE BA TIGILAN MO KO SA KAKASIGAW MO! GA-RULER LANG ANG PAGITAN NATIN PERO SIGAW KA NG SIGAW!"

"Tamo, pare! Siya talaga yun di ako pwedeng magkamali!"

Dinuro duro niya ko. Grabe na tong lalaking to ha. Putulin ko litid niya makita niya!

"Tama na pare. Baka di naman siya yun." Sabi nung kaibigan niyang mukhang anghel. Para siyang bumagsak galing sa langit.. Una mukha. Charot unleh guys. Hahaha. Pero mukha talaga siyang anghel. Napakainosente ng mukha.

"Sorry, Miss. Napagkamalan ka lang siguro niya." Ngumiti siya. Holly molly. Para akong sinusundo ng anghel papuntang langit.

"Ang gwapo, anak ng putete!" Bulong sakin nung tatlo. Parang mga uod na nalagyan ng asin. Hahaha. Well, gwapo naman talaga.

Nakaalis na si Hoodlum pero naiwan yung anghel. Yes! Ligtas na ko!

"I know it's you. Pasalamat ka mabait ako. I'm your angel." At binigyan niya ulit ako ng isang malaking ngiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ng Flat ChestedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon