Chapter 2

192 6 0
                                    

Nandito ko ngayon sa ospital, hinihintay ko yung doctor na magaabort.. Kinakabahan talaga ako. Hanggang ngayon nagdadalawang isip pa rin ako kung itutuloy ko ba to. Hay nako, Kin! Ano ba tong pinasok mo. Di ko na tuloy alam ang gagawin ko..

Pero charot lang syempre! Di ako buntis no! Balak ko sana mag-abort. Malaki daw ang kita. Charot unlee, hahahaha. Ayokong magkasala no!

Nandito ako ngayon sa zoo. Nagdadampot ng mga tae. Enbelebebel right? Pero kelangan ko talaga ng pera kaya lez do des!

"Yak! Kadiri naman yung ginagawa nung babae. Ew."

Mabilis pa sa alas kwatrong napatingin ako dun sa nagsalita. Isang babaeng orangutan na nakayapos sa jowa niyang syokoy.

"Arte neto. Eh tae mo naman nililinis ko." Napatigil yung orangutan.

"Sinasabi mo bang unggoy ako?"

"Sayo yan nanggaling ah."

Halos mapisa yung kamay nung syokoy sa sobrang galit nung orangutan.

"SHUT UP FREAK!"

Kinuha ko agad yung cellphone ko at tumabi kay orangutan para mag-selfie.

"Naisipin mo pa talagang magselfie kasama ako! Ang baho mo kaya! Stay away from meeeeee!"

"Pasensya na. Na-amaze lang ako. Si Boots lang kasi ang kilala kong unggoy na nagsasalita. Meron pala non sa totoong buhay."

Pulang-pula na siya sa galit habang yung jowa niya nagpipigil ng tawa, hahahaha.

5.. 4.. 3.. 2.. 1.. Nag-walkout na yung orangutan na hila hila yung boyfriend niya. Sarap sa feeling, hahahaha!

Tinapos ko na agad yung paglinis sa dumi ni Orangutan at tinawagan yung mga kaibigan kong loko loko.

"Hoy, san na kayo? Ah. Sige. Tapos na ko. Bilisan mo na! Yang papunta mo, tumatae ka pa lang. Sinong niloko mo! Tse. Bilisan mo. Dudukwitin kita pagdating mo dito."

Yung mga kaibigan mong paalis na daw pero ang totoo nakahiga pa. Nakakainis yung mga ganun eh! Pero gawain ko din, minsan. Hahahaha. Minsan lang!

"Miss."

Lingon sa taas, lingon sa baba. Baka pinagtritripan na ko nung unggoy ah.

"Miss."

Lumingon ako sa paligid. Walang tao. Iba na to. Nalilipasan na ata ako ng gutom. Buti na lang kahit flat chested ako, maganda ko. Ano connect? Nalilipasan na talaga ko.

"Uy, rangu wag mo naman ako multuhin. Nilinis ko na nga kulungan mo eh."

"Sino si Rangu?

"Aba't! Magmumulto ka na nga lang di mo pa alam pangalan mo!"

"Uhm, Cloud ang pangalan ko."

Kelan pa ko nakipagusap sa multo ng unggoy. Malala na to Kin. Kelangan mo na magpa-admit ng 1 month sa mental.

"Astig naman ng pangalan mo para sa isang unggoy."

"Anong unggoy? Hahahaha. Unggoy ba talaga tingin mo sa lahat ng tao?"

Napatingin ako sa likod ko at nakita si Shokoy na nakahawak pa sa tiyan habang tumatawa.

"Di ah. Ang tingin ko nga sayo syokoy."

"Ang hard naman neto." Tinignan niya ko ng matalim sabay tawa ulit.

Binatukan ko siya. Enough para matanggal yung ulo niya. Hahahaha.

"Oy oy. Di pa tayo close binabatukan mo na ko."

"Excuse me, ikaw ang lumapit sakin. Isa pang salita. Hihirit ka pa lang nasapak nakita!"

"Sorry na. Babalik ko lang naman tong panyo mo."

Kinuha ko agad yung panyo at naglakad na. Mahawa pa ko sa kabaliwan neto.

"Oh, ano? San na kayo?" Buti na lang tumawag si Gab. Saved by Gab. Ikikiss ko to mamaya, hahaha.

"Dito ko sa may gate. Asan ba yang malapit mo?!"

"Hoy, Kin flat chested. Eto na ko oh!"

Napatingin ako sa gilid at ayun na nga si Gab. Kiniss ko agad siya.

"Ano ba yan. Kadiri ha." Pinunasan niya yung pisngi niya. Wala naman akong sakit ah.

"Niligtas mo kasi ako dun sa lalaking shokoy. Salamat, mwa mwa chup chup!" Nagmwestra pa ko ng flying kiss.

"Bitawan mo nga ko. Tara na. Ayun na si Hansel at Gretel."

Totoong Hansel ang pangalan nung kaibigan namin pero yung Gretel joke lang. Hahaha, Annie pangalan niya. Lagi kasi yang napagkakatuwaan ng tropa. Kaya Gretel na ang itinawag namin.

Diary ng Flat ChestedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon