Chapter Two

7.5K 269 2
                                    


PASADO alas-dose na ng gabi pero nasa laboratory pa rin si Alessandro. Ilang tawag na ng mommy niya ang hindi niya nasagot. Kapag ganoong marami siyang ginagawa, hindi talaga niya nahahawakan ang kanyang cellphone. Kung wala lang siyang kapatid na alagain pa, malamang sinugod na siya roon ng kanyang maaalalahaning ina. Ang daddy naman niya ay busy sa sarili nitong trabaho. Pero mas marami siyang trabaho kumpara sa tatay niya.

Next week nakatakda ang pagpunta nila sa Spain para makausap si Dr. Swarz na naroon sa Libertad Organization. Ang daddy niya ang nakipag-usap kay Howard, para mabigyan sila ng permiso na makausap ang matandang doktor na napag-alamang eksperto sa lahat ng uri ng virus at vaccine. Naniniwala siya na makukombinsi niya ang doktor na makipagtulungan sa kanya para pag-aralan ang Rabia-Apocalypse. Magmula noong lumitaw ang unang halimaw na affected ng naturang virus ay hindi na siya natahimik. Hindi siya tumigil sa pag-aaral tungkol sa virus.

Nang makadama siya ng matinding pagkauhaw ay iniwan muna niya ang kanyang ginagawa. Nagtungo siya sa blood bank para uminom ng dugo. Pakiramdam kasi niya'y nanghihina na siya. Pagpasok niya sa loob ay napansin kaagad niya ang babaeng nakatayo sa harap ng malaking aquarium kung saan nilalagay ang na-process na dugo. May tubong nakakonekta sa aquarium patungo sa mga gripo kung saan sila nagre-refill ng dugo.

Sa ganoong oras ay wala nang tumatambay dapat sa lugar na iyon. At hindi basta pinapapasok ang mga tao roon. Pero malayang nakapasok na walang kasama ang isang ito.

Nang biglang humarap sa kanya ang babae ay hindi ang mukha nito ang una niyang tiningnan, kundi ang suot nitong kuwentas na merong pendant na singsing.

"Hi, Doc!" masiglang bati nito sa kanya.

Saka lamang niya tinitigan ang mukha nito. Ito 'yong babaeng nakaharang sa pinto ng clinic kanina, at epal na nag-assist sa kanya sa laboratory. Pinsan pala ito ni Farah. Hindi niya natandaan ang pangalan nito.

"Why are you here? You're not allowed here," sabi niya rito.

"Uhm, isinama ako dito ni Syn. Pumasok siya sa pintong 'yon," sabi nito sabay turo sa pinto patungo sa kuwarto kung saan nagre-recharge ang mga bampira matapos makainom ng dugo.

Gusto niya itong iwasan kaagad, pero inaakit siya ng suot nitong kuwentas. Pamilyar kasi iyon sa kanya. Hindi ordinaryong singsing na likha lang ng ordinaryong tao ang ginawa nitong pendant. Obvious ang pagiging antic nito. Hindi naman ito uri ng singsing ng mga imortal.

Nang lumabas na si Syn ay saka lamang niya na-dedma ang babae. Kumuha siya ng kopita saka sinalinan ng blood juice. Mahinang nag-uusap ang dalawang babae, pero kahit anong hina, naririnig niya ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Gustuhin mo na lahat ng lalaki dito, huwag lang si Kuya Sandro," sabi ni Syn.

"Bakit naman? Mukhang siya ang pinakamabait dito," wika naman ng kasama nito.

Nasa dulo ng dila niya ang pangalan nito pero hindi niya matumbok kung ano ba talaga ang pangalan nito. Hindi siya interesado doon. Ang kaso, siya ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Hindi siya masayang kasama," sabi pa ni Syn.

Narinig niya ang hagikgik ng babae. "So what? Malay natin, meron siyang itinatagong ugali na kapag natumbok mo ay walang kapantay na kaligayahan ang matatamo mo," sabi nito pagkuwan.

Hinugasan ni Alessandro ang ginamit niyang baso. Pagkatapos ay itinaob lang niya ito sa lalagyan. Lumabas na siya.

Kinabukasan ng gabi. Umuwi si Alessandro sa bahay nila para magpaalam sa mommy niya. Pagdating niya'y sobrang tahimik. Pasado alas-otso pa lamang ng gabi. Imposibleng tulog na ang mommy niya. Hindi niya alam kung naroon ang daddy niya.

Day Walkers Series 6, Alessandro Clynes, (The Defender of Mankind) CompleteWhere stories live. Discover now