Chapter One

10.5K 313 5
                                    


NAHIMASMASAN si Narian nang biglang naglaho ang lalaking kalampungan niya sa loob ng kotse. Kung hindi lang dahil sa kirot na nararamdaman niya sa kanyang kanang braso ay hindi niya mapapansin na may mga lalaking nagsusuntukan sa labas. Kahit hilo pa'y pinaandar niya ang makina ng kotse saka nagmaniobra.

"Thank God, I'm still virgin," usal niya habang nagmamaneho.

Hindi natuloy ang pag-angkin sa kanya ng lalaking isang linggo lang niyang nakarelasyon. Pinatulan lang niya ang hamon sa kanya ng mga barkada.

NATATAWA si Narian sa tuwing bumabalik sa isip niya ang mga kalokohan niya noong nag-aaral siya ng college. Only child siya ng mommy niya. Sadly, hindi pinanagutan ng ama niya ang kanyang ina noong ipinagbubuntis siya nito. In short, anak siya sa labas. Kaya napilitang magtrabaho sa ibang bansa ang mommy niya. Pinalad itong makapagtrabaho sa palasyo ng hari ng Saudi Arabia. Pero magmula noong nakapag-asawa ng arabo ang mommy niya, hindi na ito umuwi ng bansa. Nagpapadala na lang ito ng pera.

Natapos niya ang kursong nursing. Pero dahil sa impluwensiya ng pinsan niyang pulis woman na si Farrah, nag-take siya ng civil service exam at pinalad siyang nakapasa. Pero boring dahil sa opisina lang siya palagi. Kaya ang hang out niya ay sa bar, kasama ng mga barkada niya mula pa noong nag-aaral siya.

Last year lang, nabalitaan niya na namatay ang mommy niya sa sakit na colon cancer. Nagkaroon siya ng pagkakataon na makita sa huling pagkakataon ang kanyang ina. Gayun pa man, hindi niya iniisip na kawawa siya. Mataas pa rin ang kompiyansa niya sa sarili na magiging maligaya ang buong buhay niya. Ang goal niya ngayon ay makatagpo ng lalaking mayaman, guwapo at mamahalin siya ng buong-buo.

Itinago ni Narian ang mga gamit niya sa iisang maleta. Darating na ang rescue helicopter ng Sangre Organization. Kahapon nang nilusob ng mga halimaw ang bayan nila ay una niyang isinalba ang kanyang sarili. Nataong day off niya kaya hindi siya kasama sa nabulabog ng mga halimaw. Nasurpresa siya dahil noong una ay hindi nagkaroon ng record ang mga pulis na merong halimaw na nakapasok sa bayan nila. Tiwala siya na protektado sila.

Pagdating sa safe house, tinungo kaagad ni Narian ang kuwarto na inilaan para sa kanila. Kasama niya ang ina ng pinsan niyang si Farah. Hindi ito tumitigil sa pag-iyak at bukam-bibig ang anak. Hindi siya kinakabahan kaya naniniwala siya na ligtas si Farah. Naka-duty si Farah sa estasyon nila. Hindi niya mapatahan ang ginang kaya pinabayaan niya ito. Binuksan niya ulit ang maleta niya upang matiyak na nadala niya lahat ng importante niyang gamit.

Nataranta siya nang hindi niya makita ang safety box niya kung saan nakalagay ang mga alahas na pinadala ng mommy niya. Nagkakahalaga rin ng kalahating milyon ang mga alahas. Pagtaon niya sa kanyang maleta ay tumalsik ang mga alahas. Hindi pala niya nailagay sa safety box ang mga iyon dahil masyado nang masikip. Nasapo niya ang kanyang noo.

"Poor, Narian! Bata ka pa para mag-ulyanin!" Kinagalitan niya ang sarili.

Isa-isa niyang pinulot ang mga alahas na mga ginto. Ang huli niyang dinampot ay ang necklace na merong pendant na singsing. Ngayon na ulit niya nakita ang bagay na iyon magmula noong kamuntik na siyang ma-hold-up dahil isinuot niya iyon.

Inilagay niya sa kanyang palad ang singsing. Malaki ito sa daliri niya. Minsan na niyang ipinatingin sa pawnshop ang singsing noong nagipit siya. Ang sabi ng clerk, purong ginto daw ang singsing at black diamond ang bato na nasa ibabaw nito. Pero no'ng sinabi na babayaran siya ng isang daang libong piso, bigla siyang umatras. Naliliitan siya sa halagang iyon.

Sa panahon ngayon, sino kaya ang magkakainteres na bibili ng singsing na iyon, ni wala nang datong ang mga tao dahil sa mga halimaw na sumira sa kabuhayan nila. Isinama niya ang singsing sa mga alahas niya. Naniniwala pa rin siya na ang singsing na iyon ay pag-aari ng lalaking nabiktima ng kalokohan niya, dahil iyon lang naman ang nakasama niya noong gabi sa loob ng kotse niya kung saan niya napulot ang singsing.

Day Walkers Series 6, Alessandro Clynes, (The Defender of Mankind) CompleteWhere stories live. Discover now