Abigail POV
Time check 1:30 a.m
Para akong paraning dito, gusto ko ng matulog, pero di ako dinadapuan ng antok..
I'm patienly waiting for my husband to come..
Napapangiti na naman ako pag naiisip kong asawa ko na siya, ang lalaking matagal ko ng pinapangarap. Highschool pa lamang kami ay subrang gusto ko na siya.. Kaya ngayun na kasal na kami, ako na siguro ako pinaka masaya na tao sa mundo...
Magpipitong buwan na mula ng ikasal ako kay Stephen Collins , High school pa lang ako gusto ko na siya. Pero siya? Ako yung tipong babaeng hinding hindi niya lilingunin, in short hindi niya ako gusto.
Ang saklap diba?
Para akong maruming bagay na kinasusuklaman niya, kinamumuhian, At hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit ganun siya saakin.. Siguro dahil napilitan lang siya sa marriage namin.
Pero Dahil nga sa mahal ko siya, Kaya kong magtiis, kaya kong maghintay, hanggang matutunan niya ako mahalain pabalik, tulad ng pag mamahal ko sakanya.
Maituturing ang mga Collins na isa sa mga pinaka mayaman at kilalang pangalan sa lalawigan namin, pero ang kasal naming ay di katulad sa karamihan, walang bahid na karangyaan, isang kasalang di papangarapin nino man, Isang kasal na parang kami lang nila lolo ang may alam, dahil hindi niya ako gusto, dahil may mahal siyang iba, may iba siyang pinapangarap na pakasalan, hindi lang na tuloy yun dahil saakin...
Siguro yun ang dahilan kung bakit inis na inis siya saakin. Pero nag taka rin ako sa umpisa, Ayaw niya pala kaming ikasal , Bakit siya na pumayag?? Gusto ko siyang tanungin tungkol sa bagay na yan pero sa tuwing kinakausap ko siya tungkol sa bagay na yan , pilit niyang binabago ang topic.
Kaya laking gulat ng iba ng ikasal kami. Niwala nga daw silang nabalitaan na may naganap na kasalan. Hindi rin naman daw nila alam noon na mag jowa kami, kaya laking gulat na lang ng mga friends at relatives namin.
Noon ayaw ng lolo ko ng ganitong setting, pero ako na lang nakiusap kay lolo, pinakiusapan ko na bigyan lang muna siya ng panahon, at naunawaan naman ng lolo ko.
"Grabi mag aalas-dos na wala parin siya." Di naman sa hindi ako sanay na matagal siyang umuuwi, sa katunayan nga, parang ako lang mag-isa sa bahay namin, maagang umaalis ang asawa ko matagal naman kung umuwi, ang bahay naming parang kwarto niya lang, uuwi lang siya para matulog at maliligo, Kahit tikman lamang niya ang aking luto ay hindi niya pa magawa.
Ganto ba talaga kapag hindi ka mahal ng mahal mo? Parang ang daya namin kasi. Bakit ba hindi mo kayang ibigay ang pag mamahal mo saakin? Ganun mo ba ako kinasusuklaman??
Hindi ko na malayan na may nahulog na luha galing sa mata ko.
Bigla na lang akong natawa sabay. "Hahaha Kaya mo yan Abigail balang araw mamahalin ka rin ng asawa mo.." para akong baliw dito umiiyak, tapus biglang tatawa. Ito na yata ang epikto ng pagiging tanga ko.
YOU ARE READING
Being His Unwanted Wife
Short StoryBeing his unwanted wife By: Francis Lagula Hiindi naman sa lahat nang yayari ito, ngunit may mga gatong pangyayari sa buhay ng isang tao na hindi natin nalalaman. Mahirap maging asawa ang taong hindi ka naman mahal, oo wala pa akong asawa pero may...