Green Green Grass of Home

31 3 0
                                    

Green here, green there, green is everywhere? Really? As in... oh myyyy!
What the actual fuck ? Mabuburo ako sa puro berdeng talahib na lugar na to ? Puro puno, bukid, bundok, tapos yung daanan bako-bako? May nabubuhay ba dito ? Baka puro baka, kambing at kalabaw lang ang nakakasurvive dito sa dami ng damo ? I can't believe mommy would brought me in this kind of place !

"Hindi ako tatagal dito" wala sa loob kong sabi.

"You must Reeven! If you want to go home in Manila kelangan matuto ka muna" sabi ni Daddy.

"WHAT?" Ugh! I cant imagine myself living in this place! I might die in suffocation ! It's literally suffocating in here ! Baka mag hapon at mag damag lang akong mag kulong sa kwarto sa villa! Tsk ! I just wanna go home!

"Fuck! Baka naman magkasakit na ko sa utak sa kakauntog ko dahil sa bako bakong daan na to !" Di ko na napigilang mag reklamo. Dito nila ko ibuburo? Napaka layo nito sa magandang itsura ng New York na iniwanan ko ! Kung alam ko lang !

"Patience son. Kasalanan mo rin yan. Ginalit mo ba naman ang mommy mo. Ayan tuloy pareho tayong mabuburo dito. Tsk tsk!"
At talagang nagawa niya pa kong sisihin ? Ee kasalanan niya to ee tsk ! Babaero! Dinadamay pa ko !

"Dont start with me dad! Bat ba kase di nalang kayo mag hiwalay ! Tsk! Niloloko niyo nalang mga sarili niyo! Kung di na kayo masaya edi mag hiwalay na kayo!" Naiirita kong sabi sa kanya.Ibinaba ko ang salamin ng bintana ng van at tinanaw nalang ang papalapit na bayan na kahit papano ay puno na ng maliliit na gusali. Naaamoy ko ang hanging pang dagat sa bandang ito ng lugar. Great! Seas and mountains! Gees!

Baka naman matagalan ko dito kahit papano. Mag titiis nalang muna ako so i can get my old life back.

"OH FUCK!" someone ran through our van that makes me freak out with anger. Gusto niya ba kaming patayin ? Oh gusto na niyang mamatay ? Wag na siya man damay kung ganon ! Shit!

"Mga bobo ba mga tao dito ? Tsk!"
Napahinto yung babae sa harap ng van, para bang takot na takot siya. Nakatitig lang siya na para bang nakikita niya ang mga mata ko kahit pa tinted naman tong sasakyan.

May kakaiba sa mata niya na napatitig din ako pabalik. There is this unknown sadness that i think is coming from within her. I dont know pero nakaramdam ako ng awa nang tignan ko siya. Puro siya sugat. Scars are showing from her shoulders down to her hands. Bruises and unwounded wounds are all over her exposed skin. Puno ng dugo ang dulo ng puti at madumi niyang bestida. Nakayapak siya at ang mga paa ay puno rin ng dugo at sugat.What happened to her. I have this urge to go out of the van and check if she's fine. So i went outside.

"Hey, are you alright ?"
She just nodded at me, cut her eyesight from me and bowed her head. After that she run through the market not so far from where i stand. Huminto siya sa harapan noon at tumingala sa maraming taong nadadaanan na siya. Dama ko ang sikip sa loob niyon. Ang ingay na dala ng mga tao sa bukana ay naririnig ko rin. Bigla na lang siyang napa upo habang hawak ang mga tainga at lingon ng lingon sa mga taong naaagaw na ang pansin dahil sa kanya. Para siyang nabibingi sa ingay, natatakot sa mga tao. Para siyang kuting na takot na takot.

"Who are you? What's gotten into me that it makes me wanna know you at all?"

Sino ka ? Bakit pakiramdam ko gusto kitang protektahan.

Tatakbo na sana ako sa kinalalagyan niya ng naagaw ang pansin ko ng tawag ni daddy at ang pag takbo ng isang lalakeng sa tantiya ko ay kasing edad lang ng ama ko. Patakbo siyang nag tungo sa kinaroroonan ng batang babae na iyon. May pag aalala sa kanyang mga mata ngunit nanatiling matigas ang ekspresyon ibinibigay ng kanyang mukha.

Bumagal ang mga hakbang ko, pinanood ko na lamang silang dalawa habang itinatayo niya ang batang babae at inilayo sa lugar na iyon. Sumakay sila sa isang itim na van na hindi ko alam kung saan ang punta. Sinundan ng tingin ng mga tao ang itim na van at nag bulung bulungan at kalaunan ay natahimik din at awa ang naiwang marka sa mga mukha nila para sa mga kaaalis.

Simula ng araw na yon, hindi ka na nawala sa isipan ko. Ang mga mata mo na puno ng takot at pagkasuklam sa mundo ay tandang tanda ko pa. Kung paanong pumilantik ang makapal mong pilik mata habang nalulukot ang noo mo kasabay ng pag dilim pa lalo ng tila iginuhit mong kilay. Ang labi mong nangangatal sa takot at ang balat mong puno ng sugat. Sino ang nananakit sayo? Sino ang gugustuhin makitang nasasaktan ang isang munting anghel na katulad mo ? Oras na makita kitang muli, gusto kong mapalapit sayo. Gusto kong ako ang poprotekta sayo. Poprotektahan kita. Pangako.

At sa tingin ko, sa mga oras na yun hindi ko na ginusto pang umuwi.

DEICERETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon