Kabanata 3

12 1 0
                                    

Kalaban

"Congratulations Ecee. You do well. Naagaw mo si Reeven. Naagaw mo siya!" punong puno ng puot ang mukha ni Nina habang matabang na nakikipag titigan sa akin.

Katatapos lang ng last subject ko sa araw na ito at napaaga iyon kaya naman ako ang pinaka unang lumabas sa pasilyo nang bigla niya kong harangin.

"What are you talkin' about Nina?"
Nalilito kong sabi sa kanya. Hind ko siya maintindihan. Palagi niya nalang na sinasabing naagaw ko si Reeven sa kanya kahit ang totoo ay hindi ko naman kilala ang tinutukoy niya.

"Wag kang mag maang-maangan! Nakita ko kayong nag uusap sa daan kahapon. Anong sinabi mo sa kanya ? Ha ? Inaakit mo ba siya ?  Tigilan mo si Reeven! Akin siya!" Nang gagalaiti na siyang sabunutan ako pero nag pipigil siya nakikita ko sa kanyang nag pipigil siya.

"Edi sayo Nina. Walang umaagaw. Saksak mo sa makitid mong utak yung Reeven na sinasabi mong di ko naman kilala" naubos na ang pasensya ko kaya sinagot ko na siya at lumayas sa harap niya. Pero hindi ko inasahang hahatakin niya ang buhok ko at itataob sa ulo ko ang paso na may  bagong tanim na halaman na kadidilig pa lang. Punong puno ng putik ang ulo at uniform ko. Nabasa ang puting-puti kong blouse ng maitim na tubig mula sa paso at umagos ito sa kulay pink kong palda.

"Yan ang nababagay sa mga mang aagaw na katulad mo!" Sigaw ni Nina sa mukha ko at ang kasunod kong narinig ay ang tawanan at biglang pag dami ng mga tao sa paligid.

Hinilamos ko ang putik na nasa aking mata at dumilat. Sa dulong pasilyo ay nakita ko siyang papalapit. Nag ulam bigla ang aking mga mata ng makita siya. Awang awa nanaman ako sa sarili ko. Nakita niya pang ganito ang kalagayan ko.Tatakbo na sana ako ng marinig ko ang dagundong ng sigaw niya.

"What have you done to my girl Nina?" Punong puno ng galit at awtoridad ang boses niya. Malayo sa parang pusang siya kahapon nang sinabi niyang gusto niya akong kaibiganin.

'MY GIRL'? What the actual fuck ? Nag bulungan ang mga tao sa paligid. May ilang kinilig sa mala hero niyang pag pasok sa eksena. May ilang nandiri at inisip na nagayuma ko siya. May ilan na ipinakita ang pagka inis sa sinabi niya at todo protesta sa narinig. Ako naman ay tila wala ng masabi dahil nag sisigawan na sila ni Nina.

"Inaagaw ka niya sakin Reeven. She's flirting you!" Tumakas ang impit na daing ng pag hihinagpis sa bahagyang nakaawang na labi ni Nina. Para syang batang inagawan ng candy sa ginagawa niyang pag hikbi.

"Wala siyang inaagaw! I dont like you! Nilinaw ko na yan sayo day one palang Nina. Wag mong asahan na may ibig sabihin ang pag lapit ko sayo. Ginawa ko lang yon to get to her. So stop this bullshit and let her leave a normal life"
dumagundong nanaman ang sigaw niya sa buong Paralaya High. Nakakatakot, nakakatakot ang galit na ipinakikita niya.

Natulala si Nina at nakita ko ang mabilisan niyang pag hawi sa mga luhang nag uunahang pumatak sa lupa.

"Pag babayaran mo to Ecee. Hindi pa tayo tapos"
Huling salita na narinig ko kay Nina na punong puno ng pag babanta. Bumuhos ang kanina ko pang pinipigilang mga luha. Nalinis nito ang ilang putik na naiwan sa aking pisngi.Natatakot ako para sa sarili ko. Natatakot ako. Natatakot ako sa mga maaari niyang gawin. Mayaman sila at maraming koneksyon. Marami siyang magagawang masama laban sakin.

Sa matinding pag iisip ay hindi ko namalayang nagsi alis na pala ang mga tsismosang naka paligid kani-kanina lang. Isang mainit na yakap ang bumalot sa aking baywang at pinagpagan niya ang putik sa ibabaw ng aking ulo.

"Im so sorry Ecee." Puno ng lungkot at hinanakit ang kanyang mga mata.

Itinulak ko siya. Madudumihan ka. Mababahiran ka rin ng putik.Mababasa ka. Itinulak ko ulit siya ng nagtangka namang punasan ang mga luha ko na ikinagulat niya.

"Dont bother me anymore."

Siya pala yung Reeven na tinutukoy ni Nina. Siya pala ang inagaw ko. Anong koneksyon ang meron sa kanila ni Nina? Bakit sila magkakilala? At bakit galit na galit sakin si Nina at sinasabi nito na mang aagaw ako? Baket ? Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko. Pero isa lang ang alam ko. Kasalanan niya itong lahat.

Nag lakad ako palayo sa kanya ngunit sinundan niya ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila sa naka paradang pulang sasakyan sa tabi ng gate ng school at isinakay doon.

"Hey! What's this ? Pababain mo ko"
Sabi ko ng di ko ma-unclatch ang seatbelt ng kotse. May pinindot siya sa holder ng susi kanina bago niya isinarado ang pintuan. Itinigil ko nalang ang pag pupumiglas dahil sa tingin ko ay wala naman yung tulong.

"Mababasa ang upuan" sabi ko nalang na nakayuko at tinatanaw ang mga daliri ko sa aking kandungan.

"Its okey."

Walang gana niyang sinabi. Tamad siyang nag drive patungo sa daanan pauwi sa amin. Nalagpasan na namin ang niyugan at palayan. Kaunti nalang ay ang rancho na nila. Nag handa na ko sa pag baba ng huminto ang sasakyan sa bungad ng gate. Bumusina siya at nag bukas ang malaking gate.

"Pano ba to tinatanggal" tanong ko ng di ko talaga matutunan ang pag alis sa seatbelt.

"Why? Nasasakal ka ba? Sandali nalang malapit na tayo" at niliko na niya ang sasakyan papasok sa rancho.

"Dito lang ako." Sabi kong tinatanaw pabalik ang gate pero hindi niya ko pinakinggan.

Natanawan ko ang ganda ng daan na nag tuturo ng direksyon patungo sa isang malaking mansyon. Mas malaki ito kumpara sa mayroon kami sa Casa Ropa.

Napapalibutan ng mga halamang gumagapang ang dinadaanan namin na nag padilim sa tila tunnel nitong disenyo. At bawat lakbay ng sasakyan ay ang pag bukas ng maliliit na ilaw sa bawat gilid. Ang ganda. Namangha ako sa ganda ng paligid na nakalimutan ko na kung bakit ako narito.

May narinig akong nag click at ang pag bukas ng pintuan ang sumunod. Pinangko niya ko sa kanyang mga braso at agad akong napatili. Diri-diresyo sya sa malaking double doors ng mansyon at itinulak iyon gamit ang kanyang braso.

Bumungad sa akin ang nag lalakihang chandeliers sa sala. Isang sala set sa harap ng isang 43 inch na Flatscreen Tv at may mga mamahaling vases na sa tingin ko ay mula pa sa greece dahil sa makaluma nitong disenyo na puro dyos at dyosa sa mitolohiya.

Sa sulok na iyon paakyat sa hagdanan ay nakahanay ang mga picture frames ng isang batang panay nakangisi sa mga larawan. Ngunit bukod tangi ang larawan na iyon na nakaagaw ng pansin ko. Pinilit kong makawala sa mga bisig niya at nang nagawa ko ay nilapitan ko iyon.

Karga ng isang babae ang batang lalaki na malaki ang pagkakangisi.Ang mukhang iyon. Pamilyar ang babaeng ito. Nakita ko na siya. Sa litrato din. Sa kwarto ni Papa. Nakita ko na siya. Nakita ko na ang larawan niya na nasa ilalim ng mga bubog na pumatay sa mama ko. Nakita ko na siya. Nakita ko kung paano sinira ng mukhang ito ang pamilya ko.

"Mommy ko"

Nilingon ko siya. Hindi makapaniwala. Nakitaan ko ng pag aalala ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong ekspresyon na ba ang iniluluwa ng aking mukha pero wala na akong paki alam.

Nilingon ko ang iba pang mga litrato sa konkretong pader, nag hahanap ng iba pang maaaring pag tularan ng itsura ng babae. Baka nagkakamali lamang ako.Ngunit walang litrato na kasama ulit siya.Hindi ko na malaman kung mali ba o tama ako.Isang litrato ng batang lalaki ulit ang aking nakita. Napalilibutan ito ng mga nakasabit na pigurin ng mga anghel. Kung titingnang mabuti ang larawan ay tila ba nakangiti ang bata at kahit na sinong mag tangkang tumitig dito ay mapapangiti rin. Pero hindi ko magawang suklian ang ngiti sa larawan. Siya... siya ang bata sa larawan. Siya ang minsang pinag talunan nila mama. Siya ang batang pinag hihinalaan ng ina ko.

Luminga linga pa ako para sa mas marami pang ebidensya.I even saw a big painting of Zeus and his children in the upper corner of the left starecase.

Hinatak niya ko paakyat sa hagdanan.Lito parin sa mga nakita. Nasa bahay ako ng babaeng minsang pinangarap ni papa. Nasa bahay ako ng babaeng sumira sa minsang masaya naming pamilya. Nasa bahay ako ng kalaban.

DEICERETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon