Chapter 6: first mission

5 0 0
                                    


Chapter 6: first mission

[KEENA'S P.O.V.]

"Oyy!Keena! Iniwan mo yung juice mo!" Hayy! Grabe, sa sobrang gutom nakakalimot na ako ng kung ano ano.

Bumalik ako dun sa receiving table at kinuha yung juice ko. I tried to catch up to them at nung naabot ko na sila ay umupo na kami sa upuan sa may corner ng area.

"Grabe! Pakiramdam ko isang taon akong di nakakain!"

"Pero Jinoki! Kelan ka ba nabusog?"

We all laugh, sira talaga tong sina Reiya at si Jinoki!

Bigla na lang bumukas yung pinto at may pumasok na limang lalaki! May suot sila na black coat at naka slocks! They sure get everyone's attention.

"What an entrance! What are they up to?!"

They headed right to our direction at mukhang alam na ni Michiko ang dahilan kung bakit nila kami pupuntahan.

"Nishida sector? Please lead to the confession room! The one on the underground chamber." Duh! Classified! Basta kasi sa chamber iaanounce, classified yan!

Tumayo na kami kahit wala pa sa kalahati yung nakakain namin, sumunod kami sa kanila palabas habang yung mga androids ay nilikom agad yung tira naming pagkain.

Lumabas kami ng training center at nasa may garey si Dianne at Kenshin, kasama ng caster guards, hindi nya naman ginagamit yung ability nung caster.

"Anong meron? May nagawa ba tayong kasalanan?!" Tanong ni Dianne.

"Wala! Mission! May ibibigay na mission sa atin!" Mukha namang kabado sina Carol at Dianne dun sa sinabi ko.

May tumigil na tatlong ficars sa harap namim, pumasok sa unang ficar sina Dianne, Reiya, Kenshin, at Jinoki, sa pangalawa naman sina Michiko, Carol,  at Jeun, at kami naman ni Ethan sa huling Ficar.

Ramdam ko yung pag elevate ng ficar then umabante na. Wala pa man lang isang minuto ay nakarating na kami sa main contol building.

Isa isa kaming bumaba at nung nakababa na ang lahat ay sabay sabay na kaming pumasok.

"May chamber pala dito?"-Carol

"Eventually, lahat ng building ng A-C-tell ay may chamber at magkakaconnect connect yun! Its buried 5 feet deep, pero ito lang ang alam namin na daan papunta sa underground chamber." Inasist kami nung dalawang babae na naka lab gown papunta dun sa hidden door na nakaconnect sa chamber, mukha namang amaze na amaze yung dalawa sa hidden door.

"You can leave us!" I said to those girls that was assisting us.

Tahimik kaming naglakad papunta sa confession chamber. And after a few minutes ay nakarating na kami.

"Good eve Nishida sector!" Napakaenergetic na bati sa amin ni Mr. Brix, sya ang head trainor at sya rin ang nag se-set ng mission.

Wala ni isa sa amin ang umimik at nakita ko naman ang pagkadismaya sa mukha ni Mr. Brix.

"Ok! Tutal halata naman na wala kayong balak mag greet back, sasabihin ko na ang mission nyo! So, alam nyo na siguro na classified to dahil halata naman."

He sitted on the sofa na nasa harapan ng isang table na puti ang paanan at gawa sa glass ang ibabaw, may isang maliit na halaman sa ibabaw nun.

"Ito ang una nyong mission ngayong tenth level nyo, at ito rin ang una nyong mission for alliance, at isa pang una! Unang mission sa earth!"

Napalingon kaming lahat kay Dianne at Carol nung marinig namin kay mr. Brix ang salitang earth.

Bigla naman nag sink in sa akin ang sinabi nya. "Alliance?!"

Secret World of Technologized Human(#SS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon