KABANATA 5

34.1K 988 168
                                    

Ally's P.O.V.

Nakasuot ako ng fitted dress habang ang sandals ko ay may four inches ang taas. Taas noo ako ng bumaba ako ng kotse, poker face akong nakatingin sa security guard ng kumpanya namin.

"Good morning po Ma'am." Yumuko pa siya sa'kin, bago niya ako binigyan ng daan para makapasok sa loob ng Kumpanya. Bahagya kong inangat ang kilay ko tanda ng pagtugon sa kanya. Well, alam kong ngayon pa lang nanginginig na ang tuhod ng mga empleyado dahil sa biglaang pagsulpot ko sa kumpanya. Last time kasi na dumalaw ako dito may pinatalsik akong empleyado. Hindi lang isa kung hindi tatlong higad. Psh! Sayang ang katungkulan nila manager at supervisor pa naman sila. Ang ayoko lang kasi ay yung mababalitaan kong nilalandi ang asawa ko. Hindi ako katulad ng ibang asawa na iiyak sa isang tabi. Not me? 

"Where is my husband?" Tanong ko sa secretary ni Frits ng salubingin niya ako.

"N-nasa M-meeting mo Ma'am." Nauutal pa niyang sabi.

Tinaasan ko siya ng kilay. "So, kailangan ko pa ba'ng magpa-schedule sa kanya para makausap ko siya?"

"H-hindi po! S-sandali tatawagan ko po si Sir."

"No need, pupunta na lang ako sa office niya." Inirapan ko muna ang secretary niya bago ako taas noo, na naglakad patungo sa office ni Frits. Umupo ako sa president desk, napangiti ako ng makita ko sa desk niya ang family picture namin ni Frits. Hindi rin nakaligtas sa'kin ang wedding picture naming dalawa. Habang abala ang mga mata ko sa mga nasa loob ng opisina ni Frits. Biglang bumukas ang pintuan niya, nakita ko si Frits, lumapit siya sa'kin at niyakap ako bago dinampian ng halik sa labi. "Wife ko, anong ginagawa mo rito?" Tanong niya sa'kin.

Kinuyapit ko ang dalawang kamay ko sa leeg niya at tinitigan ko siya. "Gusto lang kasi kitang bantayan, may mga higad kasing umaaligid sa'yo." Diretsang sabi ko sa kanya.

Kumunot-noo siya. "Hmm.. ano naman ba ang dahilan ng pagiging maldita mo? Are you jelous?" Marahan pa niyang pinindot ang ilong ko.

"May higad kasing nakapasok sa kumpanya natin." Sumimangot pa ako.

"Si Menona ba ang tinutukoy mo?"

Tumango ako, "Kapag ako nainis diyan, papalibing ko 'yan ng buhay kay Teo."

Ngumiti si Frits. "I'm so happy, dahil hanggang ngayon, baliw na baliw ka pa rin sa'kin, bigla ko tuloy naalala noong college student pa tayo. Ganyan ka rin noon."

Kinurot ko siya sa tagiliran niya. "Ang yabang mo!" Sabay irap ko.

Tumawa siya. "Ang sweet talaga ng wife ko, masyadong selosa. Don't worry wife ko, wala ng kasing ganda, sexy at bait na katulad mo. Wag mo siyang pagselosan, trabaho lang ang dahilan kaya ko siya kinakausap."

"Alam ko naman iyon Husbie ko, sa higad lang na iyon wala akong tiwala."

Hinapit niya ang bewang ko, "Let's go, Honey."

Lumabas kami ng office niya at pumunta sa board room. Pagpasok pa lang namin, sa'min na lahat nakatingin, ngumisi ako ng makita ko si Menona.

"Mr, Santiago, siya ba ang asawa mo?" Tanong ng lalaki.

"Yes, my wife Allyson Santiago."

Tipid akong ngumiti sa lalaki.

"You're so pretty, napaka-swerte naman ng asawa mo." Anito, hindi pa maalis ang tingin niya sa'kin.

"Thank you, nararapat lang panatilihin ko ang aking ganda, lalo na ngayon, maraming babae ang uma-aligid sa asawa ko." Pailalim ko pa'ng tiningnan si Menona, sabay irap ko sa kanya.

"Kung ako naman ang asawa mo, baka hindi na kita palabasin ng bahay." Sagot ng lalaki.

Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Frits sa bewang ko, kaya naman palihim akong napangiti.

"Jelous!" Sa isip-isip ko.

"Sa tingin ko Mr Ylmes, hanggang pangarap na lang ang gusto mo." Tumingin sa'kin si Frits at mabilis akong dinampian ng halik sa labi. "Just because she's one and only."

He shook his head. "Yeah, mukhang nag-iisa lang siya." Tipid na sagot ni Ylmes.

"Husbie ko, pupunta lang ako ng comfort room." Sabi ko.

"Sure, I'll wait for you."

Hinalikan ko si Frits sa labi. Sinadya ko talagang maging sweet sa kanya ng sobra, para malaman ni Menona, kung gaano kami ka-sweet dalawa.

"Hintayin mo ako, pagkatapos pumunta tayo sa favorite restaurant natin."

Sinipat ni Frits ang wrist watch niya. "May meeting pa ako."

"Handa akong maghintay." Sagot ko pa.

"Okay,"

"Okay, bye!" Sabay talikod ko upang magtungo sa comfort room.

Dalawang segundo lang ako sa loob ng cubicle, pagkatapos lumabas na ako para magretouch. Paglabas ko nakita ko si Menona. Nakahalukipkip at nakataas ang kilay. Nakangisi akong lumapit sa kanya at nagkunwaring abala sa pagre-retouch.

"Ang galing mo rin, sinadya mo'ng pumunta ngayon dahil alam mo'ng may Lunch meeting kami ni Frits." Bungad niya sa'kin.

Huminto ako sa ginagawa ko at tiningnan ko siya. "Oh, I'm sareehh." Sinadya ko pa'ng artehan ang boses ko.

"Nagseselos ka ba? O baka naman natatakot kang ma-inlove sa'kin ang asawa mo, kaya kung makapag-gwardiya ka sa kanya, kulang na lang itali mo ang katawan mo sa kanya.

Tumawa ako ng malakas, pagkatapos nag-u-uyam akong tumingin sa kanya.
"You're so Funny, Idiot." Pagkatapos muli kong pinagpatuloy ang pag-aayos ko ng sarili.

"How dare you!" Halata sa boses niya ang pagka-pikon sa'kin.

Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Vice versa, pagkatapos umiling ako. "For your information, hindi ako natatakot na ipagpalit ako ng asawa ko, dahil alam ko namang hindi niya iyon gagawin. Kaya lang kasi may mga desperadang babae na, malandi at kating-kating mabingwit ng malaking Isda. Kaya naman binabantayan ko ang asawa ko, mahirap na baka kung anong gayuma ang gawin, iyon lang naman kasi ang magagawa niya."

"Ako ba ang pinariringgan mo?"

"Ops! Tinamaan ka pala."

"Sabagay, bakit nga hindi ko gawin na agawin ko ang asawa mo. Mukha namang mas bagay kaming dalawa."

Umakyat ang dugo ko ka bumbunan ko dahil sa sinabi niya. "Nakakita ka na ba ng babaing basag ang mukha habang gumapang palabas ng comfort room?"

"Hindi pa, bakit gagawin mo iyon sa'kin?"

"Yes, kung hindi ka titigil sa kalandian mo, hindi lang mukha mo ang basag. Baka pati 'yang paa mo lulumpuhin ko, dare!" Taas kilay kong sagot.

Nakipagtitigan siya sa'kin, palaban siya, ngunit hindi ako magpapatalo sa kanya. Hindi ang katulad niya ang magpapababa ng kilay ko. Bigla siyang umiwas sa'kin ng tingin.

"I think, i'm wasting my time." Pumihit siya patalikod sa'kin. Ngunit bago pa niya mai-hakbang ang paa niya. Hinawakan ko ang braso niya ng mahigpit. Sinalubong ko ang matalim niyang tingin.

"Mark my teritory." Sabi ko.

Ngumisi siya. "Kinakabahan ka ba?"

Gigil na gigil akong pinisil ang braso niya. Napasigaw siya sa sakit, ngunit hindi ko iyon pinansin sa halip pinandilatan ko siya ng mata. "Wag ako!" Sabay tulak ko sa kanya.

"F*uck!" Napamura siya sa galit sa'kin
Una ang pwet kasi siyang bumagsak.

Naglakad ako palabas ng comfort room. "Tandaan mo itong sasabihin ko sa'yo, landiin mo na ang lahat wag lang ang asawa ko, kung ayaw mo'ng makita ang itsura ng impyerno!" Sabay talikod at pakendeng-kendeng na umalis.

MY THIRTEEN YEARS OF BEING MARRIED. (MANEBKC 1-2 SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon