First Day

57 5 1
                                    

"'I lost the part of me that enjoyed being alive.'" He quoted on a status.

Kung pwede ko lang takasan 'tong lahat.

I'm so messed up. I'm fckin' messed up!

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at nagtanong,"Do I deserve this?"

I waited for an answer, and they came crashing down. Binibingi nila ako sa sobrang ingay na ginagawa nila.

"Yes,Your the one who did this in the first place!"

"No, Remember your reason!"

"Maybe,You did ruin his life but he did the same first."

Iminulat ko kagad ang mga mata ko. Masyadong maingay ang utak ko ngayon, kasing ingay na ng mga malalakas na busina ng mga bus at iba't iba pang sasakyan sa kalye dahil sa sobrang traffic.

Kasalukuyan na akong nasa airport. Para takasan na nga ang lahat, at talikuran ang nakaraan.

A pop-rock band blasting from my earphones, shades, floral button down, a pair of jeans and high-heels, a cardigan hanging softly on my free arm.

Hinahatak ko ang maleta kong naglalaman ng mga kailangan ko, mga bagay na hindi ko dapat iwanan tulad ng ginagawa kong paglubay.

"Mi,nasa airport na ako." Agad kong saad nang sagutin niya ang tawag ko.

"Ahh, mabuti. Akala ko malalate ka. Marami bang tao ngayon?" Sagot nang boses na malambing sa kabilang linya.

Ang mommy ko. Ang mommy ko na sa wakas, pinili kong sundin. I know that she knew better-She's been living in this cruel world for more than half my life.

Inobserbahan ko ang paligid ko, "wala naman."

Malamang, sino bang lalayag sa kalagitnaan ng Agosto?

Ikaw, dummy.

"O sige, may trabaho pa ako. Magingat ka dun ah." Pagpapaalam niya.

After all the sht you go through an airport, I was at last waiting for departure.

I'm off to Japan, I'll be handling our business branch there. Pero pumayag lang ako para kalimutan ang lahat.

For a new start, to forget the past, to forget him.

Habang nililibang ko ang sarili ko sa mga drama ko, hindi pwedeng walang maki-epal diba?

"Ehem." Someone cleared his throat, loudly that is.

Absentmindedly, I rolled my eyes.

Una sa lahat, ang dami daming upuan! Bakit dito pa siya sa likod ko uupo?

Pangalawa, epal siya sa cliché-drama-nang-aalis-para-makalimot.

Pangatlo, kilala ko siya.

"Are you stalking me?"

"Ay wow! Ikaw pala yan!" Nakangisi niyang sagot.

Tch. For all I know he's stalking me, alright.

Tinawag na ang mga pasaherong palipad patungong Japan, hindi na ako nagulat nang tumayo rin yung lalaking nasa likod ko.

I glared, he smirks.

Aalis ako para iwan ang nakaraan, pero siguro hindi ka hahayan ng nakaraan na makalimot ng basta basta. Makalimot nang hindi nasasaktan.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon