Second Day

31 3 0
                                    

"Anong problema?" Tanong niya saakin.

Napangisi ako nung mga oras na 'yon. Napansin pa pala 'yon ng isang Inigo Eusebio? Akala ko hindi na niya ako kilala dahil masyado na siyang abala sa pagkilala sa iba.

"Tayo." Madiin kong saad.

Tsk. Bakit ko ba inaalala 'yang Inigo na 'yan?

Natatanaw ko na ang malawak na lupain na napupuno ng mga nagkukumpulang maliliit na bahay.

Hindi ko alam kung bakit, pero simula pagkabata ko hanggang ngayon, nakagawian ko nang tanawin ang senariong iyon tuwing maglalakbay papalayo.

Hindi ko katabi ang "stalker" ko at hindi ko rin alam kung saan siya nakaupo.

Ipinikit ko muna ang mga mata ko, nagbabakasakaling maka-idlip kahit saglit lang.

"Pagpinaiyak ka niya, lagot siya sakin." Madiin niyang saad.

Nakakatuwa lang dahil handa siyang talikuran ang pagkakaibigan nila ni Inigo para sakin.

Nakangiti naman akong sumagot,"I won't cry."

Sabi saakin nang iba kong mga kaibigan, sadyang "pa-tough" daw ako. But I'd like to think I am tough, I am strong, not until I decided to escape all those sht at least.

"Basta. Ang kulit mo talaga." Nakangiti na rin niyang balik saakin. Nakangiting balik sakin ng bestfriend naming pareho ng ex kong si Inigo, si Clyde.

Si Clyde na nakasunod saakin papuntang Japan, ang stalker ko.

Mahaba-haba ata ang inidlip ko, dahil pagdilat ko ng mga mata ko ay tanaw na ang lupain ng Japan sa bintana ko.

Nakarating na ako ng Japan nung bata pa ako, siguro naglalaro sa 4-5 years old ang edad ko nun kaya naman hindi ko masyadong maalala. Isa pa, marami na ring nabago rito kaya hindi ko maiwasang ma-excite sa bagong kapaligirang nagaabang saakin.

"Thank you for traveling with us. Have a good day!" Bati nang pilotong gwapo ang boses.

Napangisi ako sa naisip kong iyon. Gwapo ang boses? Adik.

"Alam kong gwapo ako. Pero wag mo na akong isipin. Nakakatakot 'yang ngisi mo oh." Ngiti-ngiti bati ni Clyde.

"Psh.Wag ka ngang feeler." Natatawa kong sagot sabay irap na dahilan ng pagtatawanan namin.

Aaminin ko, hindi ko kayang magalit sa taong 'to. Irap-irapan ko man 'yan, o away-awayin man, sadyang haggang mapaglarong biro lang iyon.

Pero nakapagtataka talaga kung bakit nandito rin siya.

Sabay naming tinapos ang dapat tapusin sa airport, at nang hatak-hatak na namin ang mga maleta namin, dumaan muna kami sa isang coffee shop.

"May sundo ka ba?" Tanong niya sakin nang makaupo kami.

Tinikman ko muna ang kape ko bago sumagot, "wala, ayoko eh. I'd like to find my own way here in Japan. Ayokong ihahatid-sundo ako, lalo na kung marami ako makikita kung gagamitin ko lang ang mga paa ko. Mas may kwenta 'yon."

Muli kong binawasan ang kape ko, ang tagal ko na rin palang hindi nagkakape.

Bigla naman siyang tumawa kaya napaisip ako kung nasabi ko ba 'yon ng malakas.

"You didn't say your thoughts out loud. Natawa lang talaga ako sa sinabi mo, pati narin sa mukha mo." 'Tas tumawa uli siya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at binalik na tuon sa kape ko.

"Ikaw ba, may sundo ka?" Tanong ko, it'll be rude not to ask him. Alam kong madalas siya dito, malamang kabisado niya na ang Tokyo, pero malay ko ba kung ginusto niya ng sundo diba?

"Nope. Hindi ko pinaalam kay ate na andito ako para wala na akong aabalahing iba." Nakangiti niya sagot.

Bakit ba hindi nalang si Clyde ang una kong nakilala?

"Ahh," nahihiya akong itanong siya, pero gusto kong malaman. "Ano bang meron at naisipan mong pumunta rin ng Japan?"

Napatitig siya sakin ng ilang segundo, tinitingnan niya ako nang deretso sa mata na para bang nababasa niya ako. Hindi ako mapakali at umiwas nalang ng tingin.

"Alam kong gusto mong lumayo," sagot niya matapos ang ilan pang segundo. "Para kalimutan ang lahat, para mapagisa. Naiintindihan ko naman pero, gusto kong siguraduhin na ayos ka lang. Na talagang magiging mas okay ka. At kung nasiguro ko na 'yon, lulubayan rin kita. Hahayaan kitang mapagisa. Kaya hayaan mo na ako, hayaan mo akong tulungan ka, tulungan kang makalaya sa nakaraan mo."

Natikom ang bibig ko, walang lumalabas ni-kahit anong imik sakin.

"Makalaya sa nakaraan mo."

Pano niya ako tutulungan makalaya sa nakaraan kung parte siya ng nakaraang iyon?

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon