>Kyle's POV<
Isang linggo na ang nakakalipas at balik na ulit kami sa dati naming buhay.
Sa bawat practice ko, nandun siya at may dalang DLSR. Sa bawat labasan namin tuwing
klase, mag-iiritan ang mga kaklase ko sa labas ng classroom senyales na nandyan na siya.
Pero may nag-iba kasi ngayon..
"Uuwi ka na?" tanong ni Claire
"Yup! may research paper pa kaya tayo"
"Kyle...", chloe.
Naku ayan na naman po tayo!
"Ay naku Chloe! tigilan mo ko, kung magpapagawa ka na naman ng Research Paper, ayoko
na! okay?"
"uWaaa please!! Please!!" ~(T0T)~
"Bakit hindi ka kaya kay Andrew MO magpagawa" (.--)
Napatingin naman kaming tatlo kay Andrew na agad namula.
"Kyle! yan, eh hindi nga gumagawa yan eh", sabay turo pa niya kay Andrew. T^T
"Sige alis na ko, Bye", lumabas na ako sa main door at hindi na sa back door.
Agad namang lumapit ang lalaking pinapalibutan ng mga kaklase ko kanina.
Nakangiti pa rin siya as usual, ^___^ isang ngiti na kahit sino ay madadala nito.
"Ako na", sabay kuha niya sa bag ko. (^o^)
"Wag na ako na!"
"Let me, okay?"
Tumungo na lang ako.
Sabay kaming umalis sa napakaraming tao sa tapat ng room pero bago yun ay nakarinig ako
nang mga tsismis.
"sila ba?"
"sayang naman!"
"grabeee! :""> ang sweet"
"bagay sila"
Bigla namang nilapit ng gag* ang bibig niya sa tenga ko.
"Bagay daw tayo oh!" (.^^) (--.)
Hinampas ko siya sa balikat niya.
"Ewan ko sa'yo!", naglakad ako ng mabilis.
At narinig ko naman ang tawa niya at tawag niya sa akin.
"Loves, wait lang!" ^()^
Naglakad lang kami pauwi sa bahay ko.
Maraming nagbago, pero hanggang ngayon isang tanong ang hindi ko masagot..
'Pwede bang sabay rin nating i-conquer ang takot mo na masaktan, ang takot mo sa
pagmamahal?'
Ang tanong niya sa Autumn Park na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano at ano ang
isasagot ko.
Akala ko nang una, mag-iiba siya nang hindi ko siya sagutin sa tanong niya noon at nang
pagtaasan ko siya nang boses pero pagkatapos ng araw na yun ay nakita ko siya sa morning
practice namin na nakangiti ng malapad.
Akala ko susuko na siya, pero hindi pa rin pala.
"Loves, date naman ulit tayo?", out of nowhere niyang sinabi.
"ASA ka gag*!"
"Hahaha, sabi ko nga eh" (.^^)'
"Napakamasiyahin mo no?"