>Claire's POV<
Pagkatapos sumigaw ni Kyle, nawalan ulit siya nang malay.
Tinulungan kami ng ibang security sa airport para dalhin siya sa sasakyan namin.
Maayos ang lagay niya, pero nang nagising siya hinanap niya si Ciro pero hindi kami
makapagsalita.
Naiyak na lang siya.
Umuwi na rin siya sa bahay nila nun.
Madalas namin siyang dalawin, isang linggo na nang umalis ang mahal niya.
Hindi kami nagtagumpay para pigilan si Ciro na umalis.
Hindi kami nagtagumpay para ipaglaban ni Kyle ang nararamdaman niya.
Wala kaming pwedeng sisihin, dahil pagdating sa Love minsan kahit sino ang Player, siya pa
ang natatalo.
Kahit sino pa ang ayaw magmahal, siya pa yung mas nasasaktan.
Wala kaming magawa kapag nakikita namin si Kyle na nakatulala pero alam naming pinipilit
niyang maging masaya para ipakita samin.
Isang linggo pa lang ang nakakalipas pero tuwing kasama namin si Kyle, pakiramdam namin
isang buwan na dahil hindi kami sanay na pekeng ngiti ang pinapakita niya.
Si Kuya Nathan ang laging nasa tabi ni Kyle kapag papasok kami ni Chloe, hindi pa rin
napasok si Kyle.
Pero wala naman daw problema kasi nakausap na ni Kuya Nathan si Mam April, yung
principal namin.
>Kyle's POV<
"Little Princess, haist andyan ka na naman ano? Bumaba ka na!", sigaw ni Kuya na nasa 2nd
floor.
Nasa 3rd floor ako, nandito na naman ako sa bubong nang bahay namin.
Pinagmamasdan ang buwan habang iniisip siya.
Mahigit isang buwan na rin pala ang nakalipas.
Ang daming na palang nangyari.
Pero ngayon.. wala na siya.
*sigh*
Bakit ba ako nagkakaganito.
Noon nga hinihiling ko na sana mawala siya pero nitong wala na siya, hinahanap ko naman
siya.
Pinipilit kong ngumiti at maging masaya sa harap ng iba pero iba pa rin kapag nag-iisa na lang
ako.
Bakit sa ibang movie at kwento laging naabutan ng tao yung mahal nila sa airport pero bakit
hindi ganon yung nangyari satin?
Gag*, I miss you.
Bumaba na ako para hindi na ako tawagin ulit ni Kuya.
Minsan nahihiya rin ako kay Kuya na ipakitang nalulungkot ako, kasi alam kong ginawa niya
lahat para samin ni gag* pero pinabayaan ko lang.
Nasa 2nd floor na ko at mag-aayos na ako dahil may practice pa ako at may pasok rin.
Ngayon ako unang papasok, dahil na rin sa masyado daw akong napagod nung mga nakaraang
araw kaya hindi na muna ako pinapasok ni Kuya.