79

2.2K 76 25
                                    

Revelations

Lisa's POV
Narinig ko na may kumatok sa pintuan, alam kong si Kookie yun. Hinayaan ko siyang pumasok, "Baby?" Umupo siya sa tabi ko.

"Please baby, maniwala ka naman. Wag mo siyang intindihin, wala naman na talaga eh promise." Sabi niya, tinignan ko ng mabuti ang mga mata niya.

Hindi ko alam kung maniniwala ako, pero "Jungkook, please. Sana ako lang, sana ako nalang." Inakap ko siya kaagad. Please jungkook, sabihin mong ako lang.

"Ikaw lang naman talaga Lisa eh, ikaw lang." Sabi niya na nagpagaan sa nararamdaman ko. Naramdaman kong mas lalong humigpit ang yakap niya.

"At dahil diyan, arm wrestling?" Aya niya, tumango ako at sinimulan na namin. Hinayaan niya na akong manalo.

Narinig namin ang pagbukas ng pinto, si Jin oppa pala. "Oh Jin hyung" Sabi ni Jungkook.

"Kookie, pwede ka ba makausap saglit?" Tumingin naman si Jungkook sakin at tumango ako.Sumabay na akong lumabas para makipag usap kila unnie.

Jungkook's POV
"Ano yun Jin hyung?" Pumasok kami sa kwarto ni Jin hyung.

"Malapit na matapos ang kontrata ah, nakakalungkot.." Sabi ni Jin hyung habang nakangisi saakin, alam kong sarcastic yon.

"Malapit na matapos ang kontrata pero kami hindi matatapos." Napa 'hah' siya ng malakas,

"See? Eto ang sinasabi ko sa'yo Jungkook. Pagsisihan mo." Napatingin ako sakanya. "Alam ko hyung at sising sisi na ako, gusto ko 'tong maayos. Gusto ko patuloy pa din kami matapos ang kontrata."

"Pero, ang napagusapan? Hindi ka ata marunong tumupad Jungkook." Napailing ako.

"Jin hyung, pwede bang wag na ituloy? Nagbabago na ako, mahal ko na siya." Napailing siya.

"Hindi Jungkook, ginagamit mo siya." Umiling ulit ako.

"Hindi hyung. Iba ang napagusapan hindi ba?"

"Oo, at ang napagusapan ay sakin siya pagkatapos ng kontrata. Ginagamit mo siya di'ba? Gusto mo maka move on at pumayag ka na gamitin siya para makalimot! Binigyan ka namin ng choice nung una, mamahalin mo o gagamitin mo. Pero anong pinili mo? Gagamitin hindi ba! At alalang alala namin ang sinabi mo, hindi mo pagsisihan at hindi mo mamahalin pero tumiklop ka Jungkook. Hindi ka marunong sumunod. Ngayon, kung ako sa'yo enjoyin mo na ang natitira niyong araw dahil malapit na Jungkook, malapit na siyang mawala sayo."

Hindi ko alam kung anong sasabihin, gulong-gulo ako at umiiyak.

"J-jin h-hyung... p-please.." Sabi ko at hinawakan ang mga braso niya.

"No Jungkook, ang napagusapan ay napagusapan. "

Lisa, please stay.

---------------------------------------
Lisa's POV
Naguusap kami nila Unnie nang lumabas si Jin hyung mula sa kwarto nang nakangiti. Ngumiti din ako.

"Jin oppa! Nasan si Kookie? anong ginagawa niya sa loob?" Tanong ko.

"Hindi ko alam Lisa eh, pero gusto niya daw muna magpahinga." Tumango at at iniwan muna sila unnie para kumuha ng gamot para kay Kookie.

Kumatok ako ng kwarto at narinig ko ang pagsabi ni Jungkook na, "Sino yan?" "Si Lisa to Jungkook!" Sigaw ko.

"Baby wait lang." Mahinahon niyang sabi at inantay ko siya. Medyo matagal bago niya buksan, "Ano ba ginagawa mo?" Tanong ko. "Nakahubad ako baby, gusto mo ba pumasok?" Narinig ko naman yung tawa niyang pang asar.

"Ayoko nga! Mamaya ano pa gawin mo, magbihis ka na!" Sabi ko.

"Haha! Pasok na baby, ready na ako, HAHAHAHA" Nangasar pa talaga ang mokong.

"Grrr! Bahala ka na!" Bigla niyang binuksan ang pinto at inakap ako, "Joke lang baby." Pumasok naman na kami ng kwarto pero napansin ko na parang maluha yung mata niya.

"Jungkook, umiyak ka ba?" Sabi ko at pinunasan ang mga mata niya. "Hindi po, naghilamos kasi ako." Tumango ako at tinignan siya ng mabuti sakanya mata, tinataas niya lang ang mga kilay niya.

"Baby, bukas pupunta ulit tayo sa theme park, naalala mo ba dati na takot pa tayong lumabas doon?" Tumango ako at ngumiti habang nakasandal sakanya.

"Oo baby, tinataboy mo pa ako noon. Pero yun ang unang picture natin dalawa diba? Doon yun." Tumawa siya. "Hays, picture ulit tayo bukas ha?" Sabi niya at tumango ako.

Napatahimik kami, gusto ko yung ganto kami. Gusto kong palaging nasa bisig niya at laging nasa tabi niya, pakiramdam ko safe ako at walang ibang hahadlang sa pagiibigan namin. Kaming dalawa lang.

"Baby." Tawag niya saakin, "I love you." Napangiti ako. "I love you too." We stayed like this for a while, hinahawi niya ang buhok ko.

May kumatok bigla sa pinto at tumayo ako para buksan iyon, "Yes unnie?" Tanong ko kay Rose unnie. "Manonood kami movie, baka gusto niyo sumama?" Alok niya.

Tumingin ako kay Jk na pingalalaruan ang kamay niya habang nakahiga, cute.

"Tanungin ko lang po si Kookie." Lumapit ako para tanungin siya. "Kookie gusto mo ba sumama tayo sakanila manood ng movie?" Tanong ko.

"Hmm sige, tabi ka sakin ha?" Kinilig naman ako sa sinabi niya, tumango ako at lumabas.

----------------------------
what can you say about this chap guyseu? hehehe

thanks for reading and waiting!

Jeon Jungkook ⌕ liskookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon