magsisimula ako sa dulo, sa pagtatapos ng ating kwento.
sa mga bagay na akin nang nakasanayan, sa pag iwan sa lahat ng
ala-alang nabuo ng di naman natin pnagplanuhan. sa pagpapaalam
kase wala kana... diko man lang namalayan.
mahal...ang sakit!, kase nasanay na ako na siguradong mahal mo ako,
nasanay ako na merong, "ikaw at ako". nasanay akong merong
tayo.
naalala ko noon, araw-araw hindi maalis ang ngiti sa aking labi.
ang ala-ala mo'y nagdudulot sa puso ko ng kiliti.
at ikaw... ikaw ang laman ng maraming masasayang kwento ko lagi.
noon, mensahe mo ang nagsisilbing magandang simula ng araw ko
noon, nakakatulog ako sa lambing ng boses mo mula sa kabilang
linya ng telepono.
noon, isa, dalawa, o tatlong oras palang ang lumipas nangungulila
na tayo sa kulitan nating dalawa.
noon, natatapos ang araw na kontento na tayo sa isa't isa
naalala mo ba?...kung paano tayo noon?, sana oo.
kahit ibang iba na ngayon.
ngayon, araw araw di ako makangiti kasi naaalala kita lagi.
pag naalala kita, iba yung sakit dito, damang-dama!
ngayon gumigising ako na mugto ang mata
at lungkot ang mensahe na dulot ng bawat umagang
wala ka.
ngayon patutulugin nalang ako ng mga pigil kong hikbi
habang nakaabang sa teleponong nasa aking tabi.
ngayon, isa, dalawa, o tatlong buwan na ata, diko na maalala
kung kailan naghiwalay tayong dalawa.
ngayon nauubos ang magahapon ko, ng ako nalang, wala kana.
gusto ko magtanong kung "bakit?"
gusto kong malaman kung nakaramdam ka man lang din ba ng sakit.
pero alam mo ba, higit sa mga yan, gusto kong ibalik parin ang noon.
at sana meron pa tayong isa pang pagkakataon.
masakit! sinasabi ko sayo kasi baka di mo alam yung pakiramdam.
kaso ilang araw buwan o taon pa man siguro ang dumaan, hindi mo
na malalaman.
kaya muli nalang akong mag-uumpisa, at sa dulo ako magsisimula.
kahit masakit pipiitin kong mag-umpisa.
iiwan na ang ala-ala tungkol sa ating dalawa.
lilimutin ang lahat ng bagay na pinagsaluhan.
maging yung araw ng iyong paglisan.
hanggang maging malaya na pala ako, ng diko namamalayan.