(ang selfie niyo)
Paano nga ba ihanapan
Ng salitang makata
Itong mga nakulong na masasayang alaala?
Mga ngiti,
Kinang ng mga mata
At ganda ng lugar kung san nilaro ang kamera
Sa mga pagkakataon na dapat di mapalampas
Para kailanma’y di kukupas
Nang sa ganun ay sasariwain sa alaala.
Napakasaya pala…
Di ko namamalayan
Ako’y napapangiti sa kawalan
Napapaluha sa katotohanan
Dahil hindi ako ang kasama mo
Sa masasayang alaala na ‘to
Tama nga ang kanta
“na ang litrato ay magpipinta ng libong salita”
Ngunit heto lang ang nasulat ko
Nung makita ko mga napakaraming litrato niyo
Kasabay ng malungkot na kanta.