Chapter 1
PRINCE KYLE’S POV
Elliora Kingdom
Ilang buwan na rin ang nakalipas mula ng nangyari YUN. Ang pangyayaring hindi inaasahan ng lahat, ang pangyayaring ako mismo ang nagsimula, at ang nagdulot ng masasamang pangyayari sa mga tao sa paligid ko.
Natigil ang pagmumuni muni ko ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
“Sino yan?”
“Ako po si Matilda, isa sa mga katulong dito sa palasyo.”
“Anong kailangan mo?”
“Mahal na Prinsipe, kayo po ay ipinapatawag ng Mahal na Hari sa Throne Room ngayon na dahil may mahalaga daw po siyang sasabihin sa inyo.”
“Sige, Makakaalis ka na.”
Ito na siguro yun. Papatawan na siguro nila ako ng nararapat na parusa para sa kasalanang nagawa ko. Pero kahit ano man ang parusang ipapataw nila sakin ay tatanggapin ko…
.
.
.
kahit pa kamatayan, kung sa ganong paraan lang gagaan ang loob nila. Kahit na hindi nila ako mapatawad…
Ng dahil sa akin maraming tao ang nagbuwis ng buhay sa kamalian ko.
Habang naglalakad ako papuntang throne room, ay bigla kong naalala ang mga nangyari noong araw nayon.
~FLASHBACK
“Tulungan niyo ako!! Tulong!!!” sabi ng isang lalaking wala na ang kalahati ng katawan habang umiiyak at sumusuka ng dugo.
“Maawa na kayo sa amin! Tulong!”
“Ano bang nagawa namin sa inyo!? Waah! Tulong! Tulong!”
“Tulong! Tulong! Mahal na Prinsipe! Bakit?! Bakit niyo nagawa ito?! Blurgh~”(hindi po yan dighal, sound po yan ng dugo) at tumalsik na ang sariwang dugo mula sa katawan niyang winasak ng isa sa mga Byrons. Ang mga Byrons ay isa sa mga pinakakinatatakutang nilalang sa Elliora, ang mga Dark Beast. Mga nilalang sila na walang sinusunod na kahit na sino maliban sa kanilang pinuno. Kinakain at winawasak nila ang kahit ano, at walang sinasanto na kahit na sino. Nagkalat pa ang iba’t-bang uri ng Dark Beasts. Pero wala kahit isa ang lumalapit sakin para pagtangkaan akong kalabanin at patayin.
“Ang anak ko! Mahal na prinsipe kahit ang anak ko lang! Iligtas niyo ang anak ko! Waah” sigaw ng isang babae malapit sa akin sa bandang kaliwa. Hindi ko alam anggagawin ko, pero nanaig ang kagutuhan kong iligtas sila, ngunit nang gagalaw na sana ako ay bigla nalang silang sumabog at nagtalsikan ang kanilang mga laman.
BINABASA MO ANG
The Magical Perfume ♥
HumorA story about a magical prince to whom was bestowed a mission by his father, the king of all magical creatures. A mission to find the girl who has the mythical, powerful, and magical perfume that the ancestors of the girl passed on to her. According...