Chapter 2
Kyle’s POV
Human World
“Wow Ky, anyare sayo? Inatake ka na naman ng katangahan?” tanong ni Brix sakin. Aba hayop na ‘to. Ansarap hambalusin.
“Tangna mo! Porket nakatulala natatanga agad? Di pedeng may iniisip lang? Sayo lang gumagana yung ganon Brix. tss”
“Ang hard mo naman pare! Walang ganyanan, nahuhurt ako.” Tapos sabay hawak pa sa dibdib niya na parang ewan. Tss Bahala siya sa buhay niya.
Nandito kami ngayon sa Starbucks ni Brix. Mamimili daw kami ng gamit sa school sabi ni Edward. Pero more like siya lang yung bumibili. Gala gala lang kami nitong si Brix.
Pagkagaling namin sa Starbucks pumunta kami sa SM para puntahan si Edward na namimili ng gamit namin. Pagkapasok namin sa SM, may nakabanggang babae sakin kaya natapon yung hawak kong scoopery sa damit ni Brix.
“Pft. Mukha mo Brix. :D” Oo saying yung ice cream pero grabe laugh trip si Brix, nalagyan din kasi yung mukha niya kaya ayun nanlalagkit. Pantanga lang siya dun, pinipigilan ko lang yung tawa ko kasi nasa harap pa namin yung babae. May kasama pala siya, pero whatever na yun kasama niya, yung nakabangga sakin meron siyang contact lenses na black at whitish-blonde na buhok. Ini-scan ko yung mata niya habang nagsosorry siya samin, ililibre niya daw kami at dahil gutom pa ako umoo ako. Nagulat ako nang malaman ko ang original eye color niya. Hulaan niyo. Sige na. Kaya niyo yan. Joke lang -_-.
“Violet.” Bigla kong nasabi. Nagulat nalang yung babaeng nagsosorry samin. Pero nakabawi din siya agad.
“Ako nga pala si Steffie Kirk, at ito naman si Shane Seville.” Pakilala niya samin.
“Ahm. Ako si Kyle Adelheid at siya naman si Brix Andrews.” Pakilala ko samin. Kahit nman puro mura nalang ako hindi naman ako ganun ka-rude.
Kumain na kami at nagpaalam na sa kanila dahil na din kay Edward. Kanina pa yun naghihintay samin. Pagkakita namin kay Edward, pumunta na kami sa kotse tapos dumiretso sa lugar na walang tao meaning pagubat. Dun tumigil kami at tineleport yung sasakyan pauwi sa mansion namin. Sabi ni Edward, imposible daw na marating ng ordinaryong tao ang mansion na yun kung hindi magteteleport. Yun kasing entrance na nasa subdivision, kung dun kami papasok hinding hindi mararating ang mansion kundi mapupunta sa walang hanggang maze. May barrier daw kasi pero meron naman daw paraan para doon dumaan kapag papasok na kami. Pero dahil hindi ako affected ng barrier kay Brix nalang niya kailangang i-explain. Ang galing ko kasi.grin ^^
“Huy Ky! Ano yung sinasabi mong violet kanina? Bakit parang nagulat don si Steffie?”
“So napansin mo pala yung pagkagulat niya, yung katabi niya kasi hindi man lang yun namalayan. Hindi ka naman pala ganun katanga.heh.”
BINABASA MO ANG
The Magical Perfume ♥
HumorA story about a magical prince to whom was bestowed a mission by his father, the king of all magical creatures. A mission to find the girl who has the mythical, powerful, and magical perfume that the ancestors of the girl passed on to her. According...