12. catching feelings

2K 69 0
                                    

"Guys, si Christian...kababata ko"

sabi ni Karylle sa harap ng crew. si Jose naman umaaktong walang pakialam kahit ang totoo'y pigil na pigil siya dahil gusto na niyang sipain si Christian.

habang nakikipagusap sila Vhong at Archie kila K at Christian, nakahiga lang si Jose sa kwarto at parang wala sa mood.

napansin naman ni K na parang nawawala si Jose.

"Vhong nasa'n si Jose?"

"Yie hinahanap ni K"

"Sira! Parang ang payapa kasi"

"Woo haha ang alam ko nasa kwarto niyo"

"Ah sige wait lang ha"

sabi ni Karylle at dumiretsyo na rin sa kwarto nila. naisipan naman ni Archie, Vhong at pati na rin ssi Christian na lumapit sa kwarto at makinig sa usapan ng dalawa sa loob.

"Okay ka lang?"

tanong ni K kay Jose na nakatalukbong sa kumot.

hindi sumagot si Jose kaya naman naisipan ni K na tabihan siya. umupo siya sa tabi nito.

"Huy Jose"

hinila naman ni K ang kumot. medyo nagpanic si Jose kaya nagtulog-tulugan.

sumimangot naman si K nang nakitang tulog si Jose. at dahil may pagka ewan din si K, pinindot pindot niya ang ilong ni Jose at patuloy pa ring kinakausap 'to.

"Sabi mo sa'kin lahat ng mangyayari dito, parte ng pinagkasunduan natin"

"Pero magkaibigan pa rin tayo ha"

"Kasi kahit na asungot ka, nakaka badvibes at napaka solid magmura—

tumigil sa pagpipindot ng ilong si Karylle at pinisil ng slight ang pisngi ni Jose sabay sabing,

—masaya kang kasama at alam kong talented ka"

nagulat naman si K nang biglang ngumiti si Jose at dumilat.

"Really?"

"Lang'ya ka! Gising ka pala"

sabi ni K sabay sabunot kay Jose.

"Aray naman kurba!"

napatigil si K.

"Ku--kurba?"

"Ulet-ulet?"

"Sa'n galing 'yun?"

"Nothing, I just thought na tawagin kitang ganu'n para makilala mo agad kung sinong tumawag sa'yo"

"Kilala ko naman boses mo ah"

"Malay mo"

"Grabe ka 'di ka namamansin kanina pa"

"E ikaw e"

"Oh tapos isisisi mo sa'kin? Sira ulo kang tangkad ka"

"Pwedeng pogi na lang tawag mo sa'kin?"

"Ayaw, 'di bagay sa'yo"

nawala naman ang ngiti ni Viceral at nagtalukbong nanaman.

"Joke lang, ikaw naman"

sabi ni K na pilit hinihila ang kumot.

"Uy Jose joke lang sorry na"

'di pa rin umiimik si Jose.

"Po--pogi"

sabi ni K na nag-aalanganin. ngumiti naman si Jose pero 'di pa rin tinatanggal ang kumot.

isang apat ● vicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon