Hello Beshfreen!! Dedicated to sayo. :D
-----
*The Wish*
"Huhu, friend. Nakakaiyak talaga. Ohemgee!!! TToTT" Iyak ni Francine at agad yumakap kay Aloha.
"Ano ba Francis!! Wag ka ngang yumakap sakin. Mandiri ka!!" Sabi ni Aloha at sinusubukang tanggalin ang mahigpit na yakap ni Francine sa kanya. Umiiwas din siya sa tumutulong uhog nito.
"Wag ka ngang malikot Aloha. Kita mong nagda-drama ang sister mo eh."
Kung titingnan lang ay parang matagal na magkaibigan lang si Francine at Aloha. Pero hindi, dating magnobyo si Francine at Aloha. At akalain mo na ang dating Francis na tinatawag si Aloha na prinsesa noon ay isa na ring prinsesa ngayon sa pangalang Francine?
"Yaks Francis, ano ba kasi yang binabasa mo at tulo ng tulo uhog mo diyan?" Tanong ni Aloha sa kaibigan niya na trying hard sa pagda-drama.
"Anong uhog? Hambalusin kita ng pempem ni Pipay eh. Ano, yung Talk Back and Your'e Dead. Eh, nakakaiyak. Nabulag ang lalaki. TToTT Ansakit sister." At nagpatuloy na naman ang OA na pag-iyak ni Francine.
(ps. Pipay sa Diary ng hindi malandi, slight lang by owwSic at TBYD ni Alesana_Marie)
"Nabulag lang pala eh, di namatay. Wag kang OA." Sinapak ni Aloha si Francine at napasigaw din sa sakit ang bakla.
"Hoy ikaw baeklu ka, okay na saakin na tinatawag mo kong Francis dahil na din sa nakaraaan natin pero wag mo akong masapak-sapak at baka di ako makapagtimpi." Halos masuka si Aloha sa sinasabing nakaraan ni Francine. Di niya malubos ng isip na minsan ay hinalikan niya ito at nagka-holding hands pa sila. Masakit man aminin, pero pareho na ang hinahanap nila, mga papa.
"Magtimpi saan?" Tanong ni Aloha.
"Baka mahalikan kita." Halos lumuwa ang mga mata ni Aloha sa sagot ni Francine. Nandidiri siya ng sobra kahit iniisip niya pa lang yun.
"Hoy FRANCIS MARIANO RODRIGO DELA CRUZ, mandiri ka sa sinasabi mo." Sigaw niya dito.
"Pwede lang din naman Aloha." Biglang namanhid si Aloha. Ginagamit ng bakla ang dating boses nito. Nakakahiyang aminin pero ang boses na yun ang nagpa-inlab sa kanya.
"H-ho-hoy Fracis. Ti-tigil-tigilan mo ko." Humakbang palayo si Aloha. Natatakot din siya, kahit bakla na to ay di natin alam na may lihim pa rin tong pagnanasa sa kanya.
"Seryoso ako Aloha." Nagtindigan na ang mga balahibo ni Aloha. Ang boses na yan!!
Backward
Forward
Backward
Forward
Hanggang wala nang maatrasan si Aloha. Nanginginig na ang tuhod niya.
"Francine..." Sa kauna-unahang pagkakataon ay binigkas niya ang pangalan ng bakla. "Pwede pa nating pag-usapan to."
"Mahal pa rin kita Aloha." Halos mabingi si Aloha sa narinig. S-seryoso?
"AHAHAHAHAHAHA!! Priceless Aloha. Sobrang priceless. Mukha mo parang nakakita ng multo. Ahahahahaha. Di ko makakalimutan mukha mo, sobrang priceless talaga-- Arouch!! Aloha naman eh." Di na siya nakapagtimpi pa at nasapak niya ang bakla. Halos manginig na ang buong kalamnan niya tapos gino-goodtime lang pala siya nito?
"Leche kang bakla ka!! Layas!! Lumayas ka!!" Pinagtutulukan niya ang bakla palabas ng kwarto.
"Hoy sister, bahay ko to!! Tapos papalayasin mo ko? Anong kagagahan yan?" Napahiya naman siya ng konti. Di naman pala niya bahay to.
"At isa pa sister, first time mo kong tawaging Francine. Mai-report nga sa history." Yah, first time yun. Ayaw niya kasing tawaging Francine ito kahit ipagduldulan nito sa kanya. Masakit aminin pero di pa rin niya tanggap ang pagiging bakla nito. *Sino ba kasing walangyang lalaking nang-akit nito kay Francine at naging baekla ito? Lechugas lang, sarap niyang katayin.*
"Oh sige na, sige na. Pero wala nang second time yun Francis." Sabi ni Aloha.
"Ehhhh... :3" At dahil na din sa kasabihang hindi ka isang Wattpad character kung hindi ka marunong magpout kaya nagpakitang gilas si Francine na magaling siyang ngumuso.
(ps. credits to simplychummy sa kasabihan.)
"Wag ka ngang ngumuso Francis. Nakakadiri." Saway ni Aloha sa nakangusong bakla.
"Sabihin mo na lang Aloha na kapag ngumunguso ako ay naaalala mo ang first kiss natin." Natameme si Aloha. Tama kasi ang iniisip ng bakla.
"Che. Teka nga Francis, ano ang gusto mo sa babae?" Pag-iiba ng topic ni Aloha.
"LALAKI. Leche ka, di ako pumapatol ng kauri ko loka. Uhm, gusto ko yung HOT, MACHO, SIX PACKED, GWAPO, MAYAMAN, MATANGKAD, MAPUTI, at yung may pagka BADBOY." Sagot ng bakla na kulang na lang ay maging hugis puso ang mata.
"Ahh..."
"Wait bakla. May shooting star. Wish tayo bilis." Sabi ni Francine at agad hinila si Aloha para mag-wish. Kahit parang tanga ay humiling pa rin siya.
"Sana bigyan ako ng isang boyfriend na HOT, MACHO, SIX PACKED, GWAPO, MAYAMAN, MATANGKAD, MAPUTI, at yung may pagka BADBOY." Sinunod ni Aloha ang lahat ng decription na binigay ni Francine.
Magkakatotoo kaya?
Sana...
Para makalimutan ko na tong nararamdaman ko sa baklang to...
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Thanks for reading. :)
How was my story?
BINABASA MO ANG
My Five-Month Deal With A Nerd
Teen FictionSi Aloha Macabiog ay isang babaeng di pa rin maka'get over sa ex niyang naging beki. At bilang concerned citizens ang kanyang Mama at mga kapatid ay ipinagkasundo siya sa isang lalaking brokenearted din.For five months ay dapat magtulungan sila sa i...