Chapter 1.2 : The Day After Yesterday

159 25 14
                                    

Hello Ate!!!! Dedicated to sayo!! Lub you from the very bottom of my atay!! :D

-----

*The Day After Yesterday*

"Hoy!!" Yinuyugyog ni Francine si Aloha. Parang nanaginip ang babae dahil nagsasalita ito.

"Babe, I'm ready." Ika nito. Kumuha si Francine ng damit na kulay puti at itinali sa ulo niya. Kumuha din siya ng isa pang damit at pinaghahampas si Aloha.

"Lumayas ka!! Layas!! Lumayas ka sa katawan ng kaibigan ko!!! Lumayas kang demonyo ka!!!! Layas!!!!!!" Buong pwersang pinaghahampas ni Francine si Aloha at pinapalayas daw ang 'demonyo'.

Hindi pa rin nagigising si Aloha na sa paningin ni Francine ay hindi pa daw lumalayas ang 'demonyo'. Ngumuso si Aloha.

"Ay ang landi ng babaeng to, pati demonyo hahalikan." Ika ni Francine.

"Francis..." Napatingin si Francine sa nagsasalitang Aloha. "Kiss me Francis." Lumuwa ang mga mata ni Francine. Dinaig pa niya ang mga merong goiter sa laki ng mata niya.

"Francis...." Tawag ulit ni Aloha.

"Wait lang baeklu." Sabi ni Francine. Dali-dali siyang pumunta sa sala at kinuha ang alaga niyang aso.

"You will enjoy this dear." Sabi ni Francine at linapit ang mukha ng aso. Kulang na lang mapunit ang mukha niya sa lapad ng ngiti niya. Di naman niya talaga ihahalik ang aso. Di pa naman siya ganun ka demonita. 

"FRANCIS!!" Biglang sigaw ni Aloha at napabalikwas siya ng bangon. Uh-oh...

0__0

"FRANCIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIS!!!!!!!!!!!!!!!!!" 

L A T E R

"Girl, sorry." Kanina pa sorry ng sorry si Francine pero di pa rin siya pinapansin ni Aloha.

"Girl, sorr---"

"---Cut the crap Francis. Ano bang pumasok sa walang lamang kukote mo na ihalik sa akin ang asong yun?" Singhal ni Aloha kay Francine.

"Ehhh. Okay ka na naman siguro. Naubos mo na ang toothpaste ko tapos yung baby wipes at pati na yung alcoho---"

"Oo, ubos na. Pero kulang pa yun dahil sa germs ng malandi mong aso." Sabi ni Aloha.

"Hoy, hindi malandi ang aso ko." 

"Eh bakit mo ba inihalik yun sa akin?" Tanong ni Aloha.

"Hiningi mo kaya." Pagtatanggol ng bakla para sa kapakanan ng kanyang aso. Ayaw niyang maduhisan ito ng kahit anong pagkakahiya.

"Anong hiningi ko? Hindi pa ako baliw Francis para hingiin ang isang halik ng aso. Mas hihingiin ko pa ang isang halik ng bakla kesa sa aso." Sigaw ni Aloha kay Francine.

"Yun na nga eh. Halik ko hinihingi mo. Di pa din ako baliw para ibigay yun sayo. Mas hihingiin ko pa ang isang halik ng tomboy kesa sayo." Natameme naman si Aloha. Naalala niya, nanaginip nga siyang nag'kiss sila ni Francis.

"Ah ewan ko sayo Francis. Salamat pala sa sleepover ha. Uwi muna ako." Pamamaalam ni Aloha at dali-dali nang umalis para pagtakpan ang kahihiyan. 

"Ingat ka sister." 

Napabuntong-hininga na lang si Aloha. Sariwa pa rin sa kanya nung nanliligaw pa si Francis at nung naging sila. Pero eto, wala na sila at mas malinaw pa sa sun na bakla na ang dating nobyo. Pero siya, nanaginip pa na sila pa rin. Isang malaking katotohanan ang hinding-hindi niya matatakasan, PAREHO NA ANG HINAHANAP NILA. Kung siya ay yinayakap nito noon at tinatawag na prinsesa, ngayon ay iba na ang yinayakap nito at siya na ang tinatawag na prinsesa. Ay mali, dyosa pala. Sayang lang talaga si Francis dahil gwapo ito. Kung iisipin pa nga, pasang-pasa ito sa mga binigay niyang description kung ang gusto niya sa lalaki. Kung di nga lang ito...

"Wui, may bago kaming kapitbahay." Sabi ni Aloha at habang nanonood sa mga tao na ilagay ang mga malalaking packages sa isang bahay. 

"Ay, ipis." Nagtatalon-talon si Aloha nung may biglang may nagsabi na may ipis.

"Saan? Saan?" 

"Diyan sa buhok mo." Agad-agad na kinapa ni Aloha ang buhok niya at pilit na inaalis 'daw' ang ipis.

"Ay bumaba sa t-shirt mo."

"Meron na sa paa mo." 

"Pumunta sa salawal mo." 

Biglang napahinto si Aloha. Salawal?

"Tae ka kuya!!!  Leshe ka!! Lumayas ka nga sa paningin ko!!!" Pinaghahampas niya ang kuya niya na nasa likod niya.

"Oo na!! Oo na bunsoy!! Sino ba tinitingnan mo diyan?" Tanong ng kuya niya at naki'usisa din.

"Baka ang pader kuya." Sarkastikong sagot niya.

"Ano ba meron sa pader?" Painosenteng tanong nito.

"Ewan ko sayo Kuya. Umuwi na nga tayo." Sabi niya at hinila na ang kuya niya pauwi.

My Five-Month Deal With A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon