This story is published subject to the condition that it shall not be reproduced or retransmitted in a whole or in part, in any manner, without the written consent of the copyright holder, and any infringement of this is a violation of the copyright law. Any resemblance of place, name and events are purely coincidental. Plagiarism is a crime!
Her Princess Charming (One-Shot)
©LadyLeyni | Wattpad, 2017.
ALL RIGHTS RESERVED.
__________Alessia's POV.
Nakita kong papalapit sa akin ang isang lalaking tila anghel sa sobrang amo ng mukha. Sino ba siya?
"Aly..." nakangiti siya nang malawak nang malapit na siya sa akin ay napansin kong pamilyar ang kaniyang mukha.
Nakalahad ang kaniyang mga palad sa aking harapan. Napansin kong nakabihis pala ako ng mahabang bestida at siya naman ay naka-coat at tie. Anong meron? Magdedebut ba ako? May prom? Wow, di ako nainform.
Ngumiti ako pabalik, inaabot ang aking kanang kamay sa kaniya. Magtatagpo na ang aming palad ngunit—
"Alessia!!! Alas siyete y media na't nakahilata ka pa din diyan!" Napabangon naman ako nang nakadilat at shookt pa din sa realidad nang gisingin ako ng Mama ko na may hawak pang sandok ng kanin. "Ano, puyat ka na naman? Kaka-KPop KPop mo yan. Mag-ayos ka na."
"5 minutes ma! Maaga pa." Akma nang babalik ako sa paghiga ngunit naudlot dahil sa kasunod na sinabi ni Mama.
"Babangon ka o wala kang baon ng isang buwan? Mamaya mapapunta na naman ako ng titser mo sa school mo—"
"Oo na nga, Ma! Triggered ka masiyado e. Haha!" Sabi ko naman at bumangon na sa pagkakahiga para 'di na mabeastmode si Mama.
Tinatamad akong pumasok. 8:00 AM ang pasok at 7:30 na. Pero wag kayo, talent ko kaya na maghanda ng 20 minutes at pumasok sa school ng 1 minute early! Nyahaha.
Natapos na 'kong maligo within 5 minutes, oha, kaya niyo ba yun? Nagbihis na ako ng uniform naming simple na nagiging fabulous dahil sa kagandahan ko—chos! Hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok ko.
Nagpaalam na ako kay Mama na aalis na ako at papasok na sa school. 7:50 na, walking distance lang naman ang school na nagiging running distance, dahil sa sapat lang ang oras ko para maging one minute early before the time.
Nag-jeep na lang ako kahit halos half kilometer lang naman ang layo ng school.
"Bayad po!" Inilahad ko ang aking kamay upang iabot ang bayad sa driver at buti naman, iniabot din ng mga katabi kong pasahero.
Naalala kong hindi nga pala ako nakapag-almusal dahil sa sobrang pagmamadali, kaya napansin ko yung babaeng kumakain ng burger at fries na galing pa sa McDonalds. Ay pak! Nakakagutom tuloy. Huhuhu.
Tinititigan ko ang burger at fries na hawak niya, malay mo mabusog ako sa kakatitig. Malay mo lang naman.
Nasa tapat na ng main gate ang school kaya kailangan ko nang bumaba.
"Pakagat po!" Sigaw ko para itigil ng driver ang jeep, ngunit tinitigan lang ako ng mga pasahero, lalo na yung kumakain ng burger at fries.
BINABASA MO ANG
Her Princess Charming (One-Shot)
Novela JuvenilMark Mendes-isang lalaking pinapangarap ng lahat dahil bukod sa gwapo, biniyayaan ng talento at talino. Perfect. Full package. Dream guy-wait, guy nga ba siya? What if he's a gay? Will Alessia still take the risk to be the first woman treated as a...