Prologue
Newyork
Napakalamig na simoy ng hangin ang agad na bumalot sa katawan ko pagkalabas ko ng Teresa ng bahay. Nagtindigan ang aking mga balahibo kaya't napahawak ako sa magkabilang braso ko. Buwan pa ng Pebrero dito kaya malamig pa rin ang klima dito sa New york. The winter starts just after the new year and last until late March or early April.
Tinanaw ko ang mga gusaling nagtatayuan sa malayo.. Napakaganda sa paningin sapagkat ngayo'y gabi na. Mga ilaw ng mga gusali na akala mo ay mga alitaptap sa malayuan. Tumingin ako sa kalangitan. Tumingin ako sa mapayapang langit na nilulunod ng mga butuing nag-aagaw sa atensyon ng bilog ng buwan.
"A year changes you a lot."
Nilingon ko ang kung sino man ang nagsalita.
"I was been suffering from severe depression. What do you expect Mom." ani ko
"He's a toxic to you Honey" Ani Mom.
"Chill. Tapos na iyon Mom..." Ani ko "Nga pala Mom, I have an appointment with Miss Castro. Magpa padesign siya ng gown ng anak niyang magde debut. Alas nuebe ung usapan namin "
"Tamang tama at ung isang kuya mo ay may pupuntahan din bukas, magpasama ka nalang bukas sakanya" ani Mom
"Sige po"
Hindi naman na siya nagsalita at pumasok ulit sa loob ng bahay. Nilingon ko at tinanaw ko ulit ang syudad at bigla kang sumagi sa isipan ko. Pinakiramdaman ko ang aking sarili kung siya pa ba.
"Hindi ko na alam"
"Bakit nga ba ako nagka ganito sayo"
Nadepressed ako dahil lang sa lalaking iniwan ako. Tsk funny huh. Hindi ko lubos maisip na magkakaganon ako sa isang lalaki lamang. Muntik nang masira ang buhay konang dahil sa maling desisyon kong iyon. Pinairal ko ang katigasan ng ulo ko. Hinayaan kong saktan ako ng tadhana.
Napabuntong hininga ako at pinigilan ko ang nagbabadyang mga luha sa gilid ng aking mga mata.
"Mahal kita"
Natulala ako nang naalala ko nang unang gabing sinabi mo saakin to at dyan na tayo nag simula. Simula ng ating mga masasayang sandali pero binawi agad ng tadhana.
I may never know what exactly happened, but I think I know the why of it. Tadhana, fate, Destiny at kung ano pang pwedeng maitatawag. Tadhanang akala mo'y pinaglaruan lamang tayo.. Pagmamahalan na akala natin ay walang katapusan
akala lamang pala...
Parang gusto kong isuka ang puso ko para kahit man lang sandali, hindi na ito makaranas ng sakit. Gusto kong umiyak ng umiyak ng gabing iyon hanggang sa wala na akong mailabas na luha. Siguro tatanggapin ko nalang na unpredictable talaga ang tadhana. Pangingitiin ka ng ilang oras. Ipapalanghap sa'yo ang hangin ng tuwa, ang patak ng mga ulang hahaplos sa mukha ko, ang ingay ng tunog ng musika ng pag-ibig
Sa tinatagal tagal na lumipas, masakit parin sa dibdib kapag ito'y sumasagi sa isip ko. Gustong-gusto kita kamuhian sa pag trato mo sakin noon na para bang laruan.. Laruan na hindi nasasaktan. Laruan na pwede'ng pwede mo'ng iwan kahit saan. Bigla akong natulala pero agad kong binawi.
"Ano ba ang nagawa ko sayo para ganituhin mo ako?"
Yan lagi ang sumasagi sa isip ko pag ikaw ang iniisip ko. Pakiramdam ko ay namanhid na ang buong sistema ko kakaisip ang mga nangyari noon, ang mga nagawa mo sakin. Naaalala ko noong gabing nagmakaawa ako at sinabi ko sayo ng pabulong , "Mahal na mahal kita" na sa mismong gabing sinaktan mo ako.
BINABASA MO ANG
Inlove With The Pain (Crescent Coast Series #1)
Teen Fiction"Ang sakit sakit na." "Of course it does" you smile sadly. "The hurt is how we know it was love. The absence we feel is proof that what we had is something that can be lost" "At kailan naman ito titigil?" With eyes dark like a cloud before rain, you...