"Thank you very much classmates. Maraming salamat sa isang taong nakasama ko kayo. Maraming salamat kase ipinaramdam ninyo sa akin lahat ng love. Maraming salamat kasi nagkaron ako ng chance na ilabas lahat ng skills ko. Hindi ko akalain na dito ko pa mas mararamdaman ang love. Hindi ko inexpect na dito ko pa mararanasan na hindi pala ako nag-iisa. Maraming salamat." Nangingilid na ang luha niya.
Hayyyy. Hindi ko to kaya.
"Maraming salamat nga din pala dun sa nag-iisang hinding hinding hinding hindi sumukong intindihin lahat ng mga problema ko. Hindi nagsawang damayan ako. Hindi nagsawang magbigay ng advices sakin. Dun sa nilalang na hindi nagsawang pangitiin ako sa mga oras na nawawalan na ako ng pag-asa." Tumingin siya sa akin.
Oh fck. My heart. Ugh. No.
"Maraming salamat. Kung hindi dahil sayo, siguro wala na. Hindi ko na siguro makikilala yung tunay kong nanay. Salamat ha? Pinasaya mo ako ng sobra." ngumiti siya sa akin "Since, eto na yung last day ko dito sa Pilipinas at eto na rin yung huling araw na magkakasama tayong lahat, kukunin ko na tong opportuniy na to para sabihin dito sa harap na" napapikit siya at huminga at tumingin muli sa akin "I love you. Mahal na mahal kita. Mahal kita hindi lang bilang kaibigan kundi, higit pa dun. Ngayon lang ako nagkaron ng lakas ng loob na sabihin sayo to kasi baka bigla mo akong iwan non. Baka bigla mo akong layuan. Tutal, aalis nadin naman ako, gagamitin ko na tong oras na to para sabihin sayo na mahal na mahal kita.. Dash." tumingin lahat ng mga kaklase ko sa akin at sabay sabay silang nag "Yiiiiiiiiiiiiiiiieeeeeee"
Oh my goodness. Don't do this Ciara. Yung puso ko.. ang bilis ng tibok.
"Maraming maraming salamat sa inyong lahat. Sana mamiss nyo ako. Hehe. Sana hindi nyo ako malimutan. Bibisita ako promise. 'Till we meet again." ngumiti siya at nagsilapitan naman ang mga kaklase ko sa kanya. Lahat sila nag-iiyakan. Ako naman 'tong naiwan sa gilid. Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi niya eh. Ako? Mahal niya? Siryoso?
Ibig sabihin, parehas kami ng nararamdaman? Walangya. Bakit ngayon mo lang sinabe kung kailan, aalis ka na?
Nakatulala parin ako nang bigla akong nagulat dahil nasa harap ko na siya at bigla niya pa akong niyakap. "Dash, I'm so sorry. Hindi ko na dapat sinabe yun. Sana hindi ka galit. I love you. Mahal na mahal kita. I'm so sorry. Natatakot kasi ako kaya di ko agad sinabi. I'm so sorry." Teka, umiiyak ba to?
"Shh. Ciara. Don't cry. Hindi ako galit."
"Promise?"
"Yes." Yinakap ko siya ng mahigpit "Hinding hindi ako magagalit sayo Ciara."
"T-thank you Dash. Pwede ba akong humingi ng favor sayo?"
"Sure, ano yun?"
"Pwede bang wag na wag mo akong kalimutan?" Hay nako Ciara kung alam mo lang. Kung alam mo lang na araw araw, oras oras kitang inaalala.
"Oo naman. I'll never forget my brader"
"Tsaka brader, pwedeng ikaw yung una kong makita pag balik ko dito sa Pilipinas?" kumalas siya sa pagkakayakap sakin at tumingin ng direcho sa mata ko.
Yung mata niya, pulang pula. Ramdam na ramdam kong nalulungkot siya.
"Yes. I promise. Promise Ciara. Basta ba ipapaalam mo saken kung kailan ka babalik eh. Hindi naman pwede siguro na araw araw akong bibisitang airport para malaman kung babalik ka na noh? Haha." Natawa naman siya. Ayoko ng ganto. Ayokong nakikitang umiiyak yung natatanging.. yung natatanging babaeng pinahalagahan ko ng ganto. Yung minahal ko ng patago. "Wag ka ngang umiyak. Ayaw kong makita kang umiiyak. Ngumiti ka nga!" Utos ko sa kanya
"Osige na nga." ngumiti siya pero kitang kita ko sa mga mata niya na lungkot na lungkot siya.
"Ciara, anak. Halika na. Mag-aayos pa tayo." Sabay kaming napatingin sa Mama niya. "Ah, iho kailangan na kaseng mag-ayos ni Ciara eh. Salamat nga pala sa pagbabantay sa anak ko ha? Osha, tara na Ciara. Maaga pa tayo bukas. Sumunod ka na dun ha. Bilisan mo." Ngumiti sa akin yung mama ni Ciara at saka umalis
"Oh, pano ba yan? Aalis na ako. Matagal akong mawawala. Hindi ko alam kung kailan ako babalik. Yung favor ha? Aalis na ako Dash. Mamimiss kita." yinakap ko siya at tuluyang bumagsak ang luha ko
"Mamimiss kita ng higit pa sa sobrang sobra Ciara." bulong ko sa kanya
"Mamimiss din kita Dash." kumalas siya sa yakap at saka hinawakan ang pisngi ko "'Till we meet again, brader." yinakap niya ulit ako atsaka..
O.O
hinalikan ang kanang pisngi ko
"Goodbye Dash. I love you." ngumiti, tumalikod at biglang tumakbo.
"Mahal na mahal din kita, Ciara." bulong ko at ramdam kong tumulo bigla ang luha ko
Ciara, bakit ngayon? Bakit ngayon ka pa umalis? Bakit ngayon lang lumabas sa bibig ko na "Mahal na mahal kita" kung kailan umalis ka na. Kung kailan.. huli na ang lahat.
♥♥♥
