Isang linggo na ang nakalipas mag mula nung umalis si Ciara. Isang linggo na din ang bakasyon namin. Next school year, 4th year na kami. Haaay. Next school year, wala na akong Ciarang makakasabay pumasok. Wala na akong Ciarang makakasama tuwing recess, tuwing lunch, tuwing gagawa ng projects, tuwing uwian. Haayy. Pano na to? :(
"Kuya, kuya. Tawag ka ni Kuya Marion."
Si Marion. Isa sa mga ka-tropa ko dito sa village namen at ang pinaka close ko.
"Pasabe kay Kuya Marion mo, tulog ako."
"Owkaaaayyyy."
Haaaayyy. Ayoko talagang gumalaw. Yung feeling na bawat hakbang ko, para akong matutumba. Sobrang nanglalambot ako. OA ba? Hehe. Nasasaktan ako eh. Bakit ba? :)
Naranasan niyo na ba yun? Minsan gusto kong umiyak. Hindi ko alam. Nahihirapan ako. Siguro kase alam kong hindi ko na siya makakasama lalo na't alam ko ngayon na kahit papano, may chance kaming dalawa. Diba? Basta ganun. :3
"Hoy! Tama na drama! Baba!" Oh nyemas pinapasok pa netong kapatid ko. "Hoy ano ba, bangon!"
"Bat ka ba nandito? Sabe ko tulog ako ah."
"Ulul. Tulog daw ah. Tulalang tulala ka jan. Kelan ka nakakita ng tulog na bukas mata?" tumingin ako sa kanya magsasalita pa lang ako bigla niya akong inunahan "Except sa patay! Gags. Bangon! May pupuntahan tayo."
"Ano bang meron?"
"Magsh-shopping tayo." punyemas bakla! "Hoy! Anong bakla. Tara na, magbihis ka jan aantayin kita sa baba."
Hayyy ano ba naman yan. Katamad kaya. Ano naman kayang nakain netong lokong to dinamay pa ako sa kalokohan niya. Wala narin naman akong nagawa. Tumayo na rin ako at naghanap ng isusuot. Sana gumaan naman pakiramdam ko dito sa iniimbento ng tropa ko.
Pagkatapos kong magbihis, bumaba ako. Laking gulat ko nung nakita ko yung buong tropa namin dito sa village. Si Marion, Marco at Seth. Walangya. Bat andito tong mga to?
"Yes noh. Bumaba ang bida." sigaw ni Seth ang pinakamaligalig sa'ming apat. "Ano bang meron?" tanong ko. "Kelangan mong magsaya!" sigaw nilang apat. Ano? Nagpractice?
"Ang ingaaaaay!" sigaw ni Daph nakakabatang kapatid ko
"Sorry na ma'am. Tara na nga nakakaabala ata tayo sa kapatid ko." sabi ko at lumabas ng pinto sumunod naman sina Marion sakin.
"Ano bang gagawin natin?"
"Alam mo brad, alam naming hindi ka okay." tinapik tapik ni Marco yung balikat ko. "Kaya, pupunta tayo sa mall maglalaro tayo, manunuod ng sine, maghahanap ng chix." kahit lalaki kame, mahilig kame manuod ng sine. Don't judge us. Haha. "Dali na. Sumama ka na."
"May magagawa pa ba ako?"
Naglalakad na kame ng biglang napahinto si Marion. O_O Anong meron?
"Ayan nanaman tong lalaking to. Natitigilan tuwing dumadaan si Lyona." at sino naman yun? "Sino yun?" tanong ko. "Ayun oh." tinuro sakin ni Marco yung babaeng kakapasok lang sa isang medyo malaking bahay. "Yun yung nagbabakasyon dito ngayon. Kadadating lang ata niyan kahapon o nung isang araw." ahh kaya pala parang ngayon ko lang nakita hindi nga pala ako lumabas kahapon. Katamad eh. Oh, well. I don't care bro.
"Ang ganda talaga niya." nakatulala parin si Marion
"ARAY!" inupakan ko siya. "Tara na! Labo! Siya o kame?" tanong ni Seth
"Tara na nga! Mga panira kayo!"
==
Ayun nga pumunta kaming mall, nanuod ng sine, naglaro, kumain (Sila nga pala nanglibre sakin sa lahat! Nalimutan ko kase wallet ko. Hehe. Pero plano naman ata talaga nilang ilibre ako kaya ayos lang. Hehe) at naghanap ng chix. SILA! Sila naghanap ng chix hindi ako kasali don. O:) Ciara parin kahit anong mangyari.
Sumaya ako siyempre. Hindi hahayaan ng mga tropa ko na malungkot ako. Hindi nila hahayaang malungkot at may problema ang isa sa amin. Kaso pano nila nalaman? Talaga naman oo!