Chapter 3

1 1 0
                                    

*The real Jazz*

Jazz P.O.V

"Kuya Jazz,okay kalang?"..tanong ni Micko.Nandito kami ngayon sa tambayan namin.At etong Micko na 'to kanina pa tanong ng tanong e alam naman nya ang sagot!Poteks!

"You're such a loser Jazz.Tinalo ka ng manang na 'yon."...sabat naman ni Vince habang sumusubo ng pizza.
Aba't hinayupak 'tong pandak na 'to!Ipamukha pa talaga sa'kin?!!Tsk.Ba't kasi na blangko ang utak ko kanina eh!leche talaga.

"Kuya kalma.Durog na 'yang pizza mo oh!"...doon ko lang napansin na tinu-torture ko na pala ang pizza ko..

"Lam pake.Oh asan na kuya mo?"...napansin ko kasin kaming tatlo lang ang nandito.Para namang kabute si Van.Nawala bigla!

"Lumarga na kuya.May date daw sila ng gf nya eh.Uy labanos penge ako!"..sagot ni Micko habang busy kaka agaw ng natitirang pizza kay Vince.

"Anong sabi mo?!!Sinong labanos?!!"..sagot naman ni Vince habang nilalayo nya ang pizza kay Micko.Tsk.Mga isip bata talaga.

"Sino ba syota ni Van?Di ko yata alam yon ah."..

"Si ano kuya...Hoy akin yan!Teka si ano....Si ate...Holy shit!Ang pizza ko!Humanda ka sa'kin labanos!"....Hindi na natuloy ni Micko ang sasabihin nya.Hinabol nya si Vince palabas sa hideout namin.

"Ay takte.Iniwanan ako?!!Pagkatapos ko silang i libre?..Mga bastusing bata!"...nasabi ko nalang sa hangin..

Ring....Ring....Ring....

Nakita ko na tumatawag sa'kin ang kapatid ko.

"Oh!Kelangan mo?"..ako
"Wow kuya!Hello rin sayo ha!Tsk."...Nica
"Ba't ka ba tumawag?"...ako
"Pasundo naman kuya oh.Nandito ako ngayon sa mall eh."..Nica

Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko.Nasa mall si Nica???

"ANONG GINAGAWA MO DYAN?!!NAG DATE KA BA?!!SINO SYA?!!SAGOT!!!!"...hindi ko na napigilan ang sarili ko...Basta pagdating sa kapatid ko,nagiging strikto ako..
Ako nga pala si Jazz Riley Manasala.4th year high school.Wala dito ang parents namin ni Jannica kaya ako ang nag sisilbing tatay at nanay nya.Ganyan ko sya kamahal.

"Hoy Jazz Riley Manansala!Wag ka ngang sumigaw!Napaka OA mo talaga!Tsaka date?!!Duh kuya.Wala ngang matinong tao dito eh!Sige na kuya please...Sunduin mo na ako.."...pabebeng sabi ni Nica sa kabilang line.

"Mabuti na 'yung malinaw!Sige.Hintayin mo ako dyan sa ice cream parlor."..napahinga ako ng malalim.Akala ko nakipag date na yung kapatid ko eh.

"Thanks kuya!You're the best!I love you kuya Jazz."...Nica

Pagkatapos ng tawag ay umalis na ako sa hideout at pumunta sa parking lot.Sumakay na ako sa kotse ko at dumiretso sa Mall.
After 10 mins. nandito na ako sa Mall.Pinuntahan ko agad ang kapatid ko.Mahirap na.Baka maubos nya ang lahat ng ice cream dun.Ang takaw pa naman nun!

"Hoy bansot.Ba't ganyan porma mo?"...ako
"What's wrong with my outfit kuya?Ang ganda kaya!Palibhasa pang U.K yang porma mo!So cheap!"..Nica
"Etong pormang 'to cheap?!!Mag contacts ka nga!Malabo na yata mata mo Cay.Tsaka wag kang sumasama dyan sa manang na Vanna na yan.Na adapt mo na tuloy ang style nya."...ako

Binayaran ko na ang ice cream nya at umalis na dun.

"You know what kuya,bagay kayo ni ate Vanna.Para kasi kayong aso't pusa.Ang cute nyo mag asaran!"...sabi nya sabay kapit sa braso ko.

"Ang cute dun?!!Tsaka anong bagay kami?!!neknek mo!Never akong magkakagusto sa manang na 'yon noh!"...sagot ko sa kanya sabay gulo ng buhok nya.

"Really kuya ha.You'll never know.Baka kaya mo 'to ginagawa because you like her eh..Ayiiieee.."...tinusok tusok nya ang tagiliran ko at tumakbo palayo.

"Ako magkakagusto sa manang na 'yon?Hay nakuu.Isip mo talaga Nica."...Napailing nalang ako..Pero bakit feeling ko,napangiti ako sa sinabi nya..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secretly Inlove With My EnemyWhere stories live. Discover now