Chapter 2: First Encounter

1 0 0
                                    

Cafeteria

"So, ano gusto mong kainin bes?" sabi ni Kei.

"The usual." Tipid kong sagot.

"Ay grabe. Di ka ba nagsasawa sa kinakain mo? Puro ka nalang french fries at coke, kung di naman ganyan snack mo Clover at piattos naman yung kinakain mo." Lintanya na Kei.

Tiningnan ko naman siya nang nakakatakot. Kaya alangan siyang ngumiti at nag peace sign sakin.

"Sabi ko nga e! Masarap talaga ang French fries at coke. Ah! Pati narin pala ang clover at piattos." Sabi niya sabay kamot sa ulo.

Kinalikot ko lang yung cellphone ko at naglaro nang criminal case since si Kei naman yung bibili nang pagkain namin nang biglang nagsitilian ang mga tao sa cafeteria.

Napatingin naman ako sa taong pumasok sa cafeteria at sanhi kung bakit nagsisitilian ang mga tao dito. Naningkit mata akong tumingin sa taong yun. Psh, so ang transferee?

"OMG! Ang gwapo niya." Sabi nung isang babaeng halos lumuwa na ang kaluluwa dahil sa suot nito.

"Oo nga besh! Grabe! Makalaglag panty! Akin ka nalang koya!" Sabi naman nung isa na parang clown dahil napuno nang make up yung mukha niya. Makulay ang buhay eh? Tss.

"Hooh! Anakan mo kooooo!"

"Magpakasal na tayooo!"

At dahil nabwibwiset ako. Hinampas ko yung table namin at tumayo. Nabigla at natahimik naman yung mga tao sa Cafeteria dahil sa ginawa ko.

Tiningnan ko naman ang katabing table ko at tinitigan yung dalawang babaeng nagtitilian kanina.

"Alam ko namang malandi kayong dalawa. Pero pwede ba? Wag niyo nang iparinig sakin mga kalandian niyo? Nakakasuka." Sabi ko at tinitigan sila.

"A-aba't anong sabi mo?!" Sabi nung isa.

"Malandi na nga, bingi pa." Sabi ko.

"Y-you bitch!"

Akmang susugurin na nila ako nang bigla akong nagsalita.

"Touch me and I kill you."

Nabigla naman sila sa sinabi ko at parang nagdadalawang isip kung susugurin pa nila ako nang biglang may nagsalita sa likod ko.

"What's the commotion all about?" Sabi niya sabay ngiti.

So it's him. Napairap naman ako.

"None of your business." Sabi ko at humarap sa kanya nang naka crossed arms.

"Woah. Chill, sige ka papanget ka niyan." Sabi niya nang nakataas ang dalawang kamay at nakangiting tumingin sakin.

"The hell. Mind your own business dude. I don't need your opinion. So, please get out of my sight."

Napasmirk naman siya sa sinabi ko.

"Cool gal. I like your attitude."

"I know." Sabi ko and then narealize kong gumagawa na pala kami nang eksena dito sa cafeteria. Tss.

Akmang aalis nako nang may nakalimutan ako. Lumingon ako at tiningnan yung dalawang babae kanina na ngayon ay di ko maipinta yung mukha.

Ngumiti ako sa kanila nang ubod nang tamis at tinignan sila mula ulo hanggang paa sabay sabing..

"Filthy Whores." at umalis na nang cafeteria.

--

Paakyat na sana ako nang hagdan papunta sa room namin nang may biglang humawak sa likod ko.

"Bes hintay!" Sabi ni Kei na hinihingal pa.

Napatampal naman ako sa noo ko. Oh crap, nakalimutan ko palang naiwan ko si Kei dun sa cafeteria.

"Oh sorry about that."

Napaayos naman siya nang tayo at biglang tumili.

"Yiiee! Grabe ka talaga bes! Ang astig mo kanina sa cafeteria! Ang epic tuloy nang mga itsura nila." Sabi niya nang tumatawa at pumapalakpak.

"Pinainit nila dugo ko e."

"Pero grabe, gwapo pala talaga yung transferee no? Kaso mukhang di kayo magkakasundo." Sabi niya at tumawa ulit.

"Kumukulo dugo ko sa kanya. Sobrang yabang eh. Nakakainis yung pagmumukha niya."

"Baka kayo ang magkatuluyan niyan ha?" Sabi ni Kei at tumingin sakin nang nakakaloko.

Tiningnan ko naman siya nang masama.

"Sabi ko nga hindi eh! Hahaha." Tumingin siya sa relo niya at biglang nagpanic.

"Hala! May klase pa tayo sa chem ngayon, malalate na tayo! Halika na terror pa naman yung prof natin!" Sabi niya at hinila ako patakbo sa hagdan.

Wala naman talaga akong paki kung malate ako at pagalitan nang prof. Baka sila pa lumuhod sakin but since hinihila ako nang isang to, wala akong choice kundi magpahila.

Nakarating naman agad kami sa room namin. Kinatok naman ni Kei yung pintuan at binuksan yun.

"Sorry sir, we're late." Sabi niya at nagbow.

"Ngayon lang kayo nalate sa klase ko Ms. Orisabe at Ms. Reiko. Saan ba kayo naggagala at nalate kayo ha?" Sabi nang matandang hukluban at tumingin samin nang nanunuya.

"Wala kang pakialam." Sabi ko at umirap.

"What did you say Ms. Reiko?"

Bigla namang sumingit si Kei sa usapan.

"Ah, sabi niya po sir pasensya na po dahil nalate kami. Madami kasing tao sa cafeteria kanina."

"Is that so? Sige umupo na kayo."

Napahinga naman nang maluwag si Kei. Alam kong sinalba niya lang ako kanina.

"Wag mo muna awayin si Sir bes. Napaaway kana kanina. Pati ba naman ngayon?" At tinap yung balikat ko at umupo na kami.

Nagsimula namang magturo si Sir at wala akong ibang ginawa kundi tumingin sa bintana. Napayuko naman ako sa lamesa ko at matutulog na sana nang may sumipa sa upuan ko.

Wtf. Napabangon naman agad ako at tumingin sa katabing lamesa ko.

"What?" Sabi niya nang nakangisi.

"Alam kong ikaw yung sumipa sa upuan ko." Sabi ko sa kanya at tumingin nang masama.

"Then? Bawal pong matulog sa klase." Sarcastic niyang sabi.

"Pakialam mo?" Inirapan ko naman siya.

"Ms. Reiko and Mr. Chua! Kanina pa kayo nag-uusap diyan, mind sharing it with the class?"

"Sorry sir. Eto kasing si Ms. Reiko natutulog sa klase at hindi nakikinig sa lecture niyo." Sabi ni yabang.

W-what? Pinapahiya ba ako nang lalaking to?

"MS. REIKO, GET OUT!" Galit na sabi ni Sir.

Wala naman akong choice kundi lumabas. Letse! Makakaganti din ako sa lalakeng yun. Makikita niya. Lintik nalang ang walang latay.

The Queen Of All BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon