Chapter 6: Announcement

3 0 0
                                    

Dumating naman agad ang prof namin at naglecture nang kung ano-ano. Lols.
Bahala siya sa buhay niya, di naman ako mababagsak.

"Anyway class, bago ako lumabas. May i-aannounce muna ako." Sabi ni Sir.

Napunta naman agad ang atensyon namin sa kanya. Mukhang importante tong sasabihin ni Sir ah.

"At dahil october na, napagdesisyunan nang faculty na may Foundation Day tayo this month." Patuloy na sabi ni Sir.

Nagsigawan naman ang buong klase sa sinabi Sir. Wala na naman daw kasing klase kay nagbubunyi sila. Tss.

"Alam niyo naman siguro kung anong dapat niyong gawin kapag may Foundation Day diba? Kailangan per section ay may maiprepresentang booth. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Sumagot naman ang mga kaklase ko.

"At kung sinong booth ang pinakamaganda at pinakamaraming dumadayo ay siyang tatanghaling panalo. May plus points at premyo din kayo." Sabi ni Sir nang nakangiti.

"Kaya ibibigay ko muna sa inyo ang natitirang time para makapag meeting kayo sa gagawin niyong booth. Ms. Rubrica?" Tawag ni Sir sa President namin.

Agad namang tumayo si Vina.

"Yes sir?"

"I give you the authority para pamunuan ang mga kaklase mo. Ikaw nang bahala. Goodluck class." Dagdag pa ni Sir at umalis na.

Nagpaalam naman ang mga kaklase ko.

"So guys! Anong booth naman ang gagawin natin? Any suggestions?"

Nagpataas naman nang kamay yung isang kaklase ko.

"Hug & Kiss booth?"

Umiling naman si Vina.

"Masyadong ano."

May nagpataas naman uli.

"Horror Booth?"

"Masyadong magastos. Limited lang yung resources natin. Pumili tayo nang booth na di masyadong marami ang gagamiting resources, at madali lang gawin."

Ewan ko, pero nagpataas naman ako nang kamay.

"How about, Photo Booth?"

Napangiti naman si Vina sa suggestion ko.

"Tama! Yan nalang. Dslr at maliit na kwarto lang naman ang kailangan. Tayo nalang ang mag eedit, at isesend nalang natin sa account nila."

Napatango naman ang ibang kaklase namin at sumang-ayon.

"Okay, ang susunod naman nating pag-uusapan ay kung sino-sino ang magbabantay."

"By two's nalang, pwede ding tatlo."
Sabi ni Kei.

"Pwede rin. Since three days lang naman ang Foundation natin dito at 30 tayong lahat dito sa classroom. Pwedeng by three nalang ang magbabantay, tatlo sa umaga at tatlo sa hapon, sigurado naman akong di lahat ay present kasi magliliwaliw yung iba para itry yung ibang booth."

Sumang-ayon naman kaming lahat.

"So, pipili muna tayo nang magkakasamang babantay." Pumili naman si Vina kung sino yung magkakasama.
Ako, si Kei, si Zane, si Daryl, Mae, at Ahn nalang yung di pa napipili.

"Okay, kayo Ahn, Daryl, at Kei ang magkakasama. Kayo naman Mae, Zane, at Akira ang magkakasama." Sabi ni Vina.

Psh. Ba't ko pa nakasama si Impakto? Siguradong gulo lang ang mangyayari sa pagbabantay namin.

Tumingin naman sakin si Impakto at ngumisi.

"Paano ba yan, magkasama tayo?"

Inirapan ko naman siya. "Whatever."

Tumingin nalang ulit ako sa harap mukhang di pa tapos si Vina magsalita eh.

"Dapat lahat tutulong sa gawain. Ang di tutulong, di ililista at walang matatanggap na points mula kay Sir. Understand?" Tumango naman ang mga kaklase ko.

"Okay, pwede na kayong lumabas."

Tumayo naman ako at nag-unat. Hyys! Nakakapagod palang umupo.

"Bored ba masyado Akira?" Bigla namang nagsalita tong katabi ko. Sino pa ba? Edi si Zane.

"Talk to my hand." Sabi ko sabay taas nang kamay ko at itinapat sa mukha niya.

Napatawa naman siya sa ginawa ko at kinuha yung kamay ko tsaka hinalikan ito.

"It's my pleasure, your highness."

Nashock naman ako sa ginawa niya.

"Tumigil ka nga! Nakakahiya ka!" Sabi ko at kinuha ang kamay ko tsaka umalis.

Bwesit talaga yung lalaking yun! Alam niya ba yung ginagawa niya? Takte. Agad naman akong pumunta malapit sa field at umupo sa bench dun.

Bigla naman akong napahawak sa dibdib ko. May sakit na ata ako sa puso. Ugh! Makapacheck up na nga lang sa susunod.

Zane Sebastian Chua

Napangisi nalang ako habang tinatanaw ang babaeng kakalabas lang nang classroom. Ang bilis talaga maasar nang babaeng yun, ang kyut niya din kapag nagbublush. Hahahaha.

Inayos ko nalang ang bag ko at aalis na sana ako nang biglang lumapit sakin yung bestfriend ni Akira. Uh, si ano to eh, si Kayla? Kaye? Ah, Ewan.

"Ano naman bang ginawa mo sa bestfriend ko?" Tanong niya sakin habang natatawa. Nakita niya siguro yung nangyari kanina. Hahaha.

"Ang sarap niya kasing asarin." Sagot ko nang natatawa din.

"Haay nako. Bagay sana kayo kaso mukhang di kayo magkakasundo. Akala ko magkakaboyfriend natong si Bes eh." Sabi niya nang umi-iling.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Osya, sige una nako hahanapin ko pa yun eh. Babyeee!" Sabi ni Kei at nagwave sakin.

Ngumiti at tumango nalang ako sa kanya at kinuha ang bag ko at umalis nalang din.
---

Akira Reiko

Nandito ako ngayon sa Mall at tinext nalang si Kei na umuwi na ko para di na niya ako hanapin. White lies tho. Anyway, kakalabas ko lang sa isang boutique. Bumili na ako nang bagong mga damit, pampawala stress to.

Naglalakad lang ako at nakatingin sa mga shop at baka may magustuhan akong bilhin nang bigla akong napahinto nang makita ko yung mukha ko sa salamin.

Medjo mataas na din pala tong buhok ko na hanggang pwet. Black na black ito. Ayaw kasi akong payagan ni Mommy magpakulay. Tss.

Nang biglang napatingin ako sa isang salon na malapit sa kinatatayuan ko. Napangisi nalang ako sa ideyang lumabas sa utak ko. Bahala na si Batman.

Pumasok ako sa salon at agad namang lumapit sakin ang babaeng nagbabantay dun.

"Welcome po sa Carlo Reyes Salon Maam. Ano pong maitutulong namin?" Sabi niya sakin nang nakangiti.

"Magpapagupit sana ako nang buhok." Tiningnan at kinuha ko naman ang edge nang buhok ko at tumingin sa kanya.

"Tsaka magpakulay na din sa edge nang buhok ko."

"Anong kulay ba gusto niyo Maam?"

"Ikaw na bahala, basta bagay sakin." Sabi ko at umupo.

Nagsimula na din naman siya at sinuklay-suklay ang buhok ko.

"Pag di ko nagustuhan yang trabaho mo, yung buhok mo ang malalagot. Nagkakaintindihan ba tayo?" Taas kilay kong sabi sa kanya at natakot naman siya.

"O-opo Maam."

"Good. Sige na simulan mo na." Sabi ko tsaka kinuha yung magazine sa harap ko at binasa ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Queen Of All BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon