Cellphone Love Story. (Short Story.)

97 2 0
                                    

Pano kung mainlove ka sa taong hindi mo nakikita ? 

Kung puro BOSES lang at TEXT ang nag uugnay sainyo ?

Sinasabi ng iba, Easy to get daw pag ganyan.

Just for FUN.

Laro-Laro lang ang lahat.

Easy to get nga. Pero mahal mo naman.

Pero may isang taong nag sasabi sayo na Laro Laro lang ang lahat para doon sa taong mahal mo.

Laro - Laro lang ang LAHAT LAHAT.

Kung ganyan ang nararamdaman niya ? 

Mag gigive up na lang ba ako ? 

Pero kahit sa cellphone lang ang ugnayan namin. 

Nagawa niya akong pasayahin.

Kahit sa cellphone lang minahal ko siya.

Ipaglalaban ko pa ba siya dahil mahal ko siya? 

O,

Isusuko na siya dahil laro laro lang ang lahat para sakanya. ? 

---

Nagsimula ang lahat nung New Year.

Nang may biglang tumawag saakin. 

Nang tinignan ko yung phone ko, unregistered number. Sinagot ko naman yung tawag at nagsalita.

"Hello ? "' 

May nag strum naman bigla ng gitara.

 (A:N/ Pakinggan niyo na lang ho yung YBWM, Male Version. Maganda yung kanta. ^_^) 

♫ "Your on the phone with your boyfriend hes upset He's going off about something that you said He doesn't get your humor like I do" 

Lalaki siya. Anong meron ? Sinubukan ko namang magsalita pero nag patuloy lang ito sa pagkanta.

♫ "I'm in the room its a typical Tuesday night I'm listening to the kinda music he doesn't like He'll never know your story like I do"

Hindi pa rin talaga ako makapag salita. Hindi ako makasingit sakanya. Pinagpapatuloy niya lang ang pagkanta.

♫ "He wears mainstream, I wear plain fleece

hes at the club and I'm watching t.v

dreaming 'bout the day that when you wake up and find

that what your looking for has been here the whole time

If you could see that I'm the one who understands you

Been here all along so why cant you see

You belong with me, you belong with me"

Wala na. Hindi na lang ako nagsalita. Hinintay ko na lang siya hanggang sa matapos siyang magsalita.

Hanggang sa natapos na siya sa pagkanta.

Magsasalita na sana ako ng biglang.

*Toot* *toot* *Toot* 

Ay ? Binabaan ako ?

Sinubukan ko namang tawagan siya ulit para tanungin kung sino siya, pero naka off na yung cellphone niya. 

Hindi ko alam kung bakit paulit ulit sa utak ko yung boses niya. Ang ganda. Sobra. 

Cellphone Love Story. (Short Story.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon